Chapter 27

717 14 0
                                    

Hyeshah Pov

Tahimik lamang akong nakatingin sa kisame nang may biglang kumatok dahilan upang maagaw ang attensyon aking attensyon.

"Pasok" ani ko kung kaya't dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lance. Agad akong napangiti nang makita ko siya pero agad din iyong nawala nang makita ko ang itsura niya.

"Oh? Anong nangyari saiyo?" Tanong ko sakanya kaya pilit itong ngumiti.

"Wala pagod lang ako, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito kaya napangiwi nalang ako, alam ko namang hindi niya sasabihin.

"Eto mamaya pwede na akong lumabas, mabubulok na ata ako kakahiga rito ang OA ng mga doktor" sabi ko pero tumango lang ito.

"Sigurado kang okay ka lang?" Tanong ko ulit kaya tumango ito nagulat nalang kami nang bigkang bumukas ang pinto at nakita namin si Ms. Nathalia na hindi maipinta ang mukha.

"Mommy?" Usal ni Lance.

"Bakit ka umalis bigla? Pinag alala mo ako" nag aalalang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Im fine mom, you dont need to worry" walang emosyong sabi ni Lance.

Okay pa siya sa lagay na yan tch.

"Amm Ms. Hyeshah plss excuse us ihja" biglang sabi ni Ms. Nathalia kaya wala sa sarili akong napatango.

"Ahh s-sige po" sagot ko kaya ngumiti uto saakin tsaka hinawakan ang kamay ni Lance at hinila ito palabas. Bumuntong hininga nalang ako sa inaakto nila. Jusko ganito ang pakiramdam kapag nakakulong ka sa isang silid, wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari. Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto kaya agad ko itong tiningnan dahil umaasang si Lance ang papasok doon ngunit nagkamali ako.

"Shah" masayang bati ni Princess kaya nabawasan ang ngiti ko.

"Kamusta ka?" Tanong nito nang makapasok sa kwarto.

"Maayos na ako, ilang sandali pa ay makakalabas na rin ako sa kwartong to" sagot ko sakanya.

"Oo pinapunta na kami rito ni Ms. Lao para sunduin ka" masayang sabi naman ni Alliah kaya nanliwanag ang mukha ko.

"Sa wakas" masayang usal ko taaka bumangon.

"Ang sugat mo kamusta na?" Tanong naman ni Hannah.

"Masakit pa pero malayo sa bituka, tara na alis na tayo" ani ko tsaka bumababa ng kama.

"Mukhang excited na excited kang lumabas sha" natatawang sabi ni Hannah kaya napangiti ako.

"Sawang sawa na ako sa itsura nitong kwarto" ani ko na ikinatawa nila.

"Bakit nga pala hindi kayo dumalaw noong mga nakaraan?" Biglang tanong ko kaya natigilan ito.

"Hindi kasi kami maaring pumunta rito hangga't  hindi pa masyadong magaling ang sugat mo, mahigpit ang seguridad ng mga Hayen pagkatapos ng nangyari" ani ni Alliah kaya bumuntong hininga ako.

"Namiss ka namin Sha alam mo bang walang kakulay kulay ang buhay sa kwarto mo noong wala ka" ani ni Princess kaya napangiwi ako.

"Bola bola ka, tara na nga" ani ko na ikinatawa nila.

"Hindi ka na ba magbibihis?" Tanong ni Alliah.

"Mamaya nalang siguro" nakangiting sabi ko na ikinatango nila. Nang mailigpit ni Alliah ang mga gamit ko ay agad kaming lumabas ng kwarto. Naglakad kami papuntang kwarto ko ngunit bago pa kami makarating doon ay nakasalubong namin ang ama ni Lance kung kaya't agad akong tumungo.

"S-sir" usal ko tsaka tumungo sakanya.

"You dont need to do that ihja, by the way how are you?" Pormal natanong nito kaya nag angat ako ng tingin tsaka lumunok.

"Okay na rin naman po ako" sagot ko sakanya.

"Im glad to hear that, hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa pagsagip mo sa anak ko, ikaw ang babae pero ikaw pa ang nagligtas sa kanya sa kapahamakan, im sorry but thank you for that" ani nito kaya ngumiti nalang ako.

"You know what since hindi ka pa naman nakakarecover ng maayos, napagdesisyonan ko na magtake ka muna ng break lets say ganti ko na ito sa pagsagip mo sa anak ko" ani nito kaya napaangat ako ng tingin.

"A-anong po ang ibig mong sabihin?"

"Bibigyan kita ng pagkakataong makapagbakasyon, makapagrelax with my son" nakangiting sabi nito na ikinagulat ko.

"Ho?"

"Yes ihja, para makapagbakasyon din ang anak kong iyon, masyado na siyang abala sa pag asikaso sa kompetisyon kung kaya't mas maigi na rin na makapagpahinga siya so bilang ganti ko sa pagsagip mo hahayaan kitang makasama ang anak ko" nakangiting sabi ni Sir Robert.

Jusko anong sasabihin ko...

"Amm s-sir n-nakakahiya naman po ata tsaka parang ang unfair po para sa iba" nahihiyang sabi ko.

"Dont worry ihja si Ms. Lao na ang bahalang magpaliwanag sa kanila, take that as a reward" nakangiting sabi nito kaya napangiti na lang ako.

"So paano, I'll go ahead get well soon Ms. Hyeshah" nakangiting sabi niya kaya marahan nalang akong tumango bilang paggalang tsaka kami nito iniwan. Nang makalayo si Sir Robert kasama ang mga tauhan nito ay bigla na lamang pumalakpak ang tatlo.

"Ibang klase ka Sha mukhang nakuha mo ang loob ni Sir Robert" nakangiting sabi ni Princess ngunit hindi ko ito pinansin dahil sa sobrang saya.

"Ayiieeee dapat na tayong maghanda, pipili ako ng damit para sa inyong bakasyon dahil sigurado akong mahuhulog na sayo si Sir. Lance" nakangiting tukso naman ni Hannah dahilan para mag init ang mukha ko.

"B-baliw kayo"

"Aayiieeee ngayon palang kinikilig na ako kakaiisip sa mga mangyayari sainyo sa bakasyon" nakangiting sabi ni Aliah kaya umiling-iling nalang ako. Hindi na nawala ang mga ngiti ko hanggang sa makarating ako ng kwarto. Hindi ko nakakalimutan ang napag usapan namin ni Sir Robert. Iniisip ko palang jusko nakakabakla man pero langya kinikilig na ako.

Ano kayang mangyayari saamin ni Lance?

Paniguradong mamaos ako kakasigaw

Lumalabas ang ugali ko kapag siya ang kasama ko.

"Hyeshah wag kang bakla nak ng!" Saway ko sa sarili ko. Bumangon ako sa kama tsaka ako lumapit sa salamin upang titigan ang aking sarili.

Chicks naman ako.

Maganda rin naman ang katawan ko.

Hindi man ako sing ganda ni Sabrina my labs pero pwede na to.

Mabait maman ako kapag sige hindi nalang ako mabait.

Baka magkagusto rin naman siya saakin.

"Hoy Shah! Nak ng nababaliw ka na ba dapat kinamumuhian mo yung lalaki na yun pero bakit ganito ka ha! Para kang tanga!" Kausap ko sa salamin habang dinuduro duro pa ito.

"Jusko bakit kasi nagpadala ako sa emosyon sa bundok binalaan ka diba! Ano babalewalain mo nalang yun hoy umayos ka Sha aba may pakay ka rito!"

"Pero wAaaaaahhhh nangyari na! Paano ko sasabihin to kay na mama na nabigo ako sa bilin nila! Jusko naman paano kapag natalo ka rito! Edi long distance kayo! Pero hindi pa kayo kaya wag kang umasa jan!"

"Jusko paano nga pala kapag natalo ako? Kaya dapat umayos ka Sha dahil baka magkahiwalay kayo ng langyang 'yon jusko baka umiyak iyak ka jan!" Nakangusong saad ko sa sarili ko. Ilang sandali pa ay tinitigan ko ulit ang aking sarili  sa salamin, ngumiti ngiti at naghahanap ng magandang anggulo hanggang sa maalala ko na naman ang napag usapan namin ni Sir. Robert kanina.

"Aaaahhhhh!!" Tili ko tsaka tumakbo papuntang kama at doon biglang humiga, kung wala lang akong sugat baka magwala ako sa sobrang saya.

Mukhang hindi ako makakatulog nito.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon