Chapter 21

811 24 0
                                    

Someone Pov

"Anong balita?" Tanong ni Sir Robert Hyden sa isa niyang tauhan.

"Sir may nakapasok na kalaban sa kompetisyon" kinakabahang sagot ng tauhan na ikinabigla naming lahat.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong naman ni Maam Nathaliah.

"Isa sa mga Hayen ang taksil, wala pa kaming kahit anong ebidensya o lead kung sino ang taksil si---"

"Papaanong nangyari ito" mariing tanong ni Sir Albert na mukhang nagtitimpi na sa galit.

"S-s-sir m-malinis silang magtrabaho---"

"Thats bullshit!!!" Biglang sigaw ni Sir Albert tsaka hinampas ang mesa na inalalayan naman ng asawa niya. Malinis na trabaho o tatanga tanga  kayo magtrabaho!!! Kahit gaano kalinis magtrabaho ang kalaban kung alerto kayo hindi sila makakapasok!" Dagdag pa nito, hindi na lamang sumagot ang isang tauhan dahil sa takot batid kong ano mang oras pwede siyang patayin ni sir Albert.

"Honey calm down" pag aawat ni maam Nathalia ngunit hindi ito pinansin ng asawa.

"Hanapin niyo kung sino ang kalaban sa mga Hayen na yan na hindi napapansin ng publiko!! Hanapin niyo!!"sigaw ni Sir kaya agad kaming lumabas ng opisina nito. Paglabas namin ng opisina ni Sir ay agad kaming nagkatitigan ng tauhan na kausap kanina ni Sir.

"Kailangan na natin silang balaan nanganganib na ang buhay niya" bulong ni Rino habang naglalakad kung kaya't agad akong tumango.

Hyeshah Pov

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magpatayan ta---"

"Can't you see?? Lahat tayo gustong manalo at makuha ang badila malamang magpapatayan tayo dahil lima lang ang makakakuha nun!!!!" Sigaw ni Faith.

"Sige magpatayan tayo, tingnan natin kung sino ang makakakuha ng violation!" Biglang sigaw ni Gwen na ikinagulat ko.

"Violation!! Hindi kami tanga! Alam namin na walang bisa ang rules dito so mamatay kayo sa ayaw at gusto niyo!" Sigaw ni Faith.

"Edi patayin niyo!!! Magpatayan tayo!!" Sigaw ni Agatha na mukhang handang handang patayin silang lahat.

"You bitch--!" Pero bago pa maitutok ni Faith ang baril nito ay naiputok na ni Gwen ang baril at tumama ito sa mismong dibdib ni Faith na ikinagulat naming lahat. Tila ba nag slowmotion ang paligid dahil sa dahan dahan na pagbagsak ni Faith. Sinubukan pa nitong iputok a g baril ngunit wala na itong lakas. Tinitigan ko si Gwen na tila ba hindi rin inaasahan ang ginawa. Nakita ko ang nanginginig niyang kamay kung kaya't kahit hinang hina ay agad ko siyang nilapitan. Naluluha itong umiling iling na tila ba sinasabing hindi niya sinasadya. Tinitigan ko ang ibang babae, ang kaninang hindi makapaniwalang itsura ay napalitan ng galit at takot. Napalunok ako sa itsura namin ngunit mas nagulat ako nang biglang umilaw si Gwen. Kumunot ang mga noo ko, kasabay ng pagbuo ng mga tanong saaking isipan.

"Papatayin ko kayo!!!!" Sigaw ni Ledwyn at nagulat na lamang ako nang biglang kinuha ni Agatha ang kamay ko na may hawak na baril gamit ang kanan niyang kamay tsaka tinulak ang hintuturo ko upang maiputok ang baril at kasabay nun ang pagbagsak ng isang Hayen dahil natamaan ito sa ulo. Agad na nagtago ang ibang mga Hayen sa mga bato. Habang ako hindi makapaniwala sa ginawa ni Agatha. Tinulungan niya akong pumatay. Hinila ako ni Julianna upang magtago. Hinanap ko si Gwen ngunit hindi ko na siya nakita.

"Bakit mo ginawa yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Agatha.

"Ang pagpatay ang huling susi sa kahon, nasa tiyempo ka na, tatanga tanga ka pa" ani nito.

Kahit kailan ang sakit magsalita ng pesteng chicks na ito.

"Kung ganun kailangan nating pumatay" Mariing sabi ni Julianna ngunit hindi na namin siya nasagot dahil nag uumpisa na ang putukan. Mukhang desidido silang lahat na pumatay para sa kompetisyon.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon