Dumating na ang araw na pinakahinihintay ng mga tao, especially noong nakita nila yung nangyari sa practice. Lahat ng tao excited at kinakabahan, kahit saan meron kang nakikitang nageexercise para handa sila sa battles.
"WELCOME TO THE ACSHS SHOWDOWNNN!!!"
Nagsigawan ang mga tao. Merong isang dome na nakadisplay kung saan maglalabanan ang mga tao at madaming bleachers sa labas ng dome kung saan manonood ang mga tao. Kinakabahan na silang lahat dahil random lang ang pagpili ng mga lalaban pero sigurado na ang teams.
"Okay, lahat kayo dapat merong name para sa team niyo at dapat nakasulat na ito sa entrance contract! Ikaw!" lumapit si Ravenna Boughnotte sa iba't-ibang estudyante at binigyan lahat ng ito ng iisang tanong, "Ano ang pangalan ng team mo?"
"Team Royal Squad!"
"Team Repapipz!"
"Team Weng Weng!"
"Team Big Mix!"
Lumapit si Ravenna sa team nina Marcus (consisting of the usual Mhyles, Kayla, and Cayna), at tinanong ang same question sa kanya, "Ano ang pangalan ng team mo?"
"Team Auenthena."
Lahat ng mga students nagandahan sa name, at nagkaroon sila ng high expectations para sa Team Auenthena dahil sila yung malalakas sa campus, crossing off the Hunters of course.
Lumapit si Ravenna kay Tiffanie, "Ano ang pangalan ng team mo?"
Ngumiti si Tiffanie sa mga teammates niya at sinabi ang pangalan nila, "Team Caderin."
Nafascinate ang lahat sa pangalan nila dahil hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin nito, not knowing na ito ang ginamit nilang pangalan para sa team nila in honor of their leader by spirit, Tyler Caderin.
"Omg, akala ko Team Hunter magiging pangalan nila."
"Diba yung Caderin pangalan yung ng isa sa mga Royal kingdoms?"
"Oo nga, anong meron doon?"
Naoverhear ni Nigel ang isa sa mga nagsasalita at biglang napataka, "Huy." binulong niya sa mga Hunters, "...Naalala ko lang... hindi ba may chance na mameet natin yung mga magulang natin dito?"
Biglang napahinto ang mga Hunters sa pag-iisip. Hindi man nila naisip na all along pwede na nilang makita ang mga magulang nila na nag abandona sa kanila.
"Baka wala sa Trinitium, baka nasa ibang bansa... pero the thought na may Regina Kingdom, Maineses Kingdom, Anuncion Kingdom, and Lorenzino Kingdom na kaya nating puntahan... yung mga kingdoms na dapat atin."
"Nigel, huminto ka na, magsastart na yung program." ayaw marinig ni Tiffanie. Dati niya pa alam, pero ayaw niya lang ibring up dahil hindi niya kayang isipin. Nanahimik lahat ng mga Hunters, hoping na hindi na maibalik ang topic na iyon. All they know, malapit-lapit ang Caderin sa Trinitium kung familiar sa kanila ang pangalan.
"All right! Now, ang first setting ay..." nagroll ang bawat picture parang slot machine, "Desert and Snow Mountain! And the first team... Team Mercedes and Team ASDF!"
Intense lahat ng labanan at focused na focused ang mga Hunters sa mga battles, watching every movement na ginagawa ng mga Royals.
"Team Onyxeus and Team Breadstix!"
"Ack!!!" sumigaw si Jaidee, "Kasama doon si Tobias omg!"
Sunod-sunod ang mga labanan, pero mukhang walang inaantok kahit matagal na matagal na ang event. Bumili yung mga Hunters sa nearby hotdog and drinks booth (sponsored by ACSHS) para hindi sila gutumin habang pinapanood ang mga laban, Chip bilang runner o utusan, of course.
"Great job! Team Repapipz wins! Sorry, Team Pugo, try again next time! Pero yung mga MVPs niyo ay si January Perez and Raine Meringue for being the 'almost-survivors' so makakaproceed kayo sa next showdown! Alright, for our next setting..." again, parang slot machine, mabilisang nagpakita ang mga pictures hanggang nagstop ito, "Beach and Lake Mountain! And the next teams..."
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasyNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)