"Huwaw! Date!"
Noong kinuha ni Tiffanie ang call niya, bumalik si Jaidee sa kwarto niya at hinintay siyang bumalik.
"Bakit parang hindi ko 'to inexpect sa'yo?"
"Hindi ko rin inexpect 'to sa sarili ko, Jaidee." humiga si Tiffanie sa kama niya, namomroblema, "Ano bang ginagawa ng mga tao sa date?"
"Ewan ko, mukha ba akong may jowa?" humiga rin si Jaidee sa kama niya, nakaharap kay Tiffanie, "Maiintindihan naman ni Marcus kung hindi ka pa experienced, kaya act natural na lang."
"Kailangan ko pa 'to pagtiyagaan for 5 more months."
"Tapos kailangan mong sirain puso niya pagkatapos ng limang buwan na yun." sinabi ni Jaidee habang nagchuckle ng konti si Tiffanie, "May dalawa kang kailangang alalahanin: huwag mong hayaang matapos ang relasyon at huwag na huwag kang maaattach kay Marcus."
"Easy." inikutan siya ng mata ni Jaidee, "Hoy, ano yun? Hindi ka naniniwala sa akin?"
"As if maaattach ako sa kanya."
"Yan ang lahat ng sinasabi ng mga babae sa movies, books, stories... sasabihing hindi sila mafafall pero sa huli di kayang bitawan ang lalaki."
"Bakit? Pelikula ba 'to? Libro ba 'to? Nigel ba ako?"
"Hoy, iniinform lang naman kita. Kapag natapos yung relasyon niyo bago yung five months, papalpak plano natin. Kapag naattach ka in those five months, possibly ikaw yung magpapapalpak ng plano."
"Bakit si Nigel naattach kay Kayla hindi naging problema?"
"Ibang subject na yun, problema na niya yun."
"Oo na, oo na..." tinakpan ni Tiffanie ang mukha niya gamit ng unan, "Para kang nanay..."
"Sinasabi ko lang naman, kaya tumayo ka na!" hinila ni Jaidee ang katawan ni Tiffanie, "Huwag kang matulog, may assignments pa tayo!"
*
Day of Intramurals
ACSHS Park: Before Sunset
"Wow!" pumunta ang mga Hunters sa park at nakitang fully transformed ito. Inalis lahat ng mga gamit doon at ang malaking park ay naging isang extravagant carnival.
"May pumorma para sa date, ah." sinabi ng mga Hunters at tumingin lahat ng mga Royals kay Tiffanie, hinihintay si Marcus para sa date nilang dalawa.
"Hi, Tiff." kinuha agad ni Marcus ang kamay niya noong nakita niya siya, "Tara, saan mo gusto pumunta?" umalis ang magjowa habang sinundan sila ng mga mata ng mga Royals.
"Tayo na lang tatlo..." ibinulong ni Jaidee sa kanilang natitirang Hunters na nasa gitna ng carnival square.
"Kayla!" sinigaw ni Nigel habang tumakbo si Kayla papunta sa kanya, leaving the other Hunters shocked.
"N-Nigel?!" sinabi ni Chip habang kinuha ni Kayla ang kamay ni Nigel at pumunta sila sa carousel.
"Two left..." ibinulong ulit ni Jaidee noong sila na lang ni Chip, "Taena, bakit lahat ng mga kasama natin may jowa na?!"
"Hoy Chip! Yung crush mo si Erish Alejandro andito!" kinuha ng isang dosena ng lalaki si Chip at binuhat siya papunta sa isang babae which Jaidee assumed na si Erish.
"Hoy!!! Tama na!!!" sinigaw ni Chip habang pinalapit siya ng mga lalaking Royals kay Erish.
"Tangina, pati si Chip?!" ang naiwan na lang doon ay si Jaidee, naglakad siya sa carnival, looking for someone na pwede niyang makasama.
"Aray!" sinigaw ni Jaidee noong may nabangga siya, "Ay, sorry!"
"Okay lang, ikaw si Jaidee noh?" nagulat si Jaidee noong nalaman niya na ang nabangga niya ay si Tobias Menselvyn, ang lalaking dati pa niyang inaadmire, "Mukhang wala kang kasama."
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasiaNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)