Chapter 27: Right Before The Party

91 2 0
                                        

"Iiwanan na namin kayo, kapag lumabas kayo, automatic nang maglolock ang pintuan at mag-ooff ang device kaya huwag na kayo mag-alala."

Lit up pa rin ang buong school kahit malapit na maggabi. Tahimik lang kaya medyo nakakatakot, pero magkakasama naman sila kaya hindi na sila nag-alala. Pumasok sila sa loob ng kwarto at nakita ang screen, umupo sila sa mga nakalagay na upuan at hinintay nilang umayos ang static.

"Hello? Andiyan na ba? Ay, Jared! Rile! Eto na, nakikita ko na sila!"

Na-excite lahat ng mga Hunters noong nakita na nila ang isa't-isa after three months.

"Jared, napano na diyan?"
"Okay lang, okay lang! Okay ba kayo diyan... may jowa ka na ba?
"Si Nigel meron, uyyy!"
"Bobo wala! Si Tiffanie meronnn."
"Ha?!"

"Guys." nagsalita si Tyler at nanahimik silang lahat, "Jaidee, may earth energy ka pa ba?"

"Wala na eh, sorry."

"Okay, kaya ba?"

Tumingin si Jaidee sa side, "May bintana, sandali kukuha ako."

Binuksan ni Chip ang bintana at nagpapasok ng earth si Jaidee at kinuha ang energy nito, madami siyang kinuha dahil alam niyang magpapabasa ng utak si Tyler, "Ayan, meron na, anong gagawin ko?"

"Yung nagcontact sa amin, si Marcus diba?" kumuha ng papel si Tyler at nagsulat at pinakita ito sa screen.

Posibleng may nakikinig. Try mong basahin ang utak nila kung malapit pa sila.

"Okay." pumunta si Jaidee sa pintuan at nagdetect kung sumisilip pa sina Marcus at Kayla.

"Okay lang ba na andun lang sila? Tsaka ano pa lang nangyari sa inyo ni Cayna?" narinig ni Jaidee sa malayo, possibly outside of school, at yung kaboses nito si Kayla.

"Mamaya na yun. For sure magiging okay lang yung mga Hunters doon, let's give them some time tutal tatlong buwan na nilang hindi nakikita ang iba."

"Wala naman, all clear." bumalik siya sa upuan niya at ngumiti sa kanila si Tyler habang nanahimik lang si Jared at Rile.

"Ano nang nangyari? May mga kailangan ba akong marinig?"

"Nakuha na namin lahat ng mga kailangan, tatlo na ang tapos sa pagpoprocess." sinabi ni Tiffanie sa kanya, "Yung tubig at-"

"Yung tears of love?" tumawa si Tyler habang nastartle si Rile at Jared sa sinabi niya, "Inexpect ko naman. Mas maganda kung si Marcus yung jinowa niyo, not only makukuha niyo yung luha, mas maeexpose kayo sa family niya."

"Yes, yun na yung pinlano namin." mukhang pleased si Tyler noong sinabi yun ni Tiffanie, naging proud ang mga Hunters sa kanilang sarili noong nakita nila ang ngumingiting mukha ni Tyler.

"At sino yung mag-jojowa kay Marcus?"

"Si Tiffanie." sinabi ni Jaidee at umubo ng malakas si Jared sa likod, mukhang galit sa balita.

"Ha?! Bakit si Tiffanie?!" sinigaw ni Jared sa kanila, overtaking Tyler at the front.

"Kasi siya yung pinakaclose kay Marcus! Uy, dapat nakita mo kung paano sila nag-iinteract sa isa't-isa, sobra silang-"

"Chip, yung pag-uusapan lang ba natin dito yung love life ni Tiffanie?" nanahimik si Chip, tumatawa si Nigel dahil parang pinagalitan siya ng nanay niya, "So, rineremind ko kayo na 2 months na lang ang meron kayo para makuha ang luha, sana naman ginagawa niyo yung best niyo."

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon