ACSHS Dormitory: Room 226
"Hoyyyy. Gising!!!"
Sa loob ng kwarto nina Tiff at Jaidee, nakarinig sila ng iilang malakas na katok na may kasabay na sigaw.
"Nyetang Chip." tumayo si Tiffanie sa kama at binuksan ang pintuan at nakita sina Nigel at Chip na may hawak-hawak na jar na punong puno ng lupa.
"Ano yan?"
"Daga na binurol na. Ngayon, maghihintay na lang tayo ng tatlong buwan, at ayun! 1 down para sa recipe."
"Nice, nice." kinuha ni Tiffanie yung lalagyanan at linagay sa loob ng kwarto nila, "Bukas, Metal of Alka ha? Mag-iipon ako ng energy, mahaba-haba yung biyahe."
Nagising si Jaidee dahil sa ingay at nakita ang tatlo na nakatayo at nag-uusap para sa plano bukas.
"Nakakatamad..." sinabi ni Jaidee at nag-yawn pagkatapos, di man halata na antok siya noh?
"Edi wag ka sumama."
"Ih, ayoko maging pabuhat."
Tumayo na siya at umupo sa upuan kasama ang tatlo, "Di ba tayo papabantay kung alam nilang aalis tayo? Di pa tayo trust ng mga tao, noh."
"Magteteleport tayo dito sa kwarto, at yung makakaya ng max. level ko hanggang iilang kilometers lang, kaya apat na oras talaga tayo babiyahe."
"Ops, mga baon natin diyannnn."
"May pera ba tayo para sa metal?"
"Yeah." kinuha ni Tiffanie yung mga cards na nasa loob ng isang shelf, "Allowance natin. Bibigyan tayo ng 30 000 pesos each a month. Siguro kasya na yun, noh?"
"Oy, nays! 30 000!"
"Ang dami niyang pagkain na mabibili!"
"Ahem, boys." coughed Tiffanie, "Huwag niyo gagastusin agad yung pera. Mahal yung mga gamit at pagkain dito kung akala niyo lang."
"Hmm... Tiff, kunin kaya natin cards nila?" sinitsit ni Jaidee.
"Subukan niyo, naririnig namin kayo."
"Hoy, joke lang."
Binigay ni Tiffanie yung mga cards nila at tumalon si Chip dahil sa saya.
"Balik na kayo sa kwarto niyo, nanggugulo kayo dito, nyeta kayo."
"Minura ka?!"
"Tara na Chip, let's go."
Hinila ni Nigel sa Chip papunta sa labas ng kwarto ng mga babae.
"Iingay nila, tae." bumalik si Jaidee sa kama niya, "Malapit na pala maggabi, ang bilis. May gagawin ka?"
"Baka pumunta ako sa library, mag-aral ganun."
"Namannn, ang sipag. Sige, bahala ka, ako matutulog lang dito."
"Okay sige, aalis na ako."
"Bye, Tiff."
Lumabas si Tiffanie at bumaba ng iilang floors hanggang nakapunta na siya sa labas ng dormitory, tumingin siya sa isang map na naka-display sa labas ng campus.
"Malapit lang pala."
Naglakad siya ng iilang blocks at doon niya nakita ang isang golden structure, it looked like an opera house, mahirap isipin na library siya. Pumasok pa rin siya at doon nakita niya na lahat ng stages and seats ng opera house ay tinransform para maging shelves for books.
Tumingin siya sa mga shelves para maghanap ng libro na kaakit-akit sa kanyang mata, or more clearly, yung magiging helpful sa
"Sipag, ha."
Doon, nakita niya si Marcus sa Strategy Books Section, na malapit lang sa Artifacts Books Section kung saan matatagpuan si Tiffanie.
"Uh, yeah. Syempre, naghahanda para sa classes."
"Artifacts yung kukunin mo?"
Hindi niya narealize na hawak hawak niya yung book about artifacts which she intentionally chose para sa gagawin nila bukas.
"No... Just interested."
"I see." kumuha si Marcus ng isang book which also was about artifacts, "Interested din ako sa madaming bagay, even in the most random ones, kaya madami akong stock knowledge."
Tumingin lang si Tiffanie sa kanya, di narealize ni Tiff na nakatunganga lang siya sa mukha ng prinsipe.
"Ah, sige, continue Marcus."
"Sorry, baka hindi interesting yung kwento ko."
"No, no!" nagpanic si Tiff, "Nawala lang ako, that's it."
"Ah... as I said, interesado ako sa madaming bagay... which is why sobrang interesado ako sa inyong mga hunters."
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasyNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)