Lahat ng tao sa loob ng campus halatang busy. Puno yung library, dorms, cafes, and even the cafeteria dahil lahat sila nagpaplano-plano para sa booth.
"May rumor na yung pinakaimpressive na booth, magkakaroon ng prize money!"
Kahit hindi sigurado, agad kumalat yun sa buong campus kaya binibigay na nilang lahat ang all nila para sa iisang booth. Although para sa group nina Tiffanie, nagstay sila sa park at doon sila nagusap-usap.
"So lahat tayo, agree na na food booth yung gagawin natin?"
Kahit tahimik yung iba diyan (kilala niyo na), nagkakaayos naman yung grupo nila, kaya gulat yung ibang Royals.
"Uy, sobrang close na ni Marcus, este, squad ni Marcus sa mga yun."
"Hoy, especially sila ni Tiffanie! Hindi kaya mafall siya sa kanya?"
"Taena, hindi ko tatanggapin yun!"
Every now and then, may naririnig silang ganun. They have talked about a few things, at lahat sila ay napunta sa conclusion na ang gagawin nila ay isang dessert booth.
"Uy, ang gandaaa!" tumingin si Jaidee sa dinrawing na concept ni Kayla para sa kanilang booth. Walang limits yung booth nila, kaya gumawa sila ng isang pastel blue, minimilastic themed cafe na may pods for dining (pwede ring resting) na may pillows at bean bags.
"Napaka-aesthetic naman ng plano natin." talagang namesmerize si Jaidee sa ginawa ni Kayla, "Oh, sinong may ayaw nito?"
Wala namang nagtaas ng kamay kaya set na sila para sa booth nila. Hindi na rin problema yung supplies para sa mga Royals dahil duh, Royals sila.
"Uy, kung kayo na sa supplies- anong matutulong naming Hunters?" tinanong ni Tiffanie sa kanila.
"Kami na bahala sa supplies, enough na yung hard work niyo para sa booth." sinabi sa kanila ni Mhyles.
"Huy guys, paano pala menu? May plano kayo?" tinanong ni Kayla sa grupo, pero walang sumagot, "Alam ko may making desserts book sa library, sinong willing maghanap? Dalawa lang noh."
Tinaas ni Marcus at Tiffanie ang mga kamay nila, nagulat sila sa kanilang mga sarili, it was almost like ipinapagsama talaga sila.
"Oohhh." medyo nagsmirk si Kayla dahil sa situation, "Sigeee." sinabi niya sa isang soft voice, as if tinetease niya yung dalawa, "Balik kayo, ha? Kaming mga nandito, sisimulan na namin yung booth, contact niyo na lang kami!"
"Sige." tumayo silang lahat at naglakad papunta sa destinasyon nila- Marcus at Tiffanie sa library, at ang iba ay kukuha ng supplies.
"So, bakit ka nagvolunteer?" tinanong ni Marcus sa kanya habang naglalakad sila.
"I like sweets, tsaka medyo interested ako kung paano sila ginagawa. Ikaw, Marcus?"
"Well... baka ganun din."
Alam ni Tiffanie na interesado si Marcus sa mga Hunters, pero nagtataka pa rin siya bakit grabeng bait niya sa kanya, her particularly.
"Huy, Marcus."
"Ano, Tiff?"
murmur, murmur
Yun yung narinig nila. Expected naman, magkasama nanaman silang dalawa ulit, agad nagselos yung mga kababaihan.
"Yung... letter ni Hana, binuksan mo na ba?" medyo natakot si Tiffanie na tanungin yun dahil baka iniisip niya na iniinvade niya personal life niya, pero mukhang okay lang naman si Marcus sa question.
"Ah... that. Hindi ko pa nabubuksan. Bakit? Interested ka ba doon?" sinabi ni Marcus.
"Well... baka lang naman padala lang yun ni Fairy Ravenna, pero..."
"Pero ano?" mas naging cheeky si Marcus sa kanya, yung tone ng boses niya, it was as if may sinusubukan siyang ipalabas na sikreto sa mga labi ni Tiffanie.
Total betlog ngayon si Tiffanie dahil wala siyang ibang rason kung bakit gusto niyang malaman kung ano yung nasa letter, "Hindi! Hindi naman ganun..."
"Hm? Hindi naman ganun?" ngumiti si Marcus sa kanya, "You mean hindi ka interesado sa mga love letter na binibigay sa akin?"
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasyNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)