Hyeshah Pov"A-aray!"
"P-pasensya na" ani ni Hannah pero pilit na ngiti lang ang naiganti ko sa kanya.
Ang sakit ng mga sugat ko waaahhh susme santisima naman oh.
"Anong nangyari at nagkaganyan ang mga paa mo?" Nag aalalang tanong ni Alliah kaya bumuntong hininga ako.
"Yang takong kasi ehh hindi ako sanay gumamit ng ganyang sapatos!" Nakangiwi kong saad habang namimilipit sa sakit.
"Kailangan mong masanay Sha, baka yan ang ikabagsak mo" ani niya kaya napalunok ako.
Hindi pa pwede...
"Ayan, ipahinga mo muna ang paa mo, ipapaalam namin kay Ms. Lao ang kalagayan ng paa mo para hindi mo muna masuot ang sapatos pero kailangan mong mag aral" ani ni Alliah kaya bumuntong hininga na lamang ako. Magsasalita pa sana ako nang makarinig kami ng katok mula sa pinto na agad namang binuksan ni Princess.
"Hyesh" tawag sa akin ni Gwen at lalapit sana saakin pero hinarangan siya ni Hannah na ikinabigla namin ni Gwen.
"Ahhh ayos lang, iwan niyo muna kami" sabi ko kaya agad itong tumango at pinanood muna namin ang paglabas nila bago lumapit si Gwen saakin.
"Ang protective nila ahh" ani ni Gwen kaya ngumiti nalang ako.
"By the way kamusta ang mga paa mo?" Nag aalalang tanong ni Gwen kaya napabuntong hininga ako.
"Eto 50/50" sagot ko na ikinatawa niya.
"You know what I really like you a lot" natatawang sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.
Whhaaaaatttttt!!!!!!!!
"A-a-ano?"
"Wait wait wait wag mong bibigyan ng meaning hahaha I like you as a friend" ani niya kaya nakahininga ako ng maluwag na ikinatawa niya.
"You know unang pagkikita pa lang natin, ang gaan gaan na ng loob ko sayo hahahaha" kwento nito kaya napangiti ako.
"By the way kyyyaaaaahhhh alam mo bang kinikilig ako sainyo kanina ni sir Lance" kinikilig na sabi niya kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Anong nakakakilig doon?" Tanong ko at napahiga ito sa kama saka bumangon at tumingin saakin tapos tatawa.
Jusko baliw na ito.
"Yung malacinderella na scene" nakangiting sagot niya kaya napangiwi ako.
"Baka nakakasuka" ani ko pero umiling iling ito.
"Alam mo bang napahinto ang lahat dahil sa ginawa niyo kanina like o m g you're so lucky kaya!! Kyaaahh noong umalis ka, may mga girls na nangalay but o m g iba pa rin yung mga mata ni sir. Lance noong tinatanggal niya ang sapatos mo ehh nakakakilig hahahahaha" masayang kwento niya at hindi ko maintindihan ngunit may sayang nagdulot 'nun sa pagkatao ko.
"Nababaliw ka na" iling-iling kong sabi at marahan niya akong sinampal.
"Ano ka ba! To be honest ikaw ang gusto kong manalo rito" nakangiti pero sinserong sabi niya na ikinagulat ko.
"H-hah?"
"Feeling ko ang perfect mo para maging secretary and wife ni Sir Lance, ikaw yung pinakamabigat na kalaban ng lahat infact halos ikaw ang topic nila kanina noong nawala ka nakakainggit ka alam mo yun, but you are a friend of mine wait hahaha bestfriend na kita wag kang tatanggi hahahaha basta para saakin ikaw ang nararapat na manalo" nakangiting sabi niya kaya natigilan ako.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
Ficción GeneralNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...