Hyeshah Pov
Agad akong nag umpisang magtrabaho. Sa round na ito tanging ang board ang magdedesisyon kung sino ang pasok saamin. Aaminin kong mahirap ang trabaho lalo pa't hindi ako sanay sa ganitong trabaho. Mas sanay akong magbuhat ng mga haloblocks kesa sa ganito.
"Madaam eto ang schedule ni sir Lance for tomorow ikaw na ang bahala jan" ani ni Danica kaya agad akong tumango sakanya. Isa isa kong binuklat ang mga folders na nasa mesa ko. Napag aralan namin kung anong gagawin sa ganitong bagay pero hindi ko alam na ganito na pala kahirap. Nang tumunog ang orasan sa mesa ko ay dali dali kong pinatay ito saka kinuha ang mga folders at taas noong lumabas ng opisina dahil pupuntahan ko na si Lance sa opisina niya para sabihing may meeting siya. Ako ang nakatoka para umasikaso ngayon kay Lance. Palit palitan kaming tatlo na gaganap bilang sekretarya at ngayon ay ako ang nakatoka habang ang dalawa ay inaayos ang ibang gawain sa kompanya.
"Sir Lance may meeting kayo after 5 minutes" ani ko nang makapasok sa opisina jiya kung kaya't agad niya akong tinapunan ng tingin tsaka tumango.
"Alright susunod ako" ani niya kung kaya't lumabas ako tsaka pumasok sa isang kwarto kung saan naghihintay ang board. Agad akong pumasok doon at tsaka isa isang nilapag ang mga folders na hawak ko sa mesa nila. Pero habang nilalapag ko ang folder nila ay isa isa kong tinandaan ang mga mukha ng nasa loob ng kwarto kasabay ng pangalan na nakalagay sa metal na nakasabit sa mga damit nila.
"Maam, Sir susunod na si Sir Lance excuse me" ani ko tsaka doon lumabas sa kwarto at nabigla ako nang makasalubong ko si Lance habang may dala dalang folder na agad namang inabot saakin at binigyan niya ako ng makahulugang tingin na agad ko namang nakuha kung kaya't inabot ko ang folder tsaka marahang tumango sakanya.
"Hinihintay ka na nila sa loob sir" nakangisi kong sabi.
"Yes I see thank you" nakangiting sabi niya kung kayat marahan akong tumango tsaka siya pumasok sa loob habang ako naman ay naglakad pabalik ng opisina.
"Anong kailangan mo?" Taas kilay kong tanong kay Agatha na nakaupo sa sofa ng opisina ko.
"Ang pangit ng office mo, pure white" nakangiwi niyang sabi.
"Ahh oo sige salamat" ani ko tsaka dumiretso sa upuan ko.
"What the hell wag mo akong tatalikur--"
"Bigyan mo ako ng katanggap tanggap na rason kung bakit hindi kita tatalikuran?!" Mariin kong tanong kung kaya't natigilan siya.
"Wag na wag mo akong sasagarin! Lumaban ka ng patas" ani ko habang tinititigan siya sa mata tsaka ako naupo.
"May kailangan ka pa?" Taas kilay kong tanong sakanya.
"You will pay for this!" Mariin niyang sabi habang dinuduro ako tsaka siya umalis ng opisina ko kung kaya't napairap nalang ako. Agad kong binuksan ang folder na ibinigay ni Lance saakin. Mukha ng mga nasa loob kanina at may kasamang impormasyon. Mukhang makakatulong ito. Agad kong pinag aralan ang nasa folder.
"Ms. Emilia Corzon" mahinang bulong ko. May ari ng kilalang mall sa Pilipinas at sa buong mundo. Stock holder at board member din siya ng Hyden Group. Wala akong nakikitang baho sakanila. Lahat sila tunay na mamayaman. Maraming ari arian pero kailangan kong makahanap ng baho nila. Agad kong nilagay ang folder sa bag ko. Sa dinami dami ng palabas na napapanood ko sa tindahan ni Aling Cusing ang bobo ng mga bida dahil nilalagay nila ang ibang papeles sa mesa.
Ilang araw ang lumipas hindi pa rin ako natatapos sa pag iimbestiga. Madami pa akong kailangan malaman tungkol sa pasikot sikot ng kompetisyon.
"So kamusta naman ang pagtatrabaho sa kompanya mga ihja?" Nakangiting tanong ni Maam Nathalia.
"It was good maam" tipid na sagot ni Gwen na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap.
"Yes it is" ani naman ni Agatha kung kaya't tumango tango ang dalawang mag asawa.
"How about you Ms. Hyeshah?" Nakangiting tanong ni Sir Robert kaya pilit akong ngumiti sakanya.
"Maayos naman po" sagot ko tsaka nagpatuloy sa pagkain. Wala akong balak makipag usap sakanila. Hanggang ngayon bitbit ko pa rin ang sama ng loob dahil sa pagkamatay ng kapatid ko. Ni hindi man lang nila kami pinayagan na dumalo sa libing ng mahal namin sa buhay. Nang matapos ang lahat kumain ay agad akong pumunta sa kwarto. Si Gwen at Agatha lang ngayon ang papasok sa opisina dahil day off ko ngayon.
"Ms. Hyeshah" tawag saakin ni Lance na hindi ko namalayang nakapasok na pala.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Nabasa mo na ba ang binigay ko sayo last day?" Tanong niya kung kaya't tumango ako tsaka kinuha ang folder at ipinakita sakanya.
"Wala akong mahita" sabi ko tsaka bumuntong hininga.
"Here, makakatulong ito" ani niya tsaka inabot saakin ang laptop dahilan para matigilan ako.
"Para saan yan?" Kunot noo kong tanong.
"Nandiyan lahat ng details tungkol sakanila, pinaimbestigahan ko na sila before pero hindi ko na napag aralan dahil wala na akong oras nandiyan ang ibang impormasyon tungkol sa estado nila sa buhay, negosyo, at ari arian" ani niya kaya napatango tango ako tsaka inabot ang laptop. "And nandiyan din sa email ang results ng private investigator" ani niya kaya napatango nalang ako.
"Salamat" ani ko at dahan dahang sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
"You're welcome goodluck" nakangiting sabi niya at ikinagulat ko ang paghalik niya sa noo ko bago umalis. Agad akong napangiti sa ginawa niya pero agad ding nawala dahil kailangan kong itago at kalimutan ang nararamdaman ko. Agad kong binuksan ang laptop na bigay ni Lance at halos ang laman noon ay ang ari arian ng mga taong iniimbestigahan namin.
"Ms. Hyeshah nabasa mo na?" Tanong ni Lance na ikinagulat ko.
"Im sorry kanina pa kasi ako kumakatok kaya pumasok na ako, kaunting oras lang akong mananatili dito I need my laptop" pagpapaumanhin niya kaya tumango nalang ako.
"Wala akong nahanap puro image nila ang nabasa ko at kung gaano sila kayaman bwesit" ani ko na ikinagulat niya.
"What?" Gulat niyang tanong kaya agad kong pinakita ang laman ng laptop niya at kita sa itsura nito na hindi makapaniwala.
"Gaano mo sila kakilala?"
"Well I know them.personally since my father introduce me to everyone, but hindi na ako nagbubungkal ng kahit na ano hindi naman kailangan yun sa negosyo" hindi makaniwalang sabi niya.
"Napakahusay mong Hyden ka wala kang alam tungkol sa pamilya mo" inis kong sabi.
"Hindi ako hinahayaan ni daddy magbungkal besides why would I? Hindi ako nanghihinala sa sarili kong magulang" ani niya at nakita ko ang ounto jiya dahil kahit ako mismo h ganun ang ginawa.
"But all I know malaki ang perang pinapasok sa pamilya namin dahil sa El Kompetisyon" ani niya kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit?"
"Kailangan nating malaman kung bakit, meet me sa terrace mamayang 12 midnight if okay lang sayo" ani niya kung kaya't agad akong tumango.
"Sige" ani niya kaya ngumiti ito tsaka sinara ang laptop.
"I need to go" ani niya tsaka ako hinalikan sa noo at nagmadaling umalis.
Kailangan kong malaman ang puno't dulo nito.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...