Chapter 1: The Hunters

1.5K 22 2
                                        

Land of Trinitium: Castle of The Rosas
Prince Marcus's Room
1:00 PM

"Marcus!"
"Hello, ma."

Nagroroyal fitting si Prince Marcus Rosas para sa coronation niya in a few months. Of course, as a mother, sobrang excited ni Queen Claudette Rosas for the celebration.

"Bakit parang kailan lang, bata ka pa lang, ngayon magiging hari ka na ng Trinitium? Sobrang saya ko, baka maiyak pa ako."

"Ma." sinabi ng prinsipe,
"Your Royal highness, minemeasure pa po namin ang legs niyo."

"Yes, sorry." tumingin si Marcus sa nanay niya na lumuluha dahil sa saya, "Ma, huwag ka maging ganyan. Parang namang mamamatay ako, eh."

"I know, pero, nag-aalala lang ako kung kaya mo yung responsibilidad bilang isang hari." lumapit ang reyna sa kanyang anak ng hindi nagiging abala sa mga stylists, "Sobrang hirap ang pinagdaanan ng tatay mo sa pagiging hari, kaya bilang nanay, nag-aalala lang naman ako para sa iyo."

Ngumiti na lang si Marcus sa kanyang ina, alam naman niyang nagwoworry ng sobra sobra ang kanyang ina kaya di na siya nagsalita.

"Your Royal highness, tapos na po ang fitting niyo. Queen Claudette, aalis na po kami."
"Thank you for your service, Monsieur."
"You're welcome, your highness."

Inayos na ng mga stylist ang kanilang mga gamit at tinulungan sila ni Marcus sa pag-ayos. Sikat si Prince Marcus sa Trinitium, not only dahil high-class Royal siya at matalino, pero dahil rin sa kabaitan niya kaya naaaliw ang mga mamamayan sa kanya.

"Thank you, Prince Marcus. You are very kind."

"Of course, he has the blood of a Royal Rosas."

Agad yumuko ang mga stylists sa presence ng hari, si Haring Vincent Rosas, ang tatay ni Prince Marcus at ang asawa ni Reynang Claudette.

"Kanina pa kita hinihintay, tatay." agad lumapit si Marcus sa kanyang tatay, "I would like to declare something in my term."

"Of course! I'd be willing to hear it." masayang nagsalita ang kanyang tatay.
"Well... gusto kong irelease ang mga Hunter sa isla kung saan sila inabandona."

Biglang nanahimik ang kwarto, pero ramdam mo ang gulat ng reyna, perserverance ng prinsipe, at ang galit ng hari.

"Pinagkatiwalaan kita para maging hari, huwag mong isipin na biro lang ang pagiging makapangyarihan."

Merong isang bagay na hindi kayang ideny ng mga tao sa Trinitium- nakakatakot magalit ang hari, at kung sino man ang susubukang galitin ito ay ipinapangalang mas matapang pa kesa kay Apollo.

" 'Tay, may rason naman ako-"
"At ayokong marinig, Marcus. Lahat lang ba nang pinaghirapan ko ay sasayangin mo sa pagiging mabait mo sa mga Hunter?"
" 'Tay, inabandona sila ng kanilang mga magulang sa islang iyon noong sila'y sanggol at iisipin mo na kaya nilang magpatay ng tao? Hindi pa sila binibigyan ng pagkakataon para patunayan ang kanilang mga sarili pero ikukulong sila dahil sa nagawa ng kanilang mga kalahi?" isinigaw ni Marcus.

Nanahimik muli ang kwarto, pero iba naman ngayon- hindi mo na nararamdaman ang emosyon ng hari.

"Marcus." mahina ang tono ng kanyang ina, "Maybe you should consider-"

"Okay, I will allow it." sabi ng hari.
"Vincent?! Pero ang mga mamamayan-"
"Claudette, he has a point." lumaki ang mga mata ni Marcus noong narinig niya iyon, alam naman niyang hindi papayag ang kanyang ama kaya nagulat siya sa kanyang sinabi, "Marcus, here, let's make a deal."

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon