Land of Trinitium: Castle of The Rosas
Weekend Night: Before Twilight
Nagteleport ang tatlong babae-Tiffanie, Kayla, and Jaidee- papunta sa castle ni Marcus. Familiar na si Tiffanie sa castle ni Marcus, like the other Hunters because of that one incident.
"Pasok na tayo! Ah, ayun na si Kaileen!!!"
Sobrang wild ng party, mas wild pa kesa nung kay Dwayne, at ibang-iba yung atmosphere. Thank god tinulungan sila ni Kayla sa mga damit nila, kung hindi ay sobrang outcasts na nila sa party. Halos lahat ng mga babae ay nakasuot ng mga limited fashion items na galing Borborry at ang mga kumikinang na sapatos nila ay nanggaling sa latest line ng Hearmes.
"Ugh, paano kaya kung nag-Adrianna Boutique tayo?" binulong ni Jaidee kay Tiffanie habang dinaanan nila ang mga lasing na babaeng nagsusuot ng mga designer handbags.
"Kaya nga... hays... pero, nasaan sina Chip at Nigel? Dapat andito na sila!"
Nakita nila ang dalawang lalaki kasama si Marcus, and to their surprise, nakaayos silang dalawa at nagfifit in sila sa crowd na punong-puno ng mayayaman na lalaking Royals.
"Hoy, ayun na sila!" lumapit si Nigel na naka Ralf Loren shirt na hindi sa kanya, "Tignan niyo 'to, haha! Pinahiram kami nina Mhyles ng mga branded na damit!"
"Mukhang kayo din." sinabi ni Chip na naka Frada pants habang tinitignan niya ang mga Louie Viton dresses and Guchi belts ng mga girls.
"Hi guys!" lumapit sina Mhyles at Marcus sa kanila, si Mhyles na lasing na lasing na at may malaking stain sa designer suit niya, "Sorry... lasing na yung Mhyles na ito, eh."
"Okay lang! Grabe, Marcus, ang ganda ng party!"
"Haha, thanks Tiff. So, gusto niyo bang magbeer-pong sa labas?"
"Ay..." nagtinginan ang mga Hunters sa isa't-isa, remembering their plan, "Mamaya! Gusto naming lumibot dito! Meron ka bang parang guide? Kunyare bathrooms, bars, etc." sinabi ni Tiffanie sa kanya.
"Ah, oo nga pala. May mga banyo sa bandang dulo at ilalim ng stairs, pero hindi ko rinerecommend yung mga banyo sa bandang dulo dahil puno yun ng mga tao na... ahem. At may mga bars sa gitna ng ballroom, yun lang!"
"Yun lang?" tinanong ulit ni Jaidee habang finocus niya ang atensyon niya kay Marcus.
"...Yup, yun lang." may mga sumigaw ng pangalan ni Marcus sa poolside, "Ay, ayun na. Bye guys!"
Noong nakaalis na si Marcus, humarap si Jaidee sa mga Hunters, "Nabasa ko utak niya, ayaw niyang sabihin na dapat hindi tayo pumasok sa fifth floor, and it looks like ayaw niya ding sabihin na nasa fourth floor yung power source dahil... may mga naalala siyang events from the previous party."
"All right." sinabi ni Tiffanie, "Tara punta tayo sa banyo na yun." nagsimula maglakad ang mga Hunters papunta doon without any stops, avoiding anyone na mukhang magsisimula ng conversation with them.
"Ano bang meron sa mga banyo na nasa dulo at bakit yun yung pinupuntahan nila?" tinanong ni Chip habang naglalakad sila.
"Malaki daw yung space doon kaya ginagamit ng mga magjowa para-"
"Shh, Nigel, Chip!" nakadating na sila sa banyo na nasa ilalim ng stairs at ipinakita ni Tiffanie ang madaming lightsticks na sa loob ng bag niya.
"Ano yung ibang nandiyan?" sinabi ni Nigel noong may nakita siyang black strings na nakaattach sa isang dark cardboard texture at isang bote na may laman na peach dust.
"Mamaya na yan! G na ba tayo?"
Lahat sila tumango sa kanya at tinignan kung may nanonood sa kanila, noong clear na lahat, lahat sila ay nagteleport papunta sa fourth floor at hinanap nila yung power source.
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasyNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)