Lance Pov
10 years later
"Sir Lance ano pong masasabi niyo na sa pamumuno niyo bumagsak ang El Kompetisyon?"
"I respect the decission of the Court from different country" pormal kong sagot sa reporters.
"Sir Lance may balak po ba kayong ibalik at ibangon ang El Kompetisyon?"
"Wala na akong balak ibangon ang El Kompetisyon, I am contented and happy sa kung anong meron ako ngayon at kung may ibabangon man ako? Yun ay ang sarili at pamilya ko" pagsagot ko sa mga reporters sa isang prescon at mukhang dinudumog na ako ng mga tanong nila.
"Sir sino po ba talaga ang nananalo?"
" I dont have the imformation about that sir" pormal kong sagot.
"But sir---"
"Ladies and gentlemen, after 25 years of waiting I am formally announce that finally El Kompetisyon is now officially dissolve thank you and goodafter" ani ko saka tumayo at tumango sa isang gwardia saka lumabas sa kwarto kung saan nagaganap ang prescon. Nang makalabas ako ay muli akong dinumog ng mga reporters kung kaya't yumuko ako at pilit na dumadaan sa siksikang daanan. Nang makapasok ako ng kotse ay huminga pa muna ako ng malalim bago pinaharurot ang kotse.
Finally, Tapos na ang El Kompetisyon.
After 20 years
"Charge 100 clear!" Ani ko saka itinapat ang hawak ko sa dibdib ni Ms. Hyeshah.
"Again again Clear!"
"Charge 180 clear!"
"Clear!"
"Doc I think--"
"No! Again charge 180 Clear!"
"Clear!" Ani ko at muling itinapat ang hawak ko sa dibdib nito at halos manghina ako nang muli kong makita ang curve line sa machine.
"Doc kami na dito" ani ng nurse pero hindi ko ito pinansin bagkus nilapitan ko ang nakaratay na katawan ni Ms. Hyeshah na puno na ng tubo.
"Lumalaban pa ako Ms. Hyeshah, lumaban ka" bulong ko at lumuluha ko itong hinalikan sa noo. Ilang sandali pa ay hinayaan ko na ang mga nurse ang umasikaso sakanya. Lumabas ako ng ICU at doon ko nakita sina mommy na umiiyak at kausap si Doc Delbuado.
"Doc Hyden" tawag nito saakin kung kaya't agad kong pinunasan ang luha ko saka humarap sakanya.
"Brain dead na ang pasyente, nagpadala na ng weaver ang hospital na incase na gusto niyo ng pagpahingahin ang pasyente pirmahan niyo na po ito" ani ni Doc saka inabot ang papel kung kaya't napaluha ako.
"No! Gigising siya! Gigising siya!" Mariin kong usal habang patuloy sa pagpatak ng luha.
"Doc Hyden isa kang doktor, alam mo na brain dead na ang pasyente at malabo na na magis---"
"Subukan mong ituloy ang sasabihin mo!" Mariin kong sabi habang kinukwelyuhan siya.
"O my god son stop it!" Lumuluhang pagsaway saakin ni mommy.
"Calm down doc" pagsusukong sabi ni Doc Delbuado habang nakataas ang dalawang kamay kung kaya't inis ko itong binitawan.
"Im sorry doc, excuse me" ani niya saka kami iniwan.
"Lance" umiiyak na usal ni mommy.
"Sshhh mommy wag kang maniniwala sakanila, gigising siya, gigising siya" lumuluhang usal ko saka siya niyakap.
"Son what if tama sila, pagpahingahin na natin si Hyeshah" umiiyak na sabi ni mommy kaya mariin akong napapikit habang umiiling iling.
"No! Alam kong lumalaban siya mommy, wag natin siyang susukuan" lumuluhang bulong ko at napahagulhol nalang si mommy. Pinasundo ko na si mommy kay Sabrina para samahan ito sa bahay. Nang makaalis sila ay agad akong nagpunta ng opisina ko. At doon ko ibinuhos ang lahat ng emosyon ko na kanina ko pa gustong ilabas. Humagulhol ako ng humagulhol, umiyak ako ng umiyak. Gusto ko ng sumuko, gusto ko ng umayaw pero hindi ki kaya.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...