Chapter 50

645 10 0
                                    

Lance Pov

Pasimple kong pinagmamasdan ang paligid. Naghahanap pa ako ng tiyempo para makaalis dito sa kinalalagyan ko. Masyadong palakwento ang mga magulang nila kung kaya't hindi ako makapagpaalam. Kailangan kong makapaunta sa rooftop. Hindi ko na pinapunta si Ms. Hyeshah dito sa Ground Floor para hindi makahalata ang iba.

"Am maam sir excuse me but may mga tatapusin lang ako sa opisina" pormal kong paalam sakanila.

"Ah yes Sir Lance thank you for the time" nakangiting sabi ng daddy ni Agatha tsaka ako kinamayan.

"The pleasure is mine" nakangiting sabi ko tsaka kinamayan ang daddy ni Ms. Gwen.

"Excuse me" paalam ko. Agad akong umakyat sa taas at sinenyasan ang mga gwardia na wag ng sumunod. Agad kong nilinga linga ang paligid at tiningnan kung gumagana pa ang CCTV sa dadaanan ko. Pasimple ko na itong isinara para hindi nila malaman kung nasaan kami. Agad akong umakyat ng hagdan, masyadong mapanganib sa elevator. Umakyat ako nang umakyat hanggang sa marating ko ang pinakadulo.

"Pssst" dinig kong tunog nang makarating ako sa pintuan kung saan patungo sa rooftop.

"Psssst! Hoy nandito ako shunga!" Dinig kong usal sa may bintana kaya agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nasa bintana ito. Pasimple akong lumiko sa kanto kung saan nandoon si Ms. Hyeshah tsaka kumunot ang noo ko sa itsura niya.

"Anong ginagawa mo jan?" Takang tanong ko.

"Gusto kong marinig ang usapan nila kaya tulungan mo akong makalusot dito" ani niya kaya lalong kumunot ang noo ko.

"S-sinong sila--"

"Kaya nga papasok para makita kung sino diba kaya tulungan mo na ako" ani niya kaya bumuntong hininga nalang ako at agad siyang nilapitan.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Ms. Hyeshah?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Maingat kong hinawakan ang mga paa niya tsaka tinulungang makatapak sa mga balikat ko para makapasok siya sa bintana.

"Teka paano ako?" Tanong ko kay Ms. Hyeshah nang maakyat niya na ito.

"Aba bahala ka jan kanina pa ako umaakyat jan kaya maghirap ka din kung gusto mo mag abang ka din tapos pakarga ka sige na salamat" ani niya tsaka tumalon kaya inis akong bumuntong hininga. Agad akong lumingon sa dalawang direksyon ng kanto, wala itong gaanong tao. Pero natigilan ako nang may makita akong hagdanan sa isang sulok tsaka napailing iling.

"That girl minsan hindi pinapagana ang mga mata" ani ko habang binubuhat ang hagdan papunta sa bintana. Agad akong umakyat doon at napagtanto kong bintana iyon ng isang sulok sa rooftop. Agad kong tinumba ang hagdan para walang makahalata na may umakyat doon at tsaka tumalon .

"Ms. Hyeshah" tawag ko kay Ms. Hyeshah na ngayo'y lumuluha na. Agad kong sinilip kung ano ang sinisilip niya at doon ko nakita si daddy habang kausap ang mama ni Ms. Hyeshah.

"Oh come on Greta alam naman natin na tinaraydor mo kami" mariing sabi ni daddy kaya lalong kumunot ang noo ko.

Tinraydor?

"Kung sa tingin mo ganun nga edi baka tinaraydor ko talaga kayo" ani naman ng mama ni Ms. Hyeshah.

"You will pay--"

"No! You will pay for this!" Mariing pigil ni Ms. Clarissa kay daddy kung kaya't natigilan ito.

"We all know kung sino ang kriminal saating dalawa" mariing sabi ni Ms. Clarissa kay daddy kung kaya't napakunot ang noo ko.

"Sino nga ba Clarissa Crost?" Mariing tanong ni daddy na ikinagulat ko.

"Crost"  usal ko.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon