Chapter 46

606 14 0
                                    

Hyeshah Pov

Nandito kami ngayon sa isang mall, medyo naiilang ako dahil sa dami ng camera na nakasunid saamin na sinabayan pa ng mga gwardiya.

"Are you okay Ms. Hyeshah?" Nakangiting tanong ni Ms. Nathakiah dahilan para mapatango ako.

"O-po"

"Parang kinakabahan ka" biglang sabi ni Sir Robert dahilan para mapatungo ako.

"H-hindi naman po masyado" ani ko.

"Wag kang kabahan Ms. Hyeshah hindi ka naman namin kakainin" natatawang sabi ni Sir Robert dahilan para mapangiti ako ng pilit.

"Kumain muna tayo" ani ni Sir Robert tsaka sinenyasan ang isa niyang tauhan. Agad akong sumunod sa mag asawa papasok sa isnag mamahaling resturant. Agad akong umupo sa upuan at libang na libang na tingnan ang paligid. Ngayon nalang ako nakalabas ng mansion at ngayon lang ako nakapasok sa ganitong sosyal na resturant. Maya maya pa ay inasikaso na kami ng mga waiter sa resturant, agaf na binigyan ng menu at agad kaming pumili ng makakain.

"Nagustuhan mo ba dito Ms. Hyeshah?" Nakangiting tanong ni Sir Robert at nahihiya naman akong tumango dahilan para mapatitig ito saakin.

Juskoo may alam ba siya??

"B-bakit po?" Tanong ko kay Sir Robert dahilan para ngumiti ito saakin.

"Nothing" nakangiting sagot ni Sir Robert. Maya maya pa ay agad na dumating ang order namin kung kaya't hindi ko na pinansin si Sir Robert.

"So ihja I heard na highschool lang ang natapos mo" nakangiting sabi ni Maam Nathalia dahilan para mapatigil ako sa pagkain.

"Ahh opo medyo may kahirapan din po ang buhay kaya kailangang magtigil sa pag aaral" nakangiting sabi ko kay Maam Nathalia.

"Is that so? Pero hindi halatang undergraduate ka masyado kang matalino ihja" nakangiting sabat ni Sir Robert kaya napangiti nalang ako.

"Ahhh hahaha salamat po" nakangiting sabi ko.

"Ms. Hyeshah last time na chineck ko ang profile mo, nabibilang ka sa isang high class family am I right?" Nakangiting tanong ni Sir Robert dahilan para mapalunok ako.

"P-po?" Gulat kong tanong habang si Maam Nathalia naman ay napatigil ng pagkain at napatingin sa nakangiting asawa.

"Crost family" nakangiting sabi niya dahilan para lalo akong kabahan. Agad akong nakaramdam ng pangiliti sa loob ng katawan ko  at panlalamig ng buong katawan ko.

"A-ah ano pong ibig niyong sabihin?" Pilit kong itinatago ang kaba dahil mukhang may alam na siya tungkol saakin.

"Honey what are you talking about?" Nakangitung tanong ni Maam Nathalia na nalilito rin sa sinasabi ng asawa.

"Nothing, seems like you know nothing" nakangiting sabi ni Sir Robert tsaka tumuloy sa pagkain. Wala akong magawa kundi ang magpatuloy sa pagkain kahit naiilang ako. Ang paraan ng pagtitig saakin ni Sir Robert ay tila ba inaalam niya na ang katauhan ko.

Nahuli niya kaya ako??

Pinaimbestigahan niya ata ako

Tang juice katapusan ko na!


Nang matapos kaming kumain ay sabay sabay kaming lumabas ng resturant. Hanggang ngayon ay ilang na ilang pa rin ako sa presensya ng mag asawa parang isang maling kilos ko lang ay papatayin na ako ng mga tauhan nila. Nandito ako ngayon sa CR ng isang mall dahil hindi ko na kinaya ang presensya ni Sir Robert. Baka lalo akong mapaghalataan dahil sa mga titig niya.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon