Chapter 12: The Booth

120 3 0
                                    

ACSHS Dormitory: Room 226

"So, ano na yung sasabihin mo?"

"Hmhm!" tumawa si Jaidee, makikita mo sa expressions niya na proud siya sa naplanuhan niya, "Castle Party- lasingan at landian!"
"Oo, alam na namin, Jaidee."
"Shh!" tinakpan niya yung bibig ni Nigel, "...Lahat ba nanahimik na? Okay!"

Pinaupo niya lahat ng Hunters sa mga kama at tumayo sa harapan nila, "First of all... Tiffanie akala ko ba makikipagplastikan tayo? Bakit parang yung boys lang yung mga nagkakaibigan?"
"Is it necessary-"
"Oo, Tiff! Kailangan siya! Plus pinagusapan pa natin 'tooo, unless konti yung brain cells mo." binuksan niya yung pintuan in case may nagsaspy sa kanila, sinara ito at bumalik sa pananalita, "Gets ko nakakapanghinayang yung mga Royals, pero, dapat magkaroon tayo ng friends sa kanila para sure tayong kasama sa lahat ng mga castle parties."

"At?" dinagdag ni Nigel sa mala-speech ni Jaidee, "Paulit-ulit ka na lang, hindi mo pa sinasabi yung plano sa party."

"Righttt, oo na." pinat ni Jaidee yung ulo ni Nigel, "Eto na, sasabihin ko na talaga. For sure hindi agad-agad magpapaparty yung mga Royals, kaya sa mga preparation, gagawin natin yung best natin para palaging magkadikit si Tiffanie at Marcus. Kapag natapos na yun at nagkaparty na, maglalasing-" sinabi ni Jaidee habang naglagay siya ng emphasis sa 'maglalasing', which means it's fake, "At kapag 'nalasing' na, maghahanap tayo ng way para magkasama si Tiffanie at Marcus- alone."

Nandidiri si Tiffanie sa idea habang tumatawa lang yung tatlo- yung iba tawa dahil sa tuwa, at yung iba tawa dahil isang natatawa lang talaga sila... kilala niyo na kung sino-sino yung mga yun.

"And!" sinigaw ni Jaidee para tumigil yung mga tawa, "Kapag sila na lang, aamin si Tiffanie na gusto niya siya at kukunin natin agad si Tiffanie at aalis. The next day, magkukunwari si Tiff na hindi niya alam yung ginawa niya at sasabihin niya lang na lasing siya at that time kay Marcus. Tatatak yun sa isip ni Marcus, promise!"

"At kung magdadagdag pa ako." interrupted Tiffanie, "Kaya ko namang mag-isa na lumapit kay Marcus. Kayo..." tinuro niya lahat ng Hunters, "Makikipagkaibigan kayo lahat ng mga Royals, especially with the ones na maissue na palaging nagpapacastle-party. And dapat palayuin niyo si Hana Bougnotte kay Marcus."

"Got it." lahat sila tumango sa isa't-isa at bumalik ang mga iba sa kanilang kwarto.

"Prepared na yung bean." tinanggal ni Tiffanie at Jaidee yung bean sa soil at linagay sa ibang lalagyanan, "Two downnn."

Humiga sila pareho sa kanilang mga kama at pinatay na yung mga ilaw para matulog.

*
Next Day...
ACSHS Royal Court: The Preparation

"So... ano 'to?" tinanong ng mga lalaking Hunters sa mga katropa nilang Royals.
"Ah... ito yung Royal Court, kung saan magtatayo ng iba't-ibang fairs and booths sa first day- bibisita dito yung mga tao na galing sa iba't-ibang bansa. Magpeprepare lang tayo ngayon, kung same as last year, kailangan mo maghanap ng group at kayo yung gagawa ng booth na magfufunction ng three days."
"Oh..." sinabi ni Chip, "Ilang days ba?"
"Five days, yung fourth day annual match ng fencing team kaya magrerecruit sila, tapos yung fifth day yung showdown."

Tinawag ng mga babae yung boy Hunters at nagpaalam sila sa mga kasquad nilang Royal bago sila sumunod kina Tiffanie at Jaidee.

"Last day yung showdown. Tapos kailangan daw ng team para sa mga booths na gagawin for the first three days." sinabi ni Nigel kina Tiff.
"Well... tayo naman niyan rin yung magkakateam, noh?" tumingin si Jaidee sa kanila at nag-agree naman lahat.
"Dalian nyo na, tinatawag na yung mga tao."

Umupo sila sa mga benches and as always, nasa harap ulit si Ravenna, possibly announcing what all of them expected.

"Mag-aannounce ulit? Tangina naman alam na natin gagawin natin eh." narinig ng mga Hunters sa mga katabi nilang Royals, although not exact, parang pare-pareho yung sinasabi ng mga tao sa loob.

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon