"Ahhh."
Nasa loob sina Jaidee at Tiffanie sa dorm nila, ginagawa lang ni Jaidee yung mga homework niya pero itong si Tiffanie sinisira yung mga technology potions sa kakasearch.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Naghahanap ng love potion." nagswipe ulit si Tiffanie sa hologram, "Bakit wala???"
Tumingin si Jaidee sa mga pages ng Potion Book niya, "Tanga, basa-basa rin. Forbidden potion yung love potion, hindi ka makakahanap sa internet."
"Tae naman." pinatay ni Tiffanie yung hologram, "Bakit pa kasi forbidden?"
"Duh, edi sana buong mundo nagayuma na kung ganun." inayos ni Jaidee yung mga gamit niya, "Hayyy, tapos na rin ako. Pero, try natin maghanap sa mga lumang library, you never know naman diba? Nalaman ko rin na yung High Frequency Fireworks ni Tyler forbidden rin, so I think mahahanap din natin 'to."
"Hindi kaya tayo makulong?"
"Patago. Hunters naman tayo, ah."
"Hoy."
Pumasok yung mga boys sa kwarto ng mga girls, dala-dala yung mga bags nila at ibinagsak nila ito sa floor, "Pagawa homework."
"Nooo." sinabi ng dalawang babae agad.
"Tiff, ayaw mo huwag na natin gawin yung love potion tapos legit mong ipafall si Marcus?" sinabi ni Jaidee, "Parang nafafall na rin si Marcus sa'yo eh."
"Ayieeee." sinabi ni boys, "Iiyak si Jared kapag nalaman niya 'to."
"Edi good kung nafafall na siya." sinabi ni Tiffanie, "Pero imposible namang mago-one month pa lang, nahuhulog na siya agad. Alam mong tawag dun? Marupok."
"Baka ikaw rin, mahulog, uyyy."
"Talaga, Jaidee? Share mo lang?" tinignan ni Tiffanie yung mga boys, "At kayo, gawin niyo na yung mga kailangan niyong gawin kesa nagpapagawa sa amin."
"Edi wow." kinuha nila yung mga bags nila,
"Wala kayong kwenta!"
"Nanay mo walang kwenta!" sinigaw rin ng girls.
"Syempre, inabandona niya ako!"
"Lahat tayo inabandona ng mga magulang natin!"
Nagtawanan sila at lumabas din sila sa kwarto nila, pero suddenly, may kumatok ulit sa pintuan nila.
"Ay dana, naman. Chip punye-" nagulat siya bigla nung hindi sina Chip yung nasa labas, "Hana! Good to see you here."
"Oh, haha, bawal magsigawan sa dorm, if that's okay." sinabi ni Hana.
"Ay, sorry. Ingay kasi ng boys eh."
"Ah, okay, yun lang!"
"Sandali, Hana!" kinuha ni Tiffanie yung kamay niya, "Yung sinabi mo sa banyo... yung gusto mo si Marcus. Halika, pasok ka!"
Medyo nanibago si Hana, pumasok pa rin siya sa dorm nila, at umupo sa kama ni Tiffanie.
"So... matagal mo na bang nakilala si Marcus?" tinanong ni Tiffanie.
"Yeah... pero ngayon ko lang siya nagustuhan, kung kailan break na sila ni Cayna."
Nagulat si Jaidee at Tiffanie, Cayna? Yung nagjajudge sa kanila sa botany? Yung girlfriend ni Mhyles?
"Diba... girlfriend yun ni Mhyles?" hininto ni Jaidee yung pag-ayos niya ng gamit at lumapit kay Hana.
"Yun nga eh, after nilang magbreak, nagconfess si Mhyles sa kanya at naging sila, hindi man big deal kay Marcus dahil nakapagmove-on siya agad." sinabi ni Hana, "Pero, I guess yun yung mga type ni Marcus... Cayna, at baka ikaw rin."
"Ako?" tinanong ni Tiffanie, "Bakit naman?"
"Ewan ko, pero lately nagiging close kayo. Hindi ako ganun ka social kaya..."
"Huy, Hana, maganda ka naman, mabait ka pa. Kaya mo yan!"
Nagpakita ng maliit na ngiti si Hana sa mukha niya, "Aalis na ako, thank you!"
Lumabas si Hana sa dorm nila ng masaya. Napangiti na lang yung dalawang hunters sa reaksiyon niya.
"Paano pa kung naging kayo ni Marcus, gago magagalit yan sa atin, magic pamo yung Edge niya." sinabi ni Jaidee kay Tiffanie.
"May paki ako? Well, alam na natin gaano niya kagusto si Marcus. Goal na lang natin palayuin siya kay Marcus."
"At paano mo gagawin yun?"
"Bahala na." sinabi ni Tiff, "Para hindi siya magalit sa atin, dapat agad na siyang may ibang gusto once naging kami ni Marcus. Yung magcocomfort sa kanya, chena chena."
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasyNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)