Lance Pov
Nakapikit akong lumabas ng kwarto ko. Pilit na nilalabanan ang hang over, mukhang naparami ang nainom ko kagabi at umabot sa punto na wala akong maalala. Agad akong nagtungo ng kusina at doon ko naabutan si Ms. Hyeshah na aligagang nagluluto.
"G-good morning" matamlay kong bati sa kanya dahil sa sobrang pagkahilo. Nakita kong natigilan ito at awtomatikong kumunot ang noo ko dahil sa pagtitig nito saakin.
"K-k-kamusta ka?" Utal-utal nitong tanong kung kaya't huminga ako ng malalim ngunit napakapit ako sa isang kahoy sa sobrang pagkahilo na naging dahilan upang lumapit si Ms. Hyeshah para alalayan ako.
"Okay ka lang?" Nag aalala niyang tanong.
"N-no, hangover lang ito naparami ata ang inom ko kagabi" ani ko habang nakakunot ang noo sa sobrang sakit ng ulo. Marahan niya akong inalalayan papunta sa terrace at doon ako naupo since ang terrace ang malapit sa kusina.
"Oo ang lakas mong lumagok pero ang hina naman pala ng bituka mo kalalaking tao ang baklang uminom" asik nito ngunit hindi ko na lamang pinansin.
"Ano bang nangyari kagabi?" Tanong ko habang hinihimas ang sentido.
"Wala kang maalala?" Gulat na tanong niya kaya umiling-iling ako na ikinagulat niya.
"Ouch! Why did you do that?!" Singhal ko nang bigla niya akong sampalin.
"Wala ka pa ring naalala?" Gulat niyang tanong ko kaya kumunot ang noo ko.
Ano ba ang dapat kong maalala?
"Hoy! Ano may naalala ka o wala?! Gusto mo sapakin ulit kita?!" Sigaw niya kaya kumunot ang noo ko tsaka umiling iling.
She's wierd, may nangyari ba kagabi?
"May nangyari ba kagabi Ms. Hyeshah?" Napapalunok kong tanong kaya napaayos ito ng tayo tsaka tumawa.
"What?" Kunot noo kong tanong.
"Sumayaw ka lang naman ng tatlong bibe habang kinakanta ang baby shark wbahhahahahahahahh" tumatawang sabi niya tsaka tumawa ng tumawa kaya nanlaki ang mata ko at namula ang mukha sa sobrang hiya.
"I did that?"
"Oo wbhahahahahaha laptrip ka ang sarap mo hampasin ng bote sa mukha wbhahahahahhaa" tumatawang sabi niya kung kaya't napalunok nalang ako habang umiwas ng tingin.
"Oh siya sige na bwhahhahaha aasikasuhin na kita wala sina Hannah ngayon ehhh paniguradong mapapawow ka sa sarap ng niluto ko" ani nito habang nakapikit na para bang nag iendorse ng isang pagkain.
"Babosh!" Tumatawang paalam nito ngunit kinunutan ko lamang siya ng noo dahil sa sobrang kawierduhan niya.
"She's crazy" iling iling kong sabi. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na iniilala ang nangyari kagabi ngunit nabigo ako. Iminulat ko na lamang ang aking mga mata nang marinig ko na ang ingay ni Ms. Hyeshah. Kumakanta ito at mukhang papalapit na ito dahil lumalakas na ang boses niya.
"Bahay kubo🎶 Kahit munti🎶 ang halaman doon🎶 ay sari sari" pagkakanta nito na mukhang binago ang version dahil sa pakulot-kulot na ginawa niya. Mabuti sana kung may tono ito ngunut mukhang hindi siya nabiyayaan ng boses. Hinayaan ko na lang siyang kumanta ng bahay kubo, masyadong nakakabastos kung papatigilin ko ito.
"Oh ayan the special fish fillet with a powerful sauce syempre hindi pwedeng walang special rice with garlic and kape for drinks" masayang sambit nito tsaka inilapag ang mga pagkaing hindi ko maintindihan ang itsura.
"Oh ano yang mukha mo para kang lumagok ng kalamansi sa sobrang asim ng oh ayan kape nang mawala ang sakit ng ulo mo iinom inom ka kasi ehh hindi ka naman pala sanay kaya ang ending hindi man lang ako nakalagok ng maigi dahil sa sobrang kadaldalan mo" ani nito habang nilalagyan ng mga pagkain ang plato ko.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...