Hyeshah Pov
Tulala akong nagmumuni-muni sa veranda ng kwarto ko. Nawalan ako ng ganang lumabas para makipagkwentuhan sa mga Hayens. Bukod sa kasali ako sa mga nanganganib, natatakot ako na baka wala akong malaman na magpapakilala sa pagkatao ko.
"Hyeshah ayus ka lang?" Nag aalalang tanong ni Princess kaya tumango ako kahit hindi siya tinitingnan.
"Shah, hindi ka pa naman matatanggal ipagdadasal namin na botohin ka ng mga tao sa taglay mo ba namang kabaitan at talino paniguradong madami kang tagahanga" ani niya pero pilit na ngiti nalang ang naiganti ko sakanya.
"Osige na, sasamahan ko si Alliah mamili ng mga damit na gagamitin mo bukas" ani ni Princess kaya tinanguan ko agad siya. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya bago siya umalis pero hindi ko na ito pinansin.
Nasa kamay ng mga tao ang kapalaran ko rito sa kompetisyon. Kaya lalo akong kinakabahan dahil may huhusga sa mga kilos kong parang tanga. Di hamak na mas pormal ang iba at karapat dapat kaysa sa akin kung kaya't lalo akong kinakabahan. Nang mabagot ako sa veranda ay nanlulumo akong lumabas ng kwarto. Tahimik ang dinadaanan ko dahil paniguradong nasa Hayen's Groundfloor ang iba o nasa kwarto. Naglibot-libot ako at doon ko nasaksihan kung gaano talaga kaganda ang mansyon. Ang kulay puti at gintong kulay ng mansion, sabayan pa ng mga kumikintab na materyales, tunay na napakaganda. Lumiko ako sa isang sulok at doon ko natagpuan ang napakalaking pinto at may dalawang guardia. Kabado at dahan dahan akong lumapit doon at halos mapanganga ako nang binuksan iyon ng dalawang guardiang babae dahilan upang makita ko ang napakagandang tanawin.
"Woah tang juice" bulong ko. Dahan dahan ako naglakad papalapit sa tanawin na iyon at sumalubong sa akin ang napakasariwang hangin. Waahh namiss ko ang ganitong ginhawa. Ang sakit na ng ilong ko sa aircon ng mansyon. Napanganga ako nang makita ko ang hardin sa baba. Mukhang terrace o balkonahe ito ng mansyon. Nakita ko sa baba ang mga magagandang hugis ng puno na halatang inalagaan at mga masasagana at makukulay na bulaklak. Mayroong minifalls sa baba na lalong nagpaganda sa hardin. Ngunit ikinamangha ko lalo nang makita ng aking mga mata ang makukulay na paru-paru.
"Ang ganda" namamanghang usal ko.
"You like it?" Biglang tanong ng isang tinig lalaki na ikinagulat ko. Halos matulala ako nang makita ko ang lalaking iyon. Nasa tabi ko ito at ngunit may isang metro ang layo saakin. Nakatingin siya sa hardin na para bang namamangha rin sa tanawin.
"Hey madame?" Ani niya at biglang kinaway-kaway ang kamay sa hangin kaya agad akong napalunok at napaiwas ng tingin dahil naramdaman ko ang pag init ng mukha ko.
"Are you okay?" Tanong niya kaya agad akong napalunok tsaka tumalikod.
"Madame?" Tanong niya kaya lalong nag init ang mukha ko.
Ano bang nangyayari saakin????
Waaaaahhhh bakit nangyayari tooo.....
Ang lakas ng tibok ng puso ko!
Umiinit ang mukha ko!!!!! Parang waaaaahhh sana hindi namumula!!!!!!
"Madame?" Tawag niya ulit pero ngayon ay lumapit na siya saakin at siya na mismo ang naglakad para magkaharap kami kaya tumungo ako para hindi niya makita ang itsura ko.
"Madame are you okay?" Tawag niya ulit kaya huminga ako ng malalim tsaka humarap sakanya.
"Ahhh o-oo" pilit kong hindi inutal ang sarili pero alam ko na nabigo ako.
Nakakawala ng angas to tang juice naman shah!! Umayos ka wag kang bakla!!!!
"Ohh I see, pero bakit ka namumula?" Natatawang tanong niya kaya agad akong umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
Fiksi UmumNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...