LANCE POV"Lance sweet heart are you ready?" Nakangiting tanong ni mommy kaya pilit na ngiti ang iginanti ko sakanya.
"Matagal ko ng napapansin ang kakaibang ikinikilos mo anak, umuwi ka ng dumudugo ang ilong then umiba ang pakikitungo mo, son may problema ba?" Tanong ni mommy kaya napalunok ako. Gusto kong sabihin kay mommy ang lahat lahat pero alam kong dadagdagan ko lang siya ng problema. Ayokong sumalang at maging premyo ng kompetisyon, isa iyon sa mga problema ko. Isa lang ang babae sa puso ko at siya lang ang papakasalan ko.
"N-nothing mom, kinakabahan lang ako" sagot ko sakanya tsaka umiwas ng tingin pero maya maya ay naramdaman ko na naman ang mainit niyang yakap na pumulupot sa katawan ko.
"I know na hindi ka pa handa but wala tayong magagawa, ito ang kapalaran mo Lance im sorry kung wala akong magawa but trust me lahat ng ito para sayo" ani ni mommy kaya kumalas ako sa yakap niya saka siya binigyan ng pilit na ngiti na ikinabuntong hininga niya.
"Okay sige, kung ano man ang problema mo wag kang mahihiyang magsabi saakin I am your mother son kaya wag kang mag aalangan sa akin, I love you always remember that" nakangiting sabi ni mommy dahilan upang hinalikan ko siya sa noo.
"Im fine mom plss dont worry about me, kailangan ko ng umalis hinihintay na nila ako sa baba" ani ko kaya napabuntong hininga siya habang pilit na ngumiti.
"Mmm, goodluck" nakangiting sabi niya pero ngiti na lang ang naiganti ko sa kanya. Dahan dahan akong naglakad pababa ng mansion. Kung pwede ko lang patigilin ang oras ginawa ko na. Hindi ko maintindihan kung bakit may ganitong kompetisyon? Bakit kailangang pagkatao ko ang premyo? Bakit ganito?
"Are they here?" Tanong ko sa isang tauhan.
"Yes sir, kanina pa po kayo hinihintay" ani nito kaya tumango ako. Naglakad ako papasok ng ground floor at agad itong bumukas kagaya ng aking inaasahan.
"Ladies, I want you to meet the next boss of Hyden Group, Mr. Lance Hyden" dinig kong sabi ni Ms. Lao kaya pumasok ako habang dala dala ang kaba na aking nadarama. Pero bago ko maaninag ang mukha ng mga babae ay nakarinig ako ng mga pagputok ng baril na hindi ko inaasahan.
"Protect the ladies!!! Lance!!" Awtoridad na sabi ni Ms. Lao at agad kaming pinalibutan ng mga guardia at mga tauhan upang protektahan. Hindi na bago saakin ang ganitong eksena, mga putok ng baril, bomba, patayan. Yan ang buhay na kinasanayan ko. Yan ang buhay na ibinigay saakin ng aking ama. Pero hindi ko inaasahan na mangyayari ito ngayon. May mga inosenteng madadamay. Kahit binalaan ako ng aking mga magulang sa mga magaganap sa kompetisyon ay hindi ako handa. Palitan ng baril ang naririnig namin. Nakita kong umiiyak na ang kababaehan ngunit hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Gusto ko silang lapitan pero inilalayo na ako ng aking mga guardia sakanila.
"Imposible" usal ko habang naglalakad. Puno ng dugo ang pader ng aking dinadaanan. Papaanong? Wala pang kalahating oras nang dumaan ako rito imposibleng magawa nila ang lahat ng ito nang ganun kabalis? Papaano sila nakapasok dito?
"Lance!!" Galit na tawag ng aking ama kaya napapabuntong hininga akong pumasok sa isang kwartong tago sa mansion namin at katulad ng aking inaasahan at nadatnan ko sina daddy na kunot ang noong nakatitig sa akin. Ngunit natigilan ako nang biglang magtigil ang mga putukan. Nakakamanghang pangyayari na sakto sa pagpasok ko ang pagtigil ng putukan.
"Sir, wala na sila pero nagdulot ng malaking pinsala ang gulong nangyari" ani ng pinuno ng guwardiya namin.
"Nagsisimula na sila" galit na usal ni daddy kaya kumunot ang noo ko.
"Hon relax" awat ni mommy habang hinahaplos ang likod ni daddy dahil sa bilis ng paghingang pinakakawalan nito.
"Sinong sila?" Kunot noong tanong ko.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...