Lance Pov"O my god son!" Nag aalang sambit ni mommy at agad akong niyakap na ginantihan ko naman.
"Are you okay? Anong ginawa nila sayo? Son plss tell me" nag aalalang sabi ni mommy.
"Im fine mom, walang masakit sa akin" sagot ko tsaka kumalas sa yakap at kitang kita ko ang pag aala sakanyang mga mata.
"O my god thank god" bulong nito habang hinahaplos ang pisngi ko.
"How is she?" Tanong ni daddy sa doctor nang biglang lumabas sa kwarto kung saan chineck si Hyeshah. Kagabi isinagawa ang operasyon nito upang matangal ang bala na nasa braso nito, mabuti nalang at hindi napalalim ang pagbaon.
"She's under our observation but she's okay now, hintayin nalang natin siyang magising" ani ng doktor na agad namang tinanguan ni daddy kung kaya't agad na lumabas ang doktor kasama ang ibang nurse.
"Why did you let this happend!" Sigaw ni daddy kaya napatungo ako.
"You should protect her Lance! You should protect them! Ano nalang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila to!" Sigaw ni daddy kung kaya't napakuyom ako ng kamao sa likod dahil sa pagpipigil.
"Im sorry sir" nakatungong sabi ko.
"Yan! Puro ka sorry! Ano ang magagawa ng sorry mo ha! Hindi sa lahat ng pagkakataon katanggap tanggap ang sorry mo! Sa mundo natin walang lugar ang sorry naiintindihan mo! Act like a perfect man na ikaw naman talaga dapat!" Sermon nito saakin tsaka kami iniwan. Naiwan akong nakatungo dahil sa sobrang hiya. Aminado ako sa pagkakamali ko pero hindi niya man lang ba itatanong kung okay ako.
Tsk masanay ka na Lance..
"Son wag mo nalang masyadong isipin ang sinabi ng daddy mo, stress lang yun dahil sa mga nangyari--"
"Palagi na lang ba siyang stress mommy?" Pigil ko saaking ina kaya natigilan ito.
"Ssshh dont say that, intindihin mo nalang siya okay? Kailangan ko ng umalis, marami pa akong aasikasuhin" ani ni mommy kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Please be safe my son" ani nito tsaka ako hinalikan sa pisngi at tuluyan ng umalis. Kumawala ako ng isang malalim na buntong hininga dahil sa mga sinabi ni daddy na tumatak saakin. Pumasok ako sa kwarto ni Ms. Hyeshah at doon ko nakita ang nakaratay niyang katawan. Dahan dahan akong lumapit sakanya at doon ko napansin ang taglay niyang kagandahan.
"You look like an angel my lady" natatawang bulong ko. Sandali kong naalala ang mga nangyari saamin. Hindi ko akalain na ganyan siya kaamo kapag tulog pero parang sinasapian kapag gising.
"Sir Lance you're here" biglang litaw ng boses ni Ms. Lao ani mong nakakita ng multo.
"Yes, binibisita ko lang siya, afterall she save my life kung hindi dahil sakanya baka ako ang nakaratay jan" sagot ko sa matanda.
"Hindi ka dapat gumagamit ng mga ganyang salita Sir Lance, you should be proper" ani ni Ms. Lao kaya nag iwas nalang ako ng tingin tsaka tumango.
Yan naman ang palagi nilang sinasabi, YOU SHOULD BE. Kailangan kong maging maayos, kailangan kong maging professional, kailangan kong maging matalino, kailangan kong makipagusap sa lahat, kailangan kong ngumiti palagi, kailangan kong hawakan ang negosyo, kailangan kong pakasalan ang babaeng hindi ko naman mahal.
"Excuse me sir but I think I need to go, aasikasuhin ko muna ang mga Hayens" biglang sabi ni Ms. Lao nang mapansin ang pagiging tahimik ko kung kaya't tumango nalang ako. Naupo ako sa isnag upuan sa tabi ng kama ni Ms. Hyeshah tsaka siya pinagmasdan.
Flashback
"Daddy" tawag ko saaking ama nang makarating kami sa opisina nito.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...