Chapter 21: At The Gym

89 2 0
                                        

ACSHS Opera House: Kingdom Festival

The days have been so-so.

It was finally time, nagsimula na ang Kingdom Festival at dinisplay na ng Hunters at ang mga kagrupo nilang Royals ang kanilang booth, sobrang extravagant nito at nagsastand-out siya sa other booths.

"As expected from Kayla and Marcus."
"Heard walang binigay na pera yung mga Hunters para diyan."
"Swerte lang sila na nakagrupo nila sina Marcus."
"Lol, may tinulong ba talaga sila diyan?"

Madaming stock earth energy si Jaidee kakapractice kaya naririnig niya yung mga thoughts ng Royals na nagpapass-by. Ibang-iba yung mga sinasabi nila sa mga iniisip nila.

"Ang ganda ng booth niyo!"
"Great for a first time, Hunters!"
"All the hard work paid off!"

"Talaga ba?" binulong ni Jaidee sa sarili niya habang binabantay niya ang booth kasama si Tiffanie, "Ay, tignan mo yung sinabi ng gagang dumaan lang."

"Ano, anong sabi niya?" tinanong ni Tiffanie sa kanya.

"Sinabi niya mukha daw tayong kalyeng Cooking Mama sa mga apron na 'to."

"Tangina niya." pinakatignan ni Tiffanie yung babaeng dumaan na nakared designer dress , "Siya mukhang napkin na pinuno ng mens."

Tumawa lang silang dalawa, pero nagstop din yun nung nagsidatingan na ang mga customers at madami silang orders na pinroduce.

"Sige, Jaidee, ako na!" nagpalit si Nigel at Jaidee pero nagstay pa rin si Tiffanie dahil kailangan nila ang pyrokinesis niya para sa binabake na pastries. This went on for days at sobrang pagod na nila sa kaka-luto. Occasionally, magpapalit sila ng mga Royals kaya nakakapagpahinga sila. Sometimes, magtatake sila ng break para mag-ikot sa mga ibang booths.

Overall, sobrang saya ng first days of the Kingdom Festival despite ng suffering nila sa kakaluto. Dumating na ang final day ng booths at lahat sila ay naggather sa Opera House para malaman kung sino ang nanalong booth sa Kingdom Festival.

"As a surprise, we have a hidden competition kung saan mananalo ang best booth!" nagkunwari ang mga students na naamaze nila, kahit alam na nila beforehand dahil kumalat na ito. Pero, totoong inaabangan pa rin nila ito dahil kumalat din na may pera na premyo.

"And the winner... Kayla Reheda's group's booth wins!"

Everyone expected it, lahat sila tumayo at kinuha ang trophy nila, pero madaming nadisappoint noong walang pinakitang prize money ang mga professors.

"Ops!" may kinuha ang mga professors sa isang box at doon meron silang receipt kung saan madaming nakasulat na numero, "As the other prize, we have put 100 000 pesos in each of the winners' cards!"

Lahat ng mga Royals ay biglang nagselos sa kanila at tumalon-talon si Chip sa stage dahil sa nakita niya. The group was rather proud at nasiyahan sila sa ginawa nila.

"Oh, meron pala tayong naipon na 200 000 pesos sa booth, paghahati ko yun at ibibigay ko yung pera sa inyo bukas!" ininform ni Kayla sa kanila at nasiyahan ulit ang mga Hunters (at si Mhyles dahil kasama niya sina Chip at Nigel) noong narinig nila.

"Thank you guys!" sinabi ni Marcus sa lahat ng mga kagrupo niya sa booth, "Our booth was a success and... good luck sa showdown bukas."

Biglang naalala ng mga Hunters na showdown na pala bukas, at konti pa lang ang napapractice nila. Nagrent sila ng malaking room sa Trinity Gym at nagsimulang magpractice.

*
Outside ACSHS Campus: Trinity Gym
Afternoon Sunset

"Uy, eto pala yung concept ng showdown bukas." tumingin si Jaidee sa ACSHS Blog Website at doon nakita niya ang concept at sinabi ito sa mga kagrupo niya.

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon