Chapter 14: You're Invited!

117 2 0
                                        

"...Yes. Mahirap kahit peke. Hindi mo maiintindihan, wala ka sa sitwasyon ko, Jaidee."
"Ah... ganun ba, Tiff?"

Tumuloy sila papunta sa decor section, tinutulungan ang mga Royals maghanap para sa dessert booth nila.

"Oo nga pala, ano yung mga desserts niyan natin?" tinanong ni Kayla at binigay nina Marcus at Tiffanie ang mga libro at tinignan niya ang mga pahina, "Okay, kailangan natin ng mini freezer, ice cream machine, oven... ooh! Gamitin na lang kaya ni Tiffanie yung pyrokinesis niya para mabake yung pastries?"
"Sige, okay lang sa akin."

After ng iilang hours, nakuha na nila lahat ng mga kailangan nila para sa booth. Lahat sila ay nagdesisyon na ang mga Royals ang maghahati sa gastos at babawi na lang ang mga Hunters sa pagarrange at pagfunction ng booth.

"Kaya na namin yung gastos! Mura lang naman, konti lang naman yung binili natin." sinabi ni Mhyles habang hawak-hawak nila ang dalawang puno na shopping cart.
"Kahit konti lang bayaran namin..." sinabi ni Nigel habang sinascan yung mga items. Padagdag ng padagdag yung price na agad namuti yung mga Hunters sa mga numero habang kalmado lang ang mga Royals.

"526,000 pesos po." sinabi ng cashier at agad namang ibinigay ng mga Royals ang mga cards nila.
"Split payment." ilinagay ni Kayla ang mga cards nila sa cashier at isa-isa itong scinan.
"Thank you, come again!"

Ilinagay nila lahat ng gamit sa likod ng carriage at pinadala ito papunta sa campus.

"Huwag na kayo sumakay! Magteleport na lang tayo!"

Pinaalis na nila yung carriage, pero nagteleport lang sila papunta sa campus, kaya maghihintay pa sila ng 20 minutes para dumating ang mga supplies.

"Hoy." tinawag ni Jaidee lahat ng Royals, "Hindi naubos yung pera niyo sa binili natin?"
"Oh, hindi. Sanay na kami at may dalawang milyon pa kami sa card namin."
"Dalawang milyon-" muntikan nang mabulunan si Chip noong narinig niya yung sinabi nila, nakakapanibago talaga ang mundo ng mga mayayaman.
"Uy, tara na! Planuhin na natin yung desserts, punta tayo ulit sa park."

Surprisingly, kokonti na lang ang mga tao sa park, madami na ata pumunta sa mga hardware para bumili na ng supplies.

"Ganda ng timing natin! Hindi pa puno kanina yung hardware pero sure ako siksikan na doon ngayon." sinabi ni Kayla habang linagay niya yung mga gamit niya sa table, "May mga 15 minutes pa tayo, isipin na natin yung desserts?"
"Ano ba yung mga binili mong electronics?" tinanong ni Marcus.
"Yung mga electronics pwede na siyang panggawa ng ice cream and pastries, lulutuin gamit ng apoy ni Tiffanie."

Nagusap-usap sila, tumitingin sa mga pahina in case lang magka-ideya sila. For sure ilalagay na nila yung ice cream, pero yung mga pastries hindi pa sigurado.

"Mga limang pastries lagay natin! Magbotohan tayo."

Meron silang choice of at least 10 pastries, at lahat sila ay nagdesisyon na lima lang ang matitira doon. Pagkatapos noon, lahat rin sila ay nagplano na magkaroon ng tatlong flavor ng ice cream.

"All right! Settled na tayo, ngayon gagawa na lang tayo ng menu and after that, susubukan na lang natin i-bake at gagawin natin yung stall." biglang nagring yung mini magic mirror ni Kayla at kinuha niya agad ito, probably implying na andiyan na yung mga supplies, "Uy, nasa gate na yung mga stuff, um... Nigel, pasama!"

Sumunod si Nigel sa kanya, at medyo tumawa si Marcus noong narinig niya iyon, "Ang weird... usually ako yung tinatawag ni Kayla."
"Magjowa na ata yung mga yun." tumawa rin si Chip.

*
ACSHS Campus Gate

"Ma'am." ibinaba ng mga knights ang kanilang mga supplies at linagay sa dalawang cart, "Eto na lang po. Kailangan niyo pa po ba ng tulong?"
"Ah, okay na kami, sige lang. Salamat!"
"Welcome, ma'am."

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon