ACSHS Dormitory: Room 227
Pinakahina na ni Jaidee yung boses niya, "Feel ko may makokolekta tayong dumi sa mga Rosas na yan sa loob ng kastilyo nila."
Ngumiti si Tiffanie sa sinabi niya (at medyo naging kamukha niya si Tyler) pero parang hindi nag-agree ang isa sa mga boys sa idea.
"Pass. Ang risky ng idea mo tohl." gumawa ng x-sign si Nigel gamit ang mga kamay niya while Jaidee rolled her eyes.
"Hoy, eto na yung chance natin, tanga." sinabihan ni Jaidee si Nigel.
"Madaming Royals doon, for sure madaming knights, at andun si Marcus at Kayla makikita tayong nagtetrespass." diniinan ni Nigel ang kanyang mga salita.
"Ha?" agad tinignan ni Tiffanie si Nigel, "Bakit concern mo si Kay-"
"Basta. Gg tayo sa pinagpaplanuhan mo, hindi ako sasama at pipigilan ko kayong sirain reputasyon natin." lahat sila tumingin kay Nigel with concern, pero agad namuo ang mga apoy sa mata ni Jaidee.
"Puta?!" mahina pero malakas ang impact ng mga salita ni Jaidee, "Tangina, lahat naman nang ginagawa natin risky pero ngayong tumututol ka dahil sa isang punyetang babae."
"May sinabi ako? May sinabi ako na para sa kanya?" lumapit si Nigel kay Jaidee, handa siyang saktan pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.
"Eh, puta naman, totoo naman diba?!"
"Guys, oh my God." kinuha ni Tiffanie si Nigel at pinalayo niya ito kay Jaidee at pinaupo sa kama niya, "Kumalma ka... parang nanonood akong telenobela dahil sa inyong dalawa."
Kinuha niya din yung kamay ni Jaidee at linagay siya sa upuan at inorder siyang huminga ng malalim para mawala ang galit at stress sa utak niya. Umupo siya sa tabi ni Jaidee at tumingin sa kanilang tatlo.
"Inexpect ko naman na magkakagulo tayo at one point..." medyo nadisappoint si Tiffanie, but at the same time, yung tono ng boses niya ay nagsisignal kay Nigel na: "Nigel, ang bobo mo."
"All I'm saying is baka dahil sa plano na ito... hindi na talaga tayo makakawala sa mga Royals. Masyado talagang risky." kalmadong sinabi ni Nigel sa kanila.
"No." ipinatigil ni Tiffanie ang pagsasalita ni Nigel, "Risky yung pagpunta sa public habang may image tayo na Hunters. Risky pumunta sa market na pinuntahan natin. Risky tumakas sa mga Royals sa gabi na muntikan tayong linason. Risky ang paulit-ulit na pagtago habang nagteteleport para hindi lang malaman ng mga Royals na lumabas tayo past our destination."
Lumunok agad si Nigel, pinapawisan sa bawat salita ni Tiffanie. Galit si Tiffanie, pero tumatawa at ngumingiti pa rin siya kay Nigel. Masaya ang kanyang pagsalita, pero ito yung klaseng saya na gigil na gigil.
"Hoy, huwag ka na magpaka-peke. Kung hindi ka lang nafall kay Kayla willing na willing ka gawin ito, kaso wala... tanga ka eh." tumawa siya kay Nigel habang nanahimik lang si Nigel, hindi makapagsalita.
"Fine... aaminin ko na ayaw kong gawin dahil iiba ang tingin sa akin ni Kayla."
"Tignan mo, tama naman pala ako makapagsalita ka ng 'may sinabi ako?'"
"Jaidee, shut up. Ako nagsasalita dito- magkarespeto ka naman." sinabi ni Nigel at bumalik kung saan siya tumigil, "Takot ako. Rosas's Castle yung usapan dito, magka-isang kamali lang tayo, wala na, tapos na buhay natin."
"Ang dali dali lang, Nigel. Edi huwag tayo magpahuli, kagaya lang ng dati, inuuna mo pa kasi landi mo. So, ano, g?"
Nagtinginan ang tatlo, lahat sila tumango at tumingin silang lahat kay Nigel. Lumipat ng kama si Chip at cinross niya ang mga kamay niya sa mga balikat ni Nigel, "Dali na. Kung nagawa natin 'tong maayos, edi mas makakastay tayo dito, mas makakasama mo si Kayla."
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasyNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)