Pumasok sina Nigel at Tiffanie sa glass dome, nakadikit pa rin sa isa't-isa kahit alam nilang magkalaban na sila dito.
"Good luck... ang good bye." minessage ni Nigel kay Tiffanie at nag-smirk lang siya sa kanya.
"Baka ikaw." binulong ni Tiffanie sa kanya at hinanda na ang fighting stance nila. Naka-harap si Tiffanie kay Austin, habang nakaharap si Nigel sa contestant na hindi familiar sa kanila.
Nagsimula nang magcount-down ang robot voice, lahat ay kinakabahan, especially ang teams ng mga lumalaban.
"One..."
"Sino yung isa nilang kalaban?" tinanong ni Chip kay Mhyles na nasa tabi niya lang, looks like unfamiliar talaga siya.
"Tahimik lang yan kaya hindi napapansin, tsaka first time niyang makapasok sa duo showdown, weak lang yan dati eh." binulong ni Mhyles sa kanya.
"Two..."
"Si Choi Liyanag yan, yung Edge niya kaya niyang gumawa ng carbon copy ng sarili niya with any kind of element. Palakas siya ng palakas every year, mahirap din kalaban yan."
"Three... go!"
Yung setting ng dome ay Mountains at Ice Castle, nag-alala si Kayla dahil walang tubig na pwedeng gamitin ni Nigel pero naka-isip siya agad ng plano, knowing na fire yung Edge ni Tiffanie at nalulusaw na ang yelo at nagsisimula na itong mag-pool up sa side. Sinubukan muna ni Nigel na magtago sa mga bundok at doon hinanap siya ni Choi.
"Grabe yung laban nina Tiffanie at Austin, oh."
Grabe nga. Sunod-sunod ang mga hits nila sa isa't-isa ngunit wala pang nadadamage. Madaming pinoproduce na potions si Austin na itinatapon niya kay Tiffanie at iniikot lang ni Tiffanie ang kamay niya sa mga potions para gumawa ng shield gawa sa apoy. Paiba-iba ang posisyon ng dalawa kaya napunta sila sa ice mountain, madaming nalusaw na yelo dahil sa chemicals ng potions ni Austin at dahil sa apoy na ginagawa ni Tiffanie.
"Nice." noong saktong nakita siya ni Choi, kinuha agad ni Nigel lahat ng yelo na nalusaw at sinimulang tamaan si Choi. Dahil hindi kilala ni Nigel si Choi, kada tama niya sa kanya, napupunta lang lahat ng hits sa mga statues na kamukhang kamukha ni Choi na gawa sa ice, fire, rock, etc.
"Anong Edge nito?!" nagpanic si Nigel seeing all the carbon copies of Choi. Napansin niya na nawawala na si Choi, until inattack siya from above, Choi jumping down from the mountains.
"Nigel Anuncion, critical damage!"
Noong nacocorner na ni Austin si Tiffanie, nag-teleport siya away from Austin at papunta sa mountains, pero agad siyang nakita ni Austin at nagproduce at nagtapon ng potion kung saan siya banda, at dahil sa panic, hindi nailigtas ni Tiffanie ang kanyang sarili.
"Tiffanie Regina, critical damage!"
"Shocksss!!!" sinigaw ni Jaidee sa pagkabagsak ni Tiffanie, "Critical damage na silang dalawa ni Nigel!"
"Easy ka lang." linagay ni Kayla ang kanyang kamay sa balikat ni Jaidee, "Naniniwala ako sa kanila."
Nakatayo si Nigel at isinalubong siya ni Choi at sinimulan siyang iattack, pero nadodge agad ni Nigel at kinuha ang tubig na nagabsorb sa lupa at sinimulang tamaan si Choi, knowing her tactics dahil pinag-aralan na niya ang strategy ng Edge niya.
"Choi Liyanag, critical damage!"
Nagiging weak na si Choi at konti na lang maeeliminate na siya kung tatamaan lang siya ni Nigel ng isa pang beses...
"Oh! Nakatrap si Nigel!"
Parang nagsurrender si Choi sa kanya at doon na kinuha ni Nigel ang chance, kaso gumawa ng ice copy si Choi at doon nastuck ang kamay ni Nigel sa ulo ng yelong Version ni Choi, unable to move. Noong kukunin na niya ang nalusaw na yelo sa kabilang side kung saan nakapwesto ang ice castle, inattack siya agad ni Choi bago napunta sa kanya ang tubig.
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasíaNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)