Chapter 19: After The Hangover

94 2 0
                                        

Completely wasted na lahat ng mga tao doon kaya noong nagstrike na ang clock, kinuha ni Tiffanie ang mga kamay ni Jaidee at tinulungan siyang tumayo.

"Bakit kasi ang dami mong ininom..." sinabi niya sa kanya pero parang masyadong lasing si Jaidee para makapagsalita, "Mukhang hindi ko masasabi yung kay Hana... hays... Nasaan niyan yung boys?"

Mahirap hanapin yung mga boys dahil sa laki ng castle, thankfully, nahanap ni Tiffanie ang isang lasing na Chip at isang sober na Nigel.

"Hi..." mukhang inaantok na si Nigel pero conscious pa rin siya na kaya niya pang magsalita ng maayos, "Mukhang hindi ka lasing, ah."

"Hindi, naka-ilang shots lang ako." tumabi siya kay Chip na knock-out at naglalaway, "Ugh, naalala ko bigla si Jared... palaging naglalaway yun..."

"Haha, lol..." palaging sinasara ni Nigel yung mga mata niya, "Antok na talaga ako tohl... balik na tayo sa dorm?"

"Gusto ko rin, honestly... patay na yung mga tao dito eh." biglang nanotice ni Tiffanie si Marcus sa likod ni Nigel, tahimik dahil natutulog, "Nalasing din yan?"

"Lasing lahat."

"Eh, ikaw? Bakit hindi ka lasing?"

"Ayoko magkahangover." pinalo ni Nigel yung likod ni Chip, "Gising na tohl, uwi na tayo."

"Huwag tayo umuwiiii!" umiyak bigla si Chip, "Ayoko sa isla...."

"Tanga, babalik tayo sa dorm!" pinalo din ni Tiffanie si Chip sa likod, "Mukhang pareho sila ng sitwasyon ni Jaidee."

"Kunin natin si Jaidee at Chip tapos teleport na tayo, antok na talaga ako eh."

"Sige."

*
ACSHS Dormitory: Room 226
The Next Day...

"Ah... shet." nagising si Jaidee sa kama niya, hilong-hilo at hindi makagalaw, "Tae, ang sakit ng ulo ko."

"Ayan... lasing pa more." naglagay si Tiffanie ng few drops of lavender extract sa hangover potion para makumpleto at ibinigay niya ito kay Jaidee, "Inumin mo yan, gamot yan."

Pagkainom ni Jaidee sa potion, agad na niyang gusto iluwa ang inumin kung hindi lang siya pinigilan ni Tiffanie, "Inumin mo yan!"

Pagkatapos inumin ni Jaidee ang mapait na solution, mabilisan siyang kumuha ng tubig galing sa mini fridge nila, "Ahhh! Ang pait, ang pait!"

"Hoy, at least gumana."

"Oo nga." uminom ulit si Jaidee ng tubig para matanggal ang lasa sa bibig niya, "Hindi na ako nahihilo..."

Kinuha ni Tiffanie yung pinag-inuman ni Jaidee ng potion at napansin ni Jaidee na merong nasa utak ni Tiffanie.

"Hey, um..." linagay niya yung baso sa lababo ng maayos bago niya itinuloy ang kaniyang sinasabi, "Baka dahil sa beer, pero... kagabi, lasing si Hana and... may ginawa akong hindi ako sure kung tama..."

Muntikan ng mabulunan si Jaidee sa tubig na iniinom niya, "Oh my god." sobrang concerned ng face niya at nagpanic siya, "Kahit sino tanggap ko Tiffanie, kung ngayon sinasabi mo kung ano talaga ang hanap mo, tandaan mo lang na tanggap pa rin kita at hindi ko-"

"Jaidee, sandali, sandali..." pinalayo ni Tiffanie si Jaidee, "Lasing ka pa ba?"

"Ha? Hindi... pero alalahanin mo lang-"

"No, Jaidee, yung iniisip mo ngayon, hindi nangyari sa amin ni Hana kasi straight ako, okay?"

"...Okay." umupo silang dalawa sa mga kama nila, "So... ano yung sasabihin mo? Anong 'hindi ka sure na tama' ang ginawa mo?"

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon