Chapter 34

636 14 0
                                    

Lance Pov

Nasa biyahe na kami ngayon pauwi ng mansyon. Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kagabi, hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Ms. Hyeshah dahil sa kahihiyang ginawa ko. Bago kami umalis sa villa, ay namasyal ulit kami ni Ms. Hyeshah pero napapansin ko ang kakaibang kilos niya. Madalas siyang tahimik at kapag sinisita ko ang pagiging tahimik nito ay bigla bigla nalang nagiging hyper, she's not that wierd before, siguro ay sinasanay niya na naman ang sarili niya sa tamang postura.

"Sir, we're here" yan ang sabi ng driver kaya agad akong tumango sa kanya. Agad kong tiningnan si Ms. Hyeshah na parang wala pa rin sa sarili, mukhang hindi niya napapansin na nasa mansyon na kami.

"Ms. Hyeshah we're here" usal ko habang hinawakan ang kamay niya kaya agad itong napatingin saakin.

"Aahhh s-sige t-tara na wbhahahaha" ani nito saka binuksan ang kotse pero agad itong inalalayan ng isa naming tauhan. Mabilis naman akong bumababa ng kotse at sinabayan siyang maglakad sa mansyon. Nang makapasok na kami ng mansyon ay agad kaming sinalubong ni mommy ng mahigpit na yakap.

"O my god I miss you son" bulong niya habang magkayakap kami na ikinangiti ko.

"I miss you too mom" ani ko saka siya nginitian. Agad naman siyang bumaling kay Ms. Hyeshah na ngayon ay nakangiti ngunit hindi ko maintindihan ang ngiting iyon. Agad siyang niyakap ni mommy at may  ibinulong ito sa kanya na ikinangiti ni Ms. Hyeshah.

"Sige na Ms. Hyeshah im sure na napagod ka sa biyahe, take a rest" nakangiting sabi ni mommy.

"Ayy s-sige po" nakangiting sabi naman ni Ms. Hyeshah. Binalingan niya muna ako ng tingin kung kaya't marahan akong tumungo tsaka niya kami iniwan kasama ang mga kesida.

"So, kamusta ang anak ko?" Nakangiting tanong ni mommy saka ipinulupot ang kamay niya sa braso ko bago kami naglakad. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito, simula noong gumaraduate ako at nagtrabaho ng full time sa kompanya, hindi na namin ito nagagawa.

"Im fine mom, I enjoyed our vacation" nakangiting kwento ko.

"How is she?" Nakangiting tanong ni mommy na ikinatawa ko.

"She's wierd mom but I like her attitude" nakangiting sabi ko at natigilan ako nang biglang huminto si mommy at nginitian ako ng nanunukso.

"Do you like her?" Nakangiting tanong niya kaya natigilan ako at napalunok.

"W-what?! M-mom?!"

"What? Hahahaha im just asking sweetheart" natatawang sabi niya tsaka kami nagpatuloy sa paglakad.

"Ibang iba ang aura mo ngayon Lance" ani ni mommy kaya natigilan ako.

"I like her" nakangiting sabi ni mommy pero hindi ako kumibo.

"This batch, I can say na mahihirapan ka sa pagpili, they are all deserving, different personalities and point of view. Even the board members, naguguluhan dahil sa ipinapakita ng mga Hayens, but that girl catch my heart. Iba yung pakiramdam ko sakanya, her humor, beauty, aura iba ehh, ang gaan ng pakiramdam ko Hyeshah" nakangiting kwento ni mommy.

"Gusto mong siya ang manalo?"

"No, hindi naman sa ganun. As the current secretary ayokong maging unfair sa ibang babae since deserving din sila, but as your mother I like her for you" nakangiting sabi niya ka napailing iling din ako.

"Kailangan ko ba talagang mamili sa kanila mom?" Wala sa sariling tanong ko.

"Yes sweetheart, mahirap kasi alam ko na ayaw mong makasakit ng damdamin ng iba. I know na some of them, pwedeng mabawasan ang confidence as a lady but sweetheart sa journey ng buhay kailangan mong mamili. Hindi lahat pwede, kailangan mong timbangin ang dapat, sa hindi dapat. Kailangan mong gumawa ng desisyon na hindi lang para sa ikabubuti mo, kundi para sa ikabubuti ng lahat" malumanay niyang sabi kaya ngumiti na lang ako.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon