Bago maglunch time, minessage ni Marcus na imeet na lang siya ni Tiffanie sa likod ng cafeteria na malapit sa library. Walang gana si Tiffanie kumain kaya inuna na niya ang pagmeet kay Marcus sa meeting place bago kumain noong lunch time na. Nakita ng ibang Royals na magkasama silang dalawa at nagsimula na silang magsalita at magchika.
"Anong meron sa kanila?"
"Huhu, sana hindi sila magjowa!"
"Sobrang low ng standards ni Marcus kung ganun."
"Hindi deserve ng isang Hunter ang isang lalaki na kasingperpekto ni Marcus!"
"Ah, Marcus, para saan 'to?" nagtaka si Marcus kung bakit tinanong yun ni Tiffanie kahit obvious naman kung ano yung pag-uusapan nila. Nagfafake ng isang smile si Tiffanie, kunwaring hindi alam ang nangyayari.
"Uh... sa castle party, wala ka bang naaalala?" shinake ni Tiffanie ang kanyang ulo ng 'no' at namawis si Marcus, hindi niya alam ang sasabihin niya sa kanya, "Ummm... sa party... nagconfess ka na gusto mo ako."
"Oh..." 'nagulat' si Tiffanie sa sinabi ni Marcus, not knowing what to respond, "Lasing ako noon, kaya..."
"Well, I guess yun na explanation ko, so..." awkward yung atmosphere sa kanilang dalawa, "Pero totoo ba yung sinabi mo? Na gusto mo ako?"
"Ah... anong point kung itatago ko pa?" ngumiti si Tiffanie sa kanya, "Oo, Marcus, gusto kita."
"Um..."
"Gusto ko lang sabihin yun. Hindi ko hinihingi na maging jowa kita, pero gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko. Unless may nafefeel kang pareho... pero kung wala naman, hindi ko na kailangan ng sagot at pwede tayong manatiling magkaibigan." ngumiti si Tiffanie sa natetense na mukha ni Marcus, "Tara na, maglalunch pa tayo."
Nauna si Tiffanie habang nakatunganga lang sa lupa si Marcus, hindi makamove-on sa mga salita na lumabas kay Tiffanie.
"Tangina, gusto ko magsuka." Tiffanie hated this plan kahit willing niyang gawin ito para sa mga Hunters. Just the thought of her having a boyfriend made her stomach curl.
"Ano nangyari?" linapitan agad ni Jaidee si Tiffanie noong pumasok siya sa cafeteria.
"Eh, went fine. Shookt si kuya."
"Omg HAHAHAHA." tumawa ng tumawa si Jaidee habang pumunta sila sa table nila ng mga Hunters, "Ayan, bumili na ako ng pagkain para sa'yo, bayaran mo yan."
"Oo na..." konti lang ang kinakain ni Tiffanie compared sa dati, "Ugh... naalala ko lang yung nangyari..."
"May sinabi ba siya pagkatapos nun?" tinanong ni Nigel pero shinake ni Tiffanie yung ulo niya ng 'no.'
"Isang buwan na lang yung meron tayo, paano niyan?"
"Kalma ka lang, Chip." sinabi sa kanya ni Jaidee, "Baka nagulat lang si Marcus ngayon, pero magbibigay din yan ng sagot in the future."
"Malapit na pala first finals, noh? Sure kayo gusto niyo pang magplano ng chena chena?" lahat ng mga Hunters ay nag-'no' since importante yung finals, "Sige, kapag tapos na yung finals, doon na lang tayo magkameeting ulit."
Lumipas ang mga araw at walang ginawa ang mga Hunters kundi mag-aral para sa finals. Hindi man nila pinag-isipang magkaroon ng mga meeting dahil masyado silang busy nagbabasa at nagtatraining. Minsan magpapatulong sila sa mga kaibigan nilang Royals, but the past few days...
"Hindi na masyadong nag-uusap sina Marcus at Tiffanie, noh?"
"Oo nga, ano kayang nangyari?"
"Good for her, lol."
Kahit nagrereview ng nagrereview si Marcus, palagi pa rin niyang iniisip si Tiffanie at ang sinabi niya sa kanya. Nawawalan siya ng focus palagi, pero hindi naman naaffect ang mga grades niya dahil dito. At kay Tiffanie naman, masyado siyang focused sa finals kaya wala sa isip niya si Marcus, wala naman talaga siyang nararamdaman para sa kanya, and since naaawkward pa rin si Marcus sa nangyari, hindi sila masyadong nagpapansinan.
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasyNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)