Chapter 34: Coronation Part 1

113 2 0
                                        

"Tiffanie... gising!"

Ginising ni Jaidee si Tiffanie, at pagkagising niya nakita niya na magkakasama na lahat ng Hunters sa loob ng kwarto, nakabihis at nakaayos na ng bongga.

"...Anong meron kasi?" inaantok pa si Tiffanie kaya hindi niya pa napaprocess ang nangyayari.

"Uy, Tiff. 10th month na, ngayon na yung coronation."

"Oh shit!" agad tumayo si Tiffanie sa kama niya at kinuha ang gown niya, "Maliligo na ako, Jaidee, paprepare na ng makeup?"

"Sige! Chip, Nigel, una na kayo sa coronation hall, ako ng bahala dito."

Limang buwan na ang nakalipas at ngayon na ang araw ng coronation ni Marcus. Araw-araw silang nagtatraining, preparing para sa sikretong plano ng Hari para sa mga Hunters.

"Okay, let's go!" lumabas si Tiffanie sa banyo ng nakarobe at nakahairdry na ang buhok, umupo siya agad at inipitan siya ni Jaidee, "Kailangan pa ba natin ng recap sa plano?"

"Yup, unang una, may sasabihin ka kay Marcus na magpapaiyak sa kanya at kukunin mo agad ang luha niya at ilalagay sa isang bote."

"Okay, next."

"Tapos second, kapag tapos na ang coronation ni Marcus, doon sasabihin kung makakalaya tayo or hindi, syempre dapat makakalaya tayo pero doon may gagawin ang hari at ieexpose natin ang hari para nasa side natin ang Royals."

"Tapos?"

"Third, iaactivate ang fireworks at masisira ang barrier at pupunta dito sina Tyler at bahala kung ano ang gagawin."

"Correct, okay, next yung gown ko!"

Never in their life at ACSHS ay iisipin nilang pagbigyan na ang mga Royals, but as the days passed by, tinanggap na sila ng mga Royals at ginawa din ito ng mga Hunters. Ever since naging sila na ni Marcus, narealize ng mga Royals kung gaano kabait ang mga Hunters.

"Yung pinaka hindi ko inexpect sa'yo is yung mahulog ka na talaga para kay Marcus." zinip up ni Jaidee ang gown ni Tiffanie, "Hinalikan ka lang... marupok ka din."

"So parang ikaw hindi nahulog kay Tobias?" itinulak ni Jaidee si Tiffanie papunta sa salamin at masaya siya sa resulta ng pag-aayos niya, "Thank you Jaidee!" may kumatok sa pintuan nila at sinagot ito ni Tiffanie.

"Ready na?" hinawakan ni Marcus ang kamay ni Tiffanie, "Tara na, punta na tayo sa coronation hall."

*
Coronation Hall: Outside ACSHS
Coronation of Prince Marcus Rosas

"Magandang magandang magandang umaga ako si Ravenna Boughnotte, nagbabalita para sa DZTR 102.5! So ayun nga andito po tayo sa coronation hall at dumadating na po ang mga carriages ng iba't-ibang Royals na galing sa iba-iba't kingdoms! Ooh! Ayan na po ang ating future king kasama ang kanyang girlfriend na si Tiffanie Regina, Marcus Rosas!"

All eyes ay nakatingin sa extravagant carriage kung saan nakaupo si Marcus at Tiffanie. As always, flawless si Marcus and he's looking better than ever, baka dahil sa prince outfit niya but he's sure capturing the hearts of everyone watching. Madami ding nagandahan kay Tiffanie, ang palaging outfit niya kasi ay pants and sometimes shorts, pero ngayon dahil nagsusuot siya ng gown, mukha siyang totoong prinsesa.

"Oo nga pala... hindi pa alam ni Tyler ang bagong plano... paano kung may ginawa siya-"

"Nag-iisip ka ulit." palaging napapansin agad ni Marcus kapag merong nasa utak ni Tiffanie, baka dahil nagdadate na sila for five months and he knows his girlfriend well, "Kung ano mang iniisip mo, huwag kang mag-alala, magchill ka lang, today's the day na makakawala na kayo."

"Yeah..." ngumiti si Tiffanie, pretending to be okay, "Sobrang saya ko para sa'yo." yinakap niya si Marcus, completely forgetting na may crowd na nanonood sa kanila sa carriage.

"Tiffanie..." inalis niya ang mga kamay ni Tiffanie sa katawan niya at binigyan niya ito ng singsing, "Promise me na hindi mo ako iiwanan."

Awestruck, sinuot ni Tiffanie ang singsing at napaluha siya, "I promise." dahil umiyak si Tiffanie, hindi na din napigilan ni Marcus umiyak. Pinunasan agad ni Tiffanie ang luha niya at linagay ito sa bote, "Huwag ka na umiyak, may coronation ka pa."

"You're right, malapit na tayo."

Tumingin si Tiffanie sa bote at tinago niya ito sa bag niya, hoping na hindi ito nakita ni Marcus.

"Kinuha mo luha ko noh?"

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon