Hyeshah Pov
Matamlay kami ngayong nakasunod kay Ms. Lao, nasa loob na kami ng kompanya ng mga Hyden pero para wala ako sa wisyo para mamangha sa mga nakikita ko. Hanggang ngayon nangungulila pa rin ako kay Juliana. Parang hindi ko matanggap na hindi na namin siya kasama ngayon.
"Ms. Hyeshah are you with us?" Pag-aagaw ng attensyon ni Ms. Lao kaya tuliro akong napatingin sa kanya saka tumango. Agad itong lumapit sa akin dahilan para mapalunok ako.
"Come with me" mahinang usal nito saakin dahilan para mapatango ako. Agad akong sumunod sa kanya, naramdaman ko pa ang attensyon ng mga tao pero hindi ko na ito pinansin.
"Kinausap ko si Ms. Gwen and hindi pa rin siya makaget over sa pag alis mi Ms. Juliana ganun ka rin ba Ms. Hyeshah?" Diretsang tanong ni Ms. Lao nang makapasok kami sa isang Cr. Agad akong napatitig sa mga mata niya pero agad ding yumuko, masyadong makapangyarihan ang mga mata ni Ms. Lao para kalabanin.
"Ms. Hyeshah tell me" mahinahong ani niya habang hinahawakan ako sa braso kung kaya't napatango ako.
"Look Ms. Hyeshah sa mga inaakto ninyo mas lalo niyong pinapatunayan na mahina kayo" mahinahon at mariin niyang sabi na tila ba pinapaintindi niya saakin ang bawat salitang binibigkas niya.
"Ms. Lao" usal ko at biglang bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap at hinaplos ang likod ko.
"Ayoko sa lahat yung may nakikita akong babaeng umiiyak" usal niya.
"Alam mo, kaya tayo natatapakan ng mga kalalakihan ay yun ay dahil akala nila mahihina tayo, mababaw ang emosyon at sa kompetisyong ito hindi mo maaring ipakita ang kahinaan mo" ani nito tsaka kumalas sa yakap at tinitigan ako sa mata.
"Pero tao pa rin kami Ms. Lao, nakakaramdam, nasasaktan" humihikbi kong sabi.
"Pero may responsibilidad kayo at kailangan mong itago yang nararamdaman mo para sa ikabubuti ng lahat" ani nito kaya natigilan ako.
"Ms. Hyeshah, hindi lang sayo umiikot ang mundo, marami kayo, marami tayo hindi mo maaring ipakita yan dahil 'yan ang gagamitin ng mundo para paikutin ka" ani nito kaya natigilan ako at bahagyang kumunot ang noo sa lalim ng sinabi niya.
"Lumaban ka, tatlo nalang kayo sa kompitesyon at asahan mong marami pa ang mawawala" ani niya na ikinalunok ko.
"Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito?" Tanong ko kaya napatitig ito saakin.
"Dahil hinahanda ko na kayo sa malalaman niyo mamaya" ani niya kaya natigilan ako. Magtatanong pa sana ako pero tumalikod na ito.
Malalaman mamaya??
Agad kong pinunasan ang mga luha ko, nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga tsaka sumunod kay Ms. Lao. Tama siya kailangan kong magpatuloy, kailangan kong magpatuloy.
Para sa kanya.
Agad kong sinundan si Ms. Lao nagtungo kami sa kinaroroonan ng ibang Hayens na mukhang kanina pa kami hinihintay.
"Kinausap ka rin niya Hyesh?" Pabulong na tanong ni Gwen kaya tumango ako.
"Alam mo ang creepy talaga ni Ms. Lao" ani niya kaya napangiwi ako. Napakamysteryosa naman talaga kasi ni Ms. Lao para bang mahihiya ka kaagad kapag siya ang kaharap mo.
"So ladies dito sa building na ito nagtatrabaho ang mga tauhan ng mga Hyden, but 1/8 palang ng mga tauhan ng mga Hyden ang nakakatungtong sa gusaling ito, maraming branch at companies ang Hyden at ito ang main, dito kayo magtatrabaho since kayo ang nakaabot sa top 3, kayong lahat ay nay 20% shares na sa kompanya manalo man o hindi" ani ni Ms. Lao na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...