Chapter 18: Hana's Decision

99 3 0
                                        

Caynelast Castle: Dwayne's Castle Party

"Uy, welcome!" tumakbo agad sina Chip at Nigel papunta kay Dwayne at ang mga iba nilang kasquad, "Andyan na si Mhyles tsaka sina- uy, Marcus, Kayla! And... yung mga Hunter na babae! Pasok na kayo, nakabili na kami ng San Mig!"

"Hoy hoy, Dwayne, andiyan na yung crush mo, si Irish!"

"Shhh! Maririnig niya kayo!"

It was exactly like the movies- magulo, madaming wasted, pero mukhang masaya.

"Ay, lasing na si Cayna." nakita ni Kayla si Cayna na nagbebeer pong sa bandang garden ng castle kasama ang ibang mga Royal na babae, "Samahan ko muna kayo noh? Tutal first time niyo naman."

"Thanks, Kayla." biglang may tumama kay Tiffanie na lasing na lalaki, "Oof, ganito ba kagulo yung mga castle parties?"

"Eh, medyo kalmado nga ngayon." nagulat sina Jaidee at Tiffanie na ganito na pala ang kalmado na party para sa kanila. Totally different ang mga Royals ngayon, kung prim and posh sila sa loob ng campus, parang gubat sila sa loob ng party.

"Eyyyy, Kayla!" kumapit ang isang lasing na Cayna kay Kayla, "Inom ka namannnnn! Eh? Bakit mo kasali yun mga Hunters na yan? Shoo! Invited ba kayo?"

"Ummm, Cayna..." tinulungan ni Kayla tumayong mag-isa si Cayna, "Mauuna na kami. Tara, Hunters, punta tayo sa bar!"

Lahat sila sumunod kay Kayla papunta sa second floor kung saan puno ng party lights at may malaking bar sa gitna kung saan may tatlong upuan na sakto para sa kanila.

"Asaan pala si Marcus, Kayla?" ngayon pa lang nakita ni Tiffanie na nawawala ang isa sa mga kasama nila.

"Baka kasama yung boys, close yung mga yun eh. Palaging refined si Marcus pagdating sa campus, pero kaya niyang makailang shots ng walang problema." umupo silang tatlo sa mga upuan sa bar, "3 summer cocktails, please. 3% alcohol."

"Ikaw rin, Kayla, umiinom?" tinanong ni Jaidee sa kanya.

"Oo, pero hindi light lang. Hindi ako nagpapalasing." binigay ng bartender ang mga drinks at pinasa niya ito sa mga Hunters, "3% lang yan, walang tama yan."

"Okay lang... sanay na kaming uminom sa isla, medyo wild din yung mga kasama namin doon." sumipsip si Tiffanie sa cocktail niya, "Oo nga, light lang."

"I guess namimiss niyo rin yung mga kasama niyo doon. Gusto ko pumunta sa isla sometime kung pwede lang."

"Hayyy, Kayla, huwag na, hindi ka mageenjoy doon, promise."

"Talaga ba?" uminom ulit si Kayla, "2 weeks na pala yung nakalipas... most probably after the showdown magpapaparty si Marcus, excited na ako."

"Paano pala yung mga parties ni Marcus?" tinanong ni Tiffanie out of curiosity.

Lumunok ng dalawang beses si Kayla bago sumagot, "One word: Wild. Sobrang laki kasi ng castle niya, may pool, game room, bar, tv room and etc. Plus, sometimes for fun, pupunta sa power source yung ibang students para makakuha ng scandal... you know since may cameras everywhere, easily mong makikita kung sino yung nag-aano ano..."

"Pati sa banyo meron?" tinanong ni Jaidee at natawa sina Tiffanie at Kayla.

"Wala... kaya usually mahirap makahanap ng empty na banyo kahit madami yung banyo sa kastilo dahil sa mga students na inaatupag ang libog." tumawa silang lahat kay Kayla at inubos nilang lahat ang cocktail nila, "Tara karaoke?"

Sumunod sila kay Kayla at habang naglalakad, bumulong si Jaidee kay Tiffanie, "Well, at least sure na tayo na yung mga cameras nasa power source."

"Well, duh, Jaidee, saan pa?"

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon