Chapter 49

569 11 0
                                    

Hyeshah Pov

Inip akong naghihintay sa sofa. Ngayon ang dinner namin dahil noong isang araw naging maayos ang lagay ni Agatha. Hanggang ngayon ilang na ilang pa rin ako sa pagtabi sakanya lalo pa't may sayad talaga ang utak niya. Isa isa ng dumating ang mga board members at dumating na rin ang daddy ni Gwen. Naging emosyonal sila nang magkita gayon alam ko na nasawi ang mommy ni Gwen sinikap niya pa rin maging maayos. Si Agatha naman ay dumating na ang mama at papa niya ata na tila ba hindi man lang nag alala sa kalagayan ng anak nila. At ako? Hindi na ako aasang pupunta dito si mama.

"Hyesh wala pa ba ang mommy mo?" Tanong ni Gwen kung kaya't napatingin ako sakanya.

"Wala pa" sagot ko sakanya tsaka umiwas ng tingin. Agad akong naupo sa sofa, masayang nakikipag usap si Lance sa mga magulang ng dalawa habang si Gwen at Agatha naman ay kakwentuhan si Maam Nathalia.

"Ms. Hyeshah are you okay?"

"Ay butiki!" Gulat kong turan tsaka nilingon kung sino ang kabote.

"Ayy s-so p-pasensya na po Sir Robert" napapalunok kong sabi tsaka lihim na napapikit at narinig ko ang pasimple niyang pagtawa.

"No its alright diba sabi ko daddy na ang itawag mo saakin" nakangiting sabi niya kaya napalunok ako.

"At bakit naman daddy ang itatawag niya sayo?" Biglang litaw ng isang tinig dahilan para agad akong mapatayo.

"Mama?" Gulat kong usal. Agad kong inilibot ang paningin ko sa itsura niya. Ibang iba na siya ngayon, kung dati ay para siyang taong grasa pero ngayon ay mukha na siyang donya. Agad kong tinapunan ng tingin si Sir Robert na ngayon ay gulat din sa nakikita.

"Madaam" nakangising bati ni James na ngayon ay kasama si Sabrina my baby labs na nakaholding hands.

Aba loko ito ah!

"Anak" tawag saakin ni mama tsaka lumapit saakin at mahigpit akong niyakap. Naistatwa lang ako sa mga nangyayari, hindi ko inaasahan na pupunta sila dito.

Akala ko ba kalaban sila?

Bakit sila nandito??

"Hyeshah" tawag saakin ng pamilyar na boses. Agad na lumapit ito saakin tsaka ako niyakap at hinalikan sa noo katulad ng ginagawa niya noon noong bata pa ako. Nagtama ang paningin namin ni James tila ba may pinapabatid siya saakin pero pilit ko itkng isinawawalang pansin.

                               Flashback

"Madaam nandito na tayo sa kwarto mo" ani ni James pero tulala lang ako. Hanggang ngayon pilit ko pa ring pinapaniwala ang sarili ko na hindi totoong patay na ang kapatid ko.

"Madaam kailangan mong lumaban" bulong niya saakin pero tulala lamang akong lumuluha.

"Sa pagkakataong ito sinusubukan na kayo ng kompetisyon, sarili ang tunay na kalaban Madaam Hyeshah hindi ang mga Hayen kundi mismong sarili mo ang mortal mong kalaban" ani niya habang hinahawakan ako sa balikat tila ba pinapaintindi saakin ang bawat katagang binibitawan niya.

"Hanggang kailan?" Lumuluha kong tanong.

"Hanggang matapos ang laban" ani niya kung kaya't agad akong napatingin sakanya.

"Sino ka?" Malamig kong tanong dahilan para titigan niya ang mapupungay kong mata.

"James Devillian, ako ang nakaatas para bantayan ka dito" ani niya pero hindi nagbago ang pagtingin ko sakanya. Nanatiling mapungay at walang gana, hindi ko inaasahan na ang itinuring kong kaibigan ay isa rin sa nagpapaikot saakin.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon