Sabrina Pov
Mabilis akong umakyat ng rooftop. Hindi na ako makpakali sa kung anong nangyayari sakanila dahil hindi na ito sakop ng camera. Nang makarating ako sa dulo ng hagdan ay mabilis kong binuksan ang pintuan at doon ko nakita ang tunay na laban. Putukan, suntukan, sigawan yan lamabg ang naririnig ko. Pero naagaw ang attensyon ko ng dalawang nilalang na tila ba walang pakialam sa mga nangyayari. Halos mag init ajg dugo dahil sa ginagawa nila, imbes na tumakas ay mas pinili nilang magkwentuhan! Mabilis akong tumakbo papunta sakanila pero agad akong naharangan ng ilang kalavan kung kaya't agad kong inilabas ang baril ko saka sila sinamaan ng tingin.
"Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ng lalaki kung kaya't ngumiwi ako.
"Wala kang pakialam!" Mariing sabi ko saka siya binaril at agad naman akong gumulong gulong nang magsi asinta na ang mga kasamahan niya. Nagtago ako sa drum na nakita ko saka hinanda ang sarili. Doon ko nakita si James na nandito na rin pala. Agad kaming nagkatinginan at nag usap gamit ang mata na tila ba sinasabing sabay kaming lalabas. At katulad ng napag usapan, mabilis kaming tumayo at sabay na pinaputukan ang mga kalaban saka tumakbo sa parte ni Señorita na pinapalibutan na. Agad akong nahinto nang may makita akong helicopter na pababa sa rooftop at doon ko nakita si Clara na papalapit doon.
"Señorita!!" Sigaw ko at doon niya nakita ang kanyang ina na tatakas na. Mabilis kaming nagkatanguan at mabilis siyang binigyan ng daan para makatakas sa mga kalaban. Mabilis kaming lumabas ni James at pilit na nilalabanan ang sakit dahil sa tama ng baril sa protector naming suot. Nang makalayo si Señorita ay mabilis kaming nagkatanguan ni James saka kinuha ang maliit na bomba at mabilis na itinapon sa kalaban na nahing dahilan ng mabilis na pagtakbo namin playo hanggang sa mapatalon kami dahil sa lakas ng pagsabog.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ko naramdaman ang kirot sa katawan ko. Dahan dahan akong tumayo at inilibot ang paningin sa paligid pero usok at pagliyab lamang ng apoy ang aking nakikita.
"Sabrina!" Tawag ng pamilyar na boses. Mabilis kong nilingon ang boses na pinanggalingan at doon ko natagpuan si James na nakaupo at mukhang kakabangon lang.
Muli kong inilibot ang aking paningin at doon ko nakita ang dami ng nakahiga at wala ng buhay kasabay ng nakakasilaw ng liyab ng apoy. pero halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang nakatutok na baril kay Lance.
"Hindi!" Mahinang usal ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa lalaking nakaasinta ang baril. Pero tila ba kusang huminto ang buong sistema ko nang pasimpleng tumingin si Hyeshah sa gawi ng lalaking nakaasinta at dahan dahan nitong hinalikan si Lance dahilan para sakanya tumutok ang baril.
"Hyeshah!!!" Sigaw ko pero isang putok na ng baril ang nagpatigil saakin. Gusto ko pang tumakbo, pigilan ang bala, iligtas ang dalawa pero hindi ko na magawang gumalaw.
"Hyeshah hindi!!!" Sigaw ni Señorita at katulad ko ay gulat na gulat din sa mga nangyari. Ilang putok ng baril ang pinakawalan ng lalaki hanggang sa pilit kong nilabanan ang paninigas at mavbilis na pinaputukan ng baril ang lalaki at gigil na inubos sakanga ang bala.
"Hyeshah!" Mahinang usal ko. Mabilis kong kinasa ang baril ko na galing sa bulsa at galit na inubos ang bala ng baril sa mga kalabang nakikita ko.
"Hyeshah!!! Gumising ka!!!" Malakas na sigaw ni Lance at mariin akong napapikit dahil sa labis na pighati sa sigaw nito. Mabilis akong lumapit sa gawi nila na kahit iika ika ako ay pinilit ko ang sarili ko na lapitan ito pero apoy ang naghahati sa kinaroroonan namin.
"Lance" mahinang tawag ko kay Lance na ngayon ay umiiyak at hinang hina na. Nasisilaw ako sa apoy na nakapalibot sakanila marahil dahil ito sa bombang pinasabog ko pero paano nakarating dito? Mukhang alam ni Clara ang kilos ko. Lumuluha akong umiiling iling. Naghanap ng ano mang bagay na maaring makapatay ng luyab ng apoy pero wala akong mahanap.
"James!!!!" Umiiyak kong sigaw.
"James!!!!" Muli kong sigaw. Umiling iling ako nang makita ko ang itsura ni Lance at doon ko na may tama rin ito.
"Wag kang bibitaw! Kausapin mo si Hyeshah Lance!!!" Sigaw ko saka hinubad ang blazer at pilit na pinapatay ang apoy. At halos matigilan ako nang biglang isinandal ni Lance ang ulo niya sa pader at kasabay nito ang pagkahulog ng kamay niya sa sahig tanda na wala na itong malay.
Clarissa Pov
"Mommy!!!!" Malakas kong sigaw saka mabilis na pinadulas ang sarili sa sahig dahil sa mga bala na binibitawan ng kalaban niya at doon ako nakakuha ng tiyempo na barilin ang driver ng helicopter na sasakyan niya.
"Hindi!!!" Galit na sigaw ni mommy saka galit akong tinitigan dahilan para mabilis akong bumangon.
"Sumuko ka na" mahinahon kong sabi.
"Manahimik ka!"
"Sumuko ka na!!! Tama na!!" Malakas kong sabat sakanya habang dinuduro duro siya.
"Hindi ka ba napapagod!! Marami na ang inosenteng nadamay!!! Itigil niyo na ito!!" Malakas kong sigaw at napalunok ako at pinatigas ang sarili nang galit siyang lapit saakin at buong puso kong tinanggap ang sampal niya.
"Lapastangan ka!" Malakas niyang sigaw.
"Madali lang para sayo ang sabihin ang mga yan dahil hindi niyo naranasan ang mga naranasan ko!!"malakas niyang sigaw.
"Kahit pa patayin mo sila isa isa hindi mo na mababago ang nakaran mommy pwede ba!!! Sirang sira na ang buhay ng mga anak mo!! Sirang sira na kaya kung talaga may natitira pang kabutihan jan sa pagkatao mo ITIGIL MO NA ITO!!" Malakas kong sigaw dahilan para matigilan siya at doon ako nakakuha ng tiyempo na tutokan siya ng baril.
"Sumuko ka na bago ko iputok ito sa ulo mo" mariin kong sabi.
"Lapastangan kang anak!" Malakas niyang sigaw.
"Dahil pinalaki mo akong ganun!! Kami ni Thania! Pinalaki mo kaming lapastangan!" Malakas kong sigaw.
"Ate!" Tawag saakin ng pamilyar na boses dahilan para umatras ako sa gilid at doon ko nakita si Thania na nakatutok ang baril saakin.
"Thania" usal ni mommy dahilan para mapakapit ako ng mahigpit sa baril.
"Mommy lets go" mahinahong sabi ni Thania dahilan para kumunot ang noo ko.
"Where are we going?" Tanong ni mommy.
"Sa mga pulis, papunta na sila dito para sunduin tayo" malumanay niyang sabi kaya napalunok ako.
"Hindi!" Mariing ani ni mommy.
"Lets go mom" ani ni Thania pero umiiling iling pa rin ang aming ina.
"Walang kikilos! Taas ang kamay!" Biglang ng isang lalaki dahilan para lingunin ko ito at inayos ang tayo.
"Please mom, lets go" emosyonal na sabi ni Thania.
"No! Thania tumakas na tayo diba kaya mong paliparin ang hrlicopter halika na anak" ani ni mommy.
"I cant" lumuluhang sabi ni Thania.
"Thania?"
"Because we love you mom" lumuluhang ani nito at hindi ko inaasahang babarilin ni Thania ang babaeng matagal niya ng pinoprotektahan.
"Im sorry mom" yan ang usal ni Thania kung kaya't napatingin nalang ako sa taas dahil sa luhang bumabagsak galing sa mga mata ko.
I am verry sorry mommy.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
Fiction généraleNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...