Lance PovTahimik lang ako na nakaupo sa passenger seat sa kotse. Nasa biyahe na kami papunta sa mansyon at mamayang gabi magaganap ang pagtanggal sa mga Hayens. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan nila sa misyon ngunit nasisiguro kong parte ako roon.
"Carding" tawag ko sa driver ko kaya agad itong tumingin sa side mirror bilang pagtugon.
"Ser?"
"Pumunta muna tayo sa simbahan" ani ko tsaka itinuon ang tingin sa bintana. Sa mga araw na nagdaan walang ibang nasa isip ko kung hindi si Thania. Halos mabaliw na ako sa kakaisip sa sitwasyon namin. Alam kong wala na kami pero oras oras hinihiling ko na sana bumalik siya sa akin.
"Ser hindi po ba tayo papagalitan ni ser Robert?" Tanong nito saakin kaya natahimik ako.
"Ako na ang bahala" sagot ko. Maya maya pa ay nakarating na ako sa chapel kung saan kami nagtatagpo ni Thania. Sinenyasan ko ang mga guwardiya na sa labas na lamang maghintay at mag isa akong pumasok sa chapel. Tahimik ito katulad ng inaasahan ko, inilibot ko ang aking paningin sa chapel tila ba may hinahanap ako. Umaasa akong nandito siya, umaasa akong naalala niya ang special na araw para saaming dalawa.
"L-lance" tawag saakin ng pamilyar na boses. Para bang may kung anong humaplos sa puso ko nang marinig ko ang boses na iyon, kay sarap sa pakiramdam. Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na uyon at halos maluha ako nang makita ko ulit ang mala anghel niyang mukha.
"H-h-happy anniversarry" nakangiti kong bati sakanya pero ang malalamig niyang titig ang kanyang ipinangtugon sa akin.
"Tapos na tayo Lance, hindi mo na dapat ak--"
"Thania plss--"
"No Lance, ako ang nagmamakaawa sayo mapapahamak lang tayo sa ginagawa mo" mariin niyang sabi.
"Mahalaga ba talaga ako sayo?" Naluluha kong bulong kaya natigilan siya.
"Tatagal ba tayo ng 15 years kung hindi" malamig niyang tugon.
"For the last time Thania, im begging you my love, magsimula tayo ulit" lumuluha kong pagsusumamo sa kanya habang hinahawakan ang mga kamay niya ngunit labis ang aking pagkadismaya nang unti-unti siyang umiling kasabay ng pagkalas sa aking mga kamay.
"This is our destiny my love, please accept it"
"We create our own destiny Thania, but this time you created our own destiny" ani ko habang tinititigan siya sa mata saka siya tinalikuran. Mabigat ang mga hakbang ko papalayo sa kanya. Ano mang oras para bang magwawala ako sa sobrang sakit.
Pagod na pagod na ako...
Sumuko ka saating dalawa...
Sumuko na rin ako..
Pero bakit mahal na mahal pa rin kita...
Hindi ko na alam kung na saan na ako. Lumilipad ang aking isipan, para bang nawawala ako sa sarili. Pinipilit kong maging normal lalo na noong nakarating na kami sa mansyon dahil alam kong pag iinitan na naman ako ni daddy.
"Sir Lance kanina pa po kayo hinihintay" ani ng isa naming tauhan ngunit hindi ko ito pinansin. Mabilis akong pumunta sa Hayen's Ground Floor kung saan ihaharap sa publiko ang mga natalo sa mission. Naagaw ko ang attensyon ng lahat at halos mapalunok ako nang makita ko na luhaan ang karamihan sakanila, mukhang kanina pa nagsisimula.
"Saan ka galing?" Mariing bulong ni daddy kaya pasimple akong tumikhim.
"May dinaanan lang sir" sagot ko ngunit agad niya akong tinitigan sa mata na agad ko namang sinalubong ngunit ako rin ang umiwas dahil batid kong nakakabastos iyon para sakanya na mas mataas ang posisyon.
"You are very unprofessional Lance! Kung kailan nagsisimula na ang kompetisyon tsaka ka nagpapabaya huwag mo akong ipapahiya sa mga tao Lance wag na wag mo akong ipapahiya dahil lilinisin ko ang mga dumi na nagkakalat kapag nadumihan ang pangalan natin!" Bulong nito tsaka niya ako tinalikuran kung kaya't napabuntong hininga na lamang ako.
Hyeshah Pov
Matamlay akong bumalik sa kwarto ko. Tila ba nabalot ng lungkot ang buong mansyon sa pagkawala ng karamihan sa mga Hayen. Lima na lang kaming natira at pasalamat ako na ilan sa mga yun ay mga kaibigan ko.
"Hyeshah kamusta ka?!" Sabay sabay na tanong nina Hannah at agad akong sinalubong sa pagpasok ko sa kwarto. Dirediretso lamang ako sa pagpasok at tanging tingin lamang ang isinagot ko sakanila. Hindi ako nag abalang sumagot dahil wala rin naman akong maisip na sasabihin.
"Sigurado akong napagod kayo sa inyong biyahe naghanda na kami ng inyong pangpaligo at damit na susuotin para sa pagtulog upang makapagpahinga ka na Shah" nakangiting sabi naman ni Maria kaya napabuntong hininga ako.
"Gusto mo bang ipaghain kita ng makakain?" Nakangiting tanong naman ni Aya pero umiling iling ako.
"Pwede bang iwan niyo muna ako mag isa? Magpahinga na kayo" ani ko.
"Per---"
"Kaya ko" nakangiting pigil ko kay Hannah kaya wala na silang nagawa. Tahimik nilang nilisan ang kwarto ko habang ako tanging pagpapakawala ng buntong hininga ang ginawa. Pakiramdam ko naiwan ang diwa ko sa bundok. Pakiramdam ko nakuha ang puso ko ng imahinasyon. Yung tipong hinihiling ko na sana, sana hindi nalang ako nagising.
Flashback
"Ipangako mo saakin binibini, walang magbabago saatin kahit anong mangyari" ani nito habang nakatitig sa mga mata ko. Naramdaman ko ang tubig sa mga mata ko. Hindi ko magawang magsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala, parang umaatras ang dila ko kapag ganito siya.
"P-pangako" sagot ko.
Langya hyeshah bakit mo sinabi yun!!!!!
"Pangako?" Nakangiting tanong niya kaya napalunok ako tsaka ngumiti.
"Pangako" sagot ko na ikinangiti niya.
Ang mga labi niya na aking dinama....
End of Flashback
Hangang panaginip lang pala....
Iniisip ko ang mga naransan ko sa bundok...
Ano kaya kung nagpaiwan ako? Nandun kaya siya?
Ano kaya kung hindi nalang natapos ang gabi na yun?
Ano kaya kung hindi ko masyadong nilapit ang sarili ko sakanya?
Bakit siya lang ang nasa isip ko?
Anong ginawa mo saakin?
Nagising ako sa pag-iisip nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad kong pinunasan ang basa kong mukha dail sa pumatak na luha. Agad akong kumilos upang pagbuksan iyon umaaasang siya ang nasa labas ngunit nagkamali ako.
"J-james?" Mahinang usal ko.
"Kamusta Madame?" Nakangiting tanong niya at may kung anong haplos sa puso ang ipinaramdam saakin ng pagkakamusta niya. Agad akong naluha sa presensya niya pakiramdam ko ang gaan gaan ng loob ko sakanya. Hindi ko namalayan na agad akong tumakbo sakanya upang iyapos ang aking braso sa katawan niya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak sa balikat niya.
Ano ka ba sa buhay ko James?
Bakit iba ang pakiramdam ko saiyo?
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...