Chapter 32: We're Official

94 1 0
                                        

Pumunta sa likod ng library si Tiffanie, at doon nakita niya ang puno ng narra na bumubunga ng mga dilaw na bulaklak. Wala siyang masyadong nakitang tao, pero sa ilalim ng puno ng narra, may makikita kang isang prinsipe na may hinihintay, hindi prinsesa, ngunit-

"Tiffanie!"

-isang kalaban.

"Hi." pumunta siya sa ilalim ng puno kung saan matatagpuan si Marcus. Awkward pa ang atmosphere dahil sa mga nangyaring events na nangyari sa kanilang dalawa for the past month, "So... ayun nga. Sinabi ko naman sa'yo na wala kang kailangang sabihin kung hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko."

"Kung ganon, bakit kita tinawag dito?"

Nag-cringe ang buong katawan ni Tiffanie, pero kailangan niyang hindi ipakita 'to sa kanya kundi hindi gagana ang plano, "Ano yung sasabihin mo?"

"Look, nagulat lang ako the other day kaya wala akong mabigay na sagot, but honestly..." kinabahan si Tiffanie sa bawat salita ni Marcus, hoping na hindi niya siya ireject, si Tiffanie ang pag-asa nila at ayaw niya silang ilet-down.

"Tiffanie... gusto rin kita." lumakas ang hangin at sunod-sunod na nahulog ang mga bulaklak sa narra. Ngumiti si Tiffanie sa kanya, showing joy.

"Sobrang saya ko!"

"So... gi-girlfriend?" nabubulol si Marcus sa kanyang sariling mga salita, nahihiya kay Tiffanie dahil hindi niya siya kayang tignan sa mata.

"Yes, Marcus."

(and at that moment, gustong-gusto magsuka ni Tiffanie dahil sa cringe.)

(tbh, same. Ako mismo author nandidiri ako sa sinusulat ko mygod.)

*
ACSHS Dormitory: Room 226

Tiffanie was feeling sick dahil sa nangyari, meron siyang mga never niyang maimagine gawin at never niyang balak gawin, pero ginawa niya lang ngayon. Love life was something she never wanted dahil masyado siyang nagfocus sa pagpapalaya ng mga Hunters, but now she has done it, pero wala siyang regrets, knowing na ito ang makakabuti para sa kaniyang kapwa-Hunter.

"Heyyy." pagkapasok na pagkapasok ni Tiffanie ay nakita niya ulit ang mga lalaki sa loob ng dorm nila ni Jaidee, "Anong nangyari?"

Tumingin sila sa mukha ni Tiffanie, para siyang may sakit pero may konting smirk siya.

"Oh ho. Kapag mukhang mapapasuka si Tiffanie, ibih sabihin..." ngumiti si Chip at lumapit silang lahat kay Tiffanie.

"Yep." nagpakita na ng totoong ngiti si Tiffanie sa kanila, "Success!"

*
"What?! Sila na ni..."
"No no no!!! Bakit?!"
"Iba talaga yung gayuma, mga tohl."
"What the f-"

News spreaded quickly. Apparently, may mga nanonood sa kanila sa likod ng library at agad nila itong ipinagkalat sa buong academy. Dahil may grudge ang madaming Royals sa kanila, obviously, hindi sila masaya sa balita, pero syempre hindi nila ipapakita iyon.

"Wow, Tiffanie! Sobrang saya ko para sa'yo!" ang mukhang inosenteng pangungusap na yun ay nangangahulugang "Pokpok ka, hindi mo deserve si Marcus, tangina mo!"

"Grabe! Ang cute niyo together!" ang totoong ibig sabihin niyan ay "Pera lang hanap mong gaga ka."

"Hoy, andami kong nababasang mura ngayon ah." sinabi ni Jaidee kay Tiffanie habang papasok sila sa kanilang klase, "Bakit ganun? 'Tangina mo' yung nasa utak pero yung lumalabas 'Cute niyo!'"

"As if hindi natin inexpect."

"Mukhang sikat ka ngayon, ah."

"Thanks." ngumiti lang si Tiffanie sa mga babaeng tumitingin ng masama sa kanya, "Napaka-celebrity ko naman ngayon, andami kong paparazzi, dapat ba nagsuot akong makeup?"

"Hi Tiffanie." tumigil ang pagbulong ng mga tao noong dumaan ang pinakahinihintay nilang lalaki, "Tara, pareho tayo ng klase ngayon."

"Ahem." ngumiti si Jaidee sa kanya noong lumapit si Marcus, "Iiwanan na kita, bye Tiff!"

"Bye..." hawak-hawak ni Marcus ang kamay ni Tiffanie habang pumunta sila sa klase nila, mabilis ang pagtibok ng puso ni Tiffanie, pero hindi dahil sa kilig... dahil sa disgust.

*
ACSHS Park: Lunch Time

"So... sila na ni Tiffanie?"

"Yes!" masayang-masaya si Tiffanie habang sinasabi niya ang balita kina Mhyles at Cayna, "Ohhh inexpect ko naman, pero bakit sobra akong kinikilig?!"

"Good for him, haha..." nagfade ang ngiti ni Mhyles noong nakita niya ang mukha ni Cayna na kayang magpatay ng tao, "Cayna..."

"So nahulog siya para sa walang kwentang babae na yun?" pinisil ni Cayna ang softdrink can hanggang ito'y nayupi, "Nahulog siya para sa taong may lahing mamamatay tao?"

"Cayna... Tiffanie's kind-"

"Tangina Kayla, masyado kang mabait!"

"Pupunta muna ako sa cafeteria..." umalis si Mhyles at naiwan sina Cayna at Kayla sa park. Madaming tumitingin sa kanila dahil paminsan-minsan lang nag-aaway ang dalawang magkaibigan.

"Mabait ako sa mga taong walang ginawang mali."

"Kayla, ang tanga mo." tumayo si Cayna, "You know what the Hunters did, alam mo kung ano ang ginawa nila sa mga Royals dati na nag-affect sa mga Royals. Lahat niyan, tumingin ka sa lahat ng mga Royals na nasa likod mo ngayon, lahat sila apektado!"

"Cayna, that's discrimination. Hindi ibig sabihin na kalahi nila sila pareho ang nasa isip nila."

"Look around you, Kayla, kayo lang mga alipin ni Marcus ang may kayang tanggapin sa mga hayop na yun. Sinasabi mo lang lahat nito dahil hindi apektado ang pamilya niyo nung guera!"

"Wala kang alam, Cayna." lumayas si Kayla at tumakbo papunta sa dormitory. Umiyak si Cayna at linapitan siya ng mga kaibigan niyang Royals.

"Cayna, huwag ka na iiyak!"
"Kalma ka lang, matatapos din 'to."
"Brainwashed lang siya!"
"You are better than Tiffanie, remember that."

"Mukhang nagkakagulo na." nakabantay ang mga Hunters, nakatago sila sa likod ng mga puno na malapit sa park.

"Maganda yan." ngumiti si Tiffanie sa nangyayari, "Buti na lang nakatakas ako kay Marcus kundi hindi ko mapapanood 'to."

"Grabe, start pa lang ng relationship niyo, iniiwanan mo na?"

"Shhh, Chip." tumingin si Tiffanie kay Nigel na mukhanh hindi nasisiyahan sa nangyayari, "Ano? Worried ka kay Kayla?"

"Pupuntahan ko siya." iniwanan ni Nigel ang mga Hunters at sinundan si Kayla papunta sa kanyang dorm. Naglakad ang mga Hunters papunta sa dorm nila, specifically sa Room 227.

"Wala si Nigel." humiha si Chip sa kama niya, "Bakit hindi na lang kaya siya umamin kay Kayla?"

"Torpe yun." tumawa lahat ng mga Hunters sa sinabi ni Tiffanie, pero nanahimik sila noong may tumunog na nanggaling sa bulsa ng bag ni Tiffanie.

"Nagcacall jowa mo." hinagis ni Jaidee ang mini magic mirror kay Tiffanie.

"Ugh, bakit siya tumatawag, gusto ko lang ng pahingaaaa." sinagot ni Tiffanie ang magic mirror at lumabas sa kwarto, "Hi! What's up?"

"Nothing, gusto lang kita tawagan."

"Oh god." inisip ni Tiffanie, "Haha, agad-agad?"
"Bakit, masama ba?"
"No, I guess hindi pa ako sanay."
"Then, let's make you used to it."

"Hm?" naglakad si Tiffanie palabas ng dormitory habang hawak-hawak niya yung magic mirror, kinakausap pa rin si Marcus, "What do you mean?"

"Malapit na yung intramurals and magtatayo ng carnival yung academy next week, let's have a date there."

Tiffanie was at a lost for words, hindi niya alam ang sasabihin niya, but nonetheless, alam niyang bawal siyang tumanggi, "Okay lang ba yun? I mean-"

"Okay lang yun, ipinapangako ko na magiging okay ang lahat sa carnival."

"Great! See you there."

"See you! Bye, I-" halata ang saya sa boses ni Marcus at parang may sasabihin siya sa huli, pero hindi niya ito itinuloy, "Nothing, bye!"

"Hay tangina... date, the worst of the worst." ibinulong ni Tiffanie.

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon