Chapter 6: The First Day

192 4 0
                                    

"All right. Pink Bean down."

Finerment na ng Hunters yung pink bean, but this time, without teleportation para hindi sila masuspect ng mga Royals. Pumunta sila sa isang malapit na botany around the kingdom and now paalis na sila ng shop.

"Huy, nahulog niyo 'to."

Binigay ng isang lalaki ang card na nahulog ni Nigel, "Ah, thank you." kinuha niya card niya at yumuko sa lalaki.
"Bobo naman, Nigel." tumawa sina Tiffanie at Jaidee.
"Mhylesss..." sinabi ng isang babaeng nasa likod ng lalaki, "Tapos na ako... sino mga 'to?"
"ACSHS card niyo, pero parang di ko pa kayo nakikita sa campus dati." pinrocess yun ni Mhyles sa utak niya, "...Kayo yung Hunters! Ako si Mhyles Pagadian!"
"Um... yes! Haha." sinabi ni Tiffanie, "Honored to meet you, Mhyles... and?"

Medyo sumama yung tingin ng babae na kasama ni Mhyles sa kanila, "Hunters? Tsk."
"Anong problema nito?" minessage ni Nigel sa utak ng tatlong Hunters, at mukhang agree silang lahat.
"Anyway." sinabi ng babae, "Ako si Cayna Ariella Dominic, princess of the Dominic Kingdom."
"Share mo lang?" minessage ni Nigel sa mga Hunters at natawa silang lahat.
"Cayna..." binulong ni Mhyles sa kanya, "Uy, nice meeting you, Hunters! See you!" hinila ni Mhyles si Cayna palabas ng shop.
"Hayyy, tara na rin. Bukas na pamo yung first day of classes, and kailangan pa nating iferment 'to."

*
ACSHS Opera House: The Next Day

"Magandang, magandang, magandang, magandang umaga sa inyong lahat, ACSHS students!!!"

Umingay ang buong opera house with cheers and joyful screams, hindi inexpect ng Hunters na ganun kadami ang mga Royals.

"Um, ganyan ba talaga kadami ang mga Royals?" tinanong si Jaidee sa katabi niyang Royal.
"Yep. Ito ang paaralan ng mga Royals all over the world."
"Buong mundo?!"
"Yes."

Binalik nila muli ang mga mata nila sa stage, "As you all know, ako si Ravenna Boughnotte, the fairy in Trinitium, and I would like to welcome all of you in ACSHS! But this time, hindi na lang Royals ang mag-aattend ng academy na ito!"

Nanahimik ng konti ang lugar at sinasara na ng apat ang mga mata nila hoping na hindi sila tawagan.

"Because today, we are finally welcoming the Hunters!"

Everyone clapped, pero hindi yung palakpak na cheerful. Mixed reactions yung mga tao sa loob, at hindi alam ng mga Hunter ang gagawin nila.

"Shhh. Matatapos rin 'to." binulong ni Tiffanie sa tatlo.

"Welcome, Hunters! So, ano yung feeling na bago kayo sa Academy?" lumipad ang mikropono papunta sa mga Hunters, specifically, kay Tiffanie.
"Um..." sinabi ni Tiffanie sa mic, "Of course we're honored after being abandoned for years sa island, and we're here to prove our worth."
"Thank you for that, Hunters!" bumalik ang mic sa fairy, "So, finally, we shall now commence the first day of classes! Everyone is required to take the mandatory three classes in the morning: History, Potions and Spells, and Strategy. Afterwards, you have to take three more classes of your choice! You will see that later on after your mandatory classes, see you later, Royals and Hunters!"

Nadismiss na yung mga Royals after that, agad-agad silang pumunta sa mga classes nila doon, but before that, naggroup muna ang mga Hunters para sabay-sabay silang pumunta sa unang klase nila.

"Hoy, tabi tabi tayo, noh?"

Pumasok sila sa loob ng isang room kung saan may nakasulat na "History", umupo sila sa mga upuan na nasa likod.

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon