Nagdecide na lang magteleport ang dalawa para hindi na mastress ang driver sa kanila, and inaavoid din nila ang tension na nangyayari sa kanilang dalawa. Medyo proud naman si Tiffanie, atleast alam na ni Marcus ang nafefeel niya kapag ginaganyan niya siya.
"Huy! Nakabili na kami ng paint!" masayang pumunta si Tiffanie papunta sa mga kagrupo nila, dala-dala ang paint habang si Marcus na nasa likod niya ay nanghihinayang.
"Mukhang may nangyari." binulong ni Chip kay Nigel at tumawa silang dalawa.
"Iba rin si Tiffanie minsan." sinabi ni Nigel, knowing na may ginawang iba (or even better, masama) si Tiffanie kapag masaya siya.
"Okay ka lang, Marcus?" kinuha niya ang kamay niya at nakitang nahihilo siya at nag-alala siya, "Magpahinga ka muna, balik ka sa dorm."
"Okay lang ako, Kayla... pero parang gusto ko nga bumalik sa dorm."
Umalis si Marcus at tinignan lang siya ng mga kagrupo niya, at pagkatapos, pumunta lahat ng mga mata nila kay Tiffanie.
"Anong nangyari sa kanya?" sinusubukang hindi tumawa ni Jaidee habang nagtatanong siya may Tiffanie.
"Kanina pa siya nahihilo eh. Sinabi ko magpahinga siya, buti ginawa niya, nag-aalala ako para sa kanya eh."
"Totoo ba?" tinanong ni Cayna, doubting everything that Tiffanie said, "Masaya ka tapos siya nahihilo, masasabi mo bang nag-aalala ka talaga?"
"Cayna, please..." pinatahimik ni Kayla si Cayna, "Anyway, sana okay na si Marcus."
"Minadali ko nga yung pagbili dahil nahihilo na siya, pwede ko na siyang paunahan pero naginsist pa rin siya." sinabi ni Tiffanie habang inikutan lang siya ni Cayna ng mata, "Syempre yung iba diyan hindi maniniwala pero totoo naman yung sinasabi ko."
"Awww, that's nice! Thankful ako na nag-aalala ka para kay Marcus!" tinry tanggalin ni Kayla ang tension nina Tiffanie at Cayna, "Anyways, bumalik na tayo sa ginagawa natin!"
*
ACSHS Dormitory: Room 227
Sunset"Ahhh! Pagod na ako!" bumagsak si Chip sa kama niya, "Huwag muna tayo magmeeting... 5 minutes..."
"Hay... honestly, pagod na rin ako... pero!" pinalo ni Tiffanie ang la mesa para magising silang lahat, "Mas maganda nang pag-usapan natin ng maaga! Tsaka... sunset pa lang oh, aga pa."
"Ihhh... tulog muna!" kinumotan ni Chip ang kanyang sarili at tinakpan ang ulo niya gamit ng mga unan.
"Hoy, Chip, pag tapos na yung meeting na 'to pwede mo nang isagad yung tulog mo hanggang bukas." tinanggal ni Jaidee ang kumot niya at tinulungan siyang tumayo.
"Ugh... sige na nga."
"Good! Anyways, invited tayo sa party nina Dwayne Caynelast na mangyayari in three days... I suggest gawin nating trial yun para sa mas importanteng party- yung kay Marcus."
"Pshht, yun lang pala, Tiff. Alam mo naman na kasquad namin sina Dwayne, dati pa kami nainvite." kinumotan ni Nigel ang sarili niya at pinikit ang kaniyang mga mata.
"Hoy! Simula pa lang yun, akala niyo tapos na?!" tinanggal ni Tiffanie ang kumot ni Nigel at tinapon ito sa ilalim ng la mesa, "...May plano si Jaidee para castle party ni Marcus."
Umupo si Tiffanie at tumayo naman sa harapan nilang tatlo si Jaidee, "Ganito yun. Kukunin natin ang directions ng castle kay Marcus para magbanyo, most likely may itatago siya kaya mag-iipon ako ng enough earth energy para mabasa yung itinatago niya." tinuloy ni Jaidee ang pagsasalita ng mahina at invested ang mga Hunters sa plano niya.
"Magdadala tayo ng madaming glowstick dahil ituturn off natin ang power. Maghahanap tayo ng pagtataguan at magteteleport tayo papunta sa power source at iooff natin lahat. Bago tayo gumawa ng galaw, magteteleport sa Tiff pabalik sa mismong party at magpapamigay ng glowstick para walang magsuspect. Magteteleport siya ulit, at maghahanap tayo ng mga stuff na makakatulong sa atin- dapat may mga nagbabantay para hindi tayo makita,"
"Glow stick naman light source natin 'noh?" tinanong ni Nigel at nagnod naman si Jaidee, "Sayang wala si Tyler, makakatulong pamo sana yung Information Edge niya para makadetect kung may parating."
"Ikr, pero may advantages din naman yung mga Edge natin." sinabi ni Jaidee, "Magbabantay kayong dalawa ni Chip, magtatransform si Chip ng maliit na animal, lalapitan ka niya kung may nakita siya at imamind message mo kami at magteteleport tayo agad kung in danger na tayo. Dapat maikot natin lahat ng rooms at dapat maexecute natin lahat nito within 20 minutes dahil kung nagtagal, baka magtaka si Marcus. Kapag tapos na ang 20 minutes, babalik tayo sa power source, io-on ang power at idedelete lahat ng nakuha ng cameras sa atin. Irerestart natin ang mga cameras at habang nagrerestart, magteteleport tayo agad para wala siyang makuha sa atin."
"Tapos, eto na yung final, noh?" biglang naexcite si Chip sa plano.
"Oo." sinabi ni Jaidee ang second plan at lahat sila nasiyahan, except kay Tiffanie pero willing naman niyang gawin.
Noong nafinalize na nila yung plano, "Okay, alam niyo na yung first plan at yung second plan. Yung second plan yung pinakaimportante!" tumingin si Jaidee kay Tiffanie, "Ikaw lang ang kayang magpagana sa second plan."
"Yes, alam ko." ngumiti si Tiffanie, "Kaya natin 'to. Makipagsocialize kayo sa party ni Dwayne noh?Meeting dismissed!"
*
Three Days Later...
ACSHS Dormitory: Room 226"Uy, ang ganda ng suot mo!" sinabi ni Jaidee pagkasuot ni Tiffanie sa black jumper dress niya.
Naghahanda na ang mga Hunters para sa castle party ni Dwayne. Noong nalaman ng mga kagrupo nilang Royals na invited sila, ininsist ni Kayla na makisabay na lang sila.
"Nabili ko lang 'to sa store na malapit sa labas ng campus, kasama kita noon, diba?"
"Ay oo nga." linagay ni Jaidee ang gray pants niya, "Binili ko rin pala 'to nung binili mo yan."
"Maganda siyaaa! Ay, oo nga pala, tapos na ba yung boys? Baka malate tayo, nakakahiya naman kina Kayla."
"Hoyyy!" kumatok sa pintuan ng girls ang mga boys, halata sa boses na si Chip ang sumisigaw, "Tapos na kayo?"
"Patapos na!" linagay ni Tiffanie ang white socks niya at sneakers at binuksan ang pintuan, "Ang plain ng suot niyo, pero maayos-ayos naman yung kay Nigel."
"Eh, okay lang." sinabi ni Chip, "Jaidee, ang tagal mo!"
"Sandali!" tinali ni Jaidee ang kulot niyang buhok at nagmadali papunta sa kanila, "Okay, g na ba?"
Tumakbo sila papunta sa meeting place nila- sa main entrance ng dormitory. Doon, nakita nila si Kayla na may suot-suot na naka-black plaid jacket, white shirt, and black denim skirt na nakapair with boots. Kasama niya si Marcus na nakatucked-in white long sleeves with black plaid pants.
"Uy, Kayla! Ganda ng suot mo!" sinabi ni Tiffanie sa kanya, "Ikaw rin, Marcus, bagay mo! Kesa naman sa dalawang lalaki na kasama ko dito." tumingin siya sa mga lalaking Hunters na walang kaporma-porma.
"Aww, thank you so much, Tiff! Ang ganda ng suot niyong dalawa ni Jaidee! Madami akong alam na shops around here sa Trinitium, kaya sama kayo sa akin kung gusto niyo magshopping tayo minsan!"
"Weh? Sige lang Kayla!" tumingin si Jaidee kina Kayla at Marcus at napansin niyang may kulang, "Nasaan pala sina Cayna at Mhyles?"
"Well..." medyo nahiya si Kayla, "Nauna na sila..."
Dahil nasa labas sila, pasikretong kumuha ng earth si Jaidee sa likod niya para mabasa ang nasa utak ni Kayla.
"Shocks... nakakahiyang sabihin sa kanila na ayaw silang makasama ni Cayna..."
"Ah, ganun ba?" nakiride na lang si Jaidee kay Kayla kahit narinig na niya ang totoong rason, "Sure naman ako na may rason sila, so no worries."
"Uy, icacall ko pa ba yung service...or?"
"Teleport na lang tayo, Marcus." sinabi ni Tiffanie habang nagdikit-dikit sila sa isa't-isa, "Okay, on three... one...two...three."

BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasíaNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...