Chapter 24: Double Trouble

86 1 0
                                        

After ng iilang duo showdowns, nakita nila ang downfall ng iilang malalakas na Royals kaya kinabahan ang mga Hunters. Umiinom sila ng juice at kumakain ng snacks na nabili nila sa nearby booths. Kasama nilang nanonood at kumakain ang Team Auenthena, kaya nakakalibre sila pagdating sa pagbili ng pagkain (mostly si Kayla at Marcus yung nanglilibre, obvious naman).

"Calling on... Duo #1 from Team Caderin and MVPs from Team Ulimpik to proceed to the glass dome for the showdown!"

"Uy, kami na yun!" tumayo sina Jaidee at Chip at tumakbo papunta sa entrance ng glass dome.

"Good luck guys!!!" nagcheer ang mga kaibigan nilang Hunter at Royals.

"Sinong kalaban nila, Nigel?" tinanong ni Tiffanie sa kanya since alam palagi ni Nigel ang mga pangalan at Edges ng mga kalaban nila.

"Yung isa... hindi ko kilala. Yung isa si Dennis Leyan, walang distinct qualities, plain na koreaboo, weak Edge, weak strategy, at siya yung president ng Alfranz Chua-zhoun Fanclub."

"Gago?!" napamura si Tiffanie at pinatahimik siya ni Marcus, afraid na maririnig siya ng mga professors, "May fanclub si Alfranz?!"

"Oo... ewan ko talaga tohl, mukhang madami talagang nagkakagusto sa kanya sa ACSHS."

"Ah... sige, nagsastart na laban nila."

Pinanood nila yung laban nina Jaidee, Chip, at ng dalawang Royals sa loob ng dome. Yun yung first time na inantok yung mga Royals sa showdown, gusto din matulog ng Team Auenthena at Team Caderin pero nanatili silang gising para kina Jaidee at Chip.

"Magaling sina Jaidee at Chip... pero yung duo ng Ulimpik..." binulong ni Marcus sa mga Royals at Hunters at tumawa silang lahat, including Cayna.

Pero, totoo naman. Easily na nilang nakikita na mananalo na sina Jaidee since kanina pa nagpapabato si Dennis.

"Paano nanalo si Dennis?!"
"Nagtago lang siya nung first showdown hanggang wala ng natira."
"Tangina tsaka yung isa rin, oh!"

Suddenly, winipe-out ni Chip si Dennis sa dome at binigyan niya ito ng severe critical damage na nag-alala ang may paki sa Team Ulimpik.

"Team Caderin wins! And uh..." mukhang pagod na pagod na si Ravenna sa kaka-MC noong narealize niya nagsurvive ulit si Dennis ng walang ginagawa, "Hay... Team Caderin and Dennis Leyan... the MVP... will still battle in the first set since they survived. The MVP will be with another MVP from another group so she can still battle as a duo."

Bumalik sina Jaidee at Chip sa mga upuan nila, nakita ng mga iba na masaya sila.

"Congrats, magbabattle pa niyan kayo sa first set ng madamiiiingggg beses." sinabi ni Mhyles, "Mukhang masaya kayo na nanalo kayo, ah."

"HINDI HAHAHAHA." tumawa ng tumawa si Chip kasama si Jaidee, "Si Dennis! Si Dennis kasi!"

"Pabayaan niyo na yung dalawang yan, nakasinghot sila ulit." Tiffanie chuckled at the two, "Madami pa kayong lalabanan, noh?"

"Oo." tumingin si Marcus kay Tiffanie, "I know hindi ako yung kausap mo, pero sa isang set, at least 100 pairs ang meron, 200 people ang naglalaban-laban at isa lang ang matitira, at isang set pa lang yun."

Nafascinate yung Hunters sa number of students na meron sa ACSHS. Second showdown na yun, madami na ang naeliminate, pero madami pa din ang mga lumalaban.

"So... kapag naglaban na ang final duo, kung sino na lang ang matitira, ganun?" tinanong ni Tiffanie kay Marcus.
"Yes... and wala ng duo-duo doon. Kapag apat na tao na lang ang natitira sa isang set, maglalaban-laban na ang lahat at ang matitira ay kakalabanin ang other set."

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon