Chapter 29: Rooms Full Of Secrets

84 1 0
                                        

"AHHHHHH! PUTA ANO YAN?!"

May malakas na sigaw galing sa taas na narinig lang ng mga nasa bandang second and third floor.

"Naririnig mo ba yun? Galing ata sa taas."
"Eh... baka yung mga nangangalkal ulit sa power source."
"Pustahan may nakita nanaman sila sa video recordings."
"Bobo, blackout!"
"Baka inaayos yung power source tapos naeelectrocute?"
"Oohhh, pwede din."

Kalmado lang ang mga Royals sa baba noong narinig nila ang malakas na sigaw na nanggaling sa fifth floor. Not knowing kung saan galing yung source, nanggaling ito sa mga knights na kabang-kaba noong may nakita silang malaking dragon sa kanilanh harapan.

"Nice, Chip!" habang sinusubukang pataying ng mga knights ang dragon form ni Chip, naghiwa-hiwalay ang tatlong Hunter para pumunta sa tatlong pintuan na binabantayan ng mga knights.

*
Nigel: Library

"Woah!" nagulat si Nigel noong pumasok siya sa malaking library. Ang mga pader ay pininturahan gamit ng ginto at nakadecorate ang ceiling with stained glass and renaissance paintings.

Nangalkal si Nigel sa mga libro na nagmukhang suspicious sa kanya, pero wala siyang nakuha. May malaking portrait ni Marcus kasama ang kanyang nanay at tatay at sa ilalim nito ay may la mesa at dito nagsimulang mangalkal si Nigel. May mga iilang notebooks na walang kwenta ang laman, pero may isang brown na notebook na eye catching sa mga mata niya.

"Ah! Dapat makita ni Tiffanie 'to!"

*
Jaidee: Marcus's Room

"Ay, ang sakit sa tenga..." pagkasigaw ng mga knights, nagrush si Jaidee papunta sa kwarto na hindi pinasukan ni Tiffanie at Nigel, hindi niya alam kung ano yung pinasukan niya pero alam niyang importante ito dahil binabantayan ito ng mga knights sa labas. Pumunta si Jaidee sa table na nasa tabi ng kama at nakita na may mga larawan na nakadisplay dito.

"Kwarto 'to ni Marcus." may mga nakadisplay na picture si Marcus kasama ang tatlo niyang kaibigan na Royals. Walang kwenta lang ito para kay Jaidee kaya tumingin siya sa mga shelves na nakalagay sa table, at sa pinakababang shelf ay may nakita siyang isang picture frame na linagay sa pinakadulo.

"Bakit basag?" kinuha niya ito at nakita niyang ang picture frame at may nakita na may larawan ito nilang dalawa ni Cayna. Compared sa Cayna ngayon, mas masayahin ang nasa picture at mukha siyang mas mabait, kahit kasama ni Cayna ang mga kaibigan niyang Royal ngayon at nagmumukha siyang masaya, iba ang saya niya sa larawan na yun.

"Hayyy... looks like wala akong nahanap dito."

Nakita ni Jaidee ang isang potion na magsusummon sa account ni Marcus at sinubukang buksan ito, wala naman siyang nakitang fishy sa account niya or any backlash about sa Hunters.

Cayna Dominic: Last Year Messages

Cayna: ugh! Bakit ba sobra kang interested sa mga Hunters?! Hindi mo ba alam kung gaano ako nasaktan sa kanila?! Hindi mo ba alam kung ano yung dinala nilang sakit sa akin? Sagutin mo ako!!!
You (Marcus): Pag-usapan na lang natin 'to bukas, please.

"Shet!" unread yung message bago binuksan ito ni Jaidee kaya umalis siya sa messages na yun at minark as unread yung message.

"Hoy!" sinigaw ng boses ni Nigel through mind message at na-alert agad si Jaidee.

*
Tiffanie: King and Queen's Bedroom

"Ah." pagkapasok na pagkapasok ni Tiffanie ay nakita na niya agad ang malaking portrait ni King Vincent at Queen Claudette, automatically knowing na ito ang master's bedroom.

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon