Hyeshah Pov
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko. Marahan akong gumalaw at doon ko nakita si Lance na nakahiga habang ako naman ay nakasandal sa dibdib niya habang nakapulupot ang isang kamay niya sa akin. Agad kong inalala ang mga nangyari kahapon at hinihiling ko na sana panaginip na lamang iyon. Agad akong napatitig sa tahimik na mukha ni Lance. Tinitigan ko ang buong mukha niya tila ba sinasaulo ang bawat anggulo ng mukha nito. Halos mapalunok ako nang humigpit ang yakap niya sa akin at kumunot ang noo ko nang sumilay sa labi niya ang isang ngiti.
"Love the view?" Tanong nito habang nakapikit pa rin kung kaya't napangiwi ako.
"Hindi, pinagpaplanuhan ko lang kung saang angulo ng mukha mo ang magandang bangasan" mayabang kong sabi dahilan upang imulat nito nito ang mga mata at kunot noong tumingin saakin.
"What?!"
"Wala ka na bang ibang alam na tanong bukod sa what?!" Walang gana kong tanong saka bumangon ngunit agad din niya akong hinila pabalik.
"Aray!"
"Goodmorning my lady" nakangiting bati nito.
"Mabuti ka pa good ang morning" walang gana kong sabi.
"How are you?"
"Kapag sinabi ko bang ayos lang maniniwala ka?" Malamig kong tanong.
"I dont know kahit alam kong hindi, basta nanggaling sa bibig mo maniniwala ako" ani nito kaya biglang nabuhay ang tibok ng puso ko.
Hoy sha umayos ka burol ng kapatid mo wag kang lumandi!
"Tigilan mo nga ako ng mga salitang yan tang juice ka!" Kunwaring inis kong sabi.
"Im just telling the truth my lady" ani nito pero inirapan ko nalang siya.
"But seriously how are you?" Malumanay niyang tanong kaya napasubsob ako sa dibdib niya.
"Hindi ko alam, madami pa akong gustong gawin kasama ang kapatid ko" pigil na luhang sabi ko.
"Like what?"
"Madami, libutin ang buong Europa paborito kasi namin yung kontenente na yun, tapos magswimming sa swimming pool, makapagtapos ng pag-aaral bilang doktor" bulong ko.
"Tayo?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"Anong tayo?" Kunot noo kong tanong habang nag angat ng tingin sa kanya pero nakatingin lang ito sa kisame.
"Kung sakaling magkaasawa ka tapos may bucket list kayo ano ang gusto mong ilagay doon?" Seryosong tanong niya habang nakatingin sa kisame.
"Simple lang gusto ko, yung kapag 50th anniversarry namin, sa ilalim ng unang full moon magsasabihan kami ng mahal namin ang isat isa" bulong ko.
At sana ikaw yun.
"Sino ang tao sa loob?" Dinig kong boses ni mama habang kumakatok.
"Lance" bulong ko habang ginigising siya pero tumango lamang ito. Agad siyang tumayo na agad din akong inalalayan kung kaya't binuksan na namin ang pinto.
"J-jan kayo natulog?" Gulat na tanong ni mama kaya palihim akong ngumiwi.
"Opo ma" wala emosyon kong sagot kung kaya't agad din nagbago ang expression niya.
"Ahhh oo mamaya nga pala aalis na kayo hali na kayo kumain na kayo dito gusto niyo ng kape?" Tanong ni mama saka lumapit sa isang lamesa kung kaya't napatingin lamang ako kay Lance na ngayon ay nakatingin kay mama. Agad kong hinawakan ang kamay niya dahilan upang mapunta sa akin ang attensyon niya at pilit na ngiti lamang ang iginanti nito saakin.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...