"Kalma lang!" sinabi ni Tiffanie at tumakbo sila papunta sa isang shelf kung saan hindi sila makikita ng mga knights, "Naka-disguise naman tayo!"
"Midnight na!" noong isinabi iyon ni Chip, nakita nilang nagpapalit na silang damit at lumalakas na ang tunog ng mga footsteps ng mga knights na naghahanap sa kanila.
"Bawal nila tayong makita magteleport kundi malalaman nila Edge ko! Pupunta tayo sa isang shelf na yun at magteteleport!"
"Ayun sila!" sinigaw ng mga knights pero namanage nilang makaalis doon at nakapagteleport sila agad.
"Huh?" nagtaka ang isang knight, "Tae, nasaan sila?!"
*
Power Source Room
"Ah! Kinabahan ako doon!"
Nakapagteleport ang mga Hunters sa loob ng power source ng ligtas, pero mabilis pa rin ang tibok ng puso nila dahil sa kaba.
"Bubuksan ko na yung power, at dapat makateleport tayo agad." binuksan lahat ni Nigel ang mga switch at narinig nila ang robot voice ng mga cameras.
"Prepare to operate again- one... two..."
"Dali! Ngayon na!"
"Three."
*
First Floor
"Uy! Ayan pala kayo!" kakateleport lang ng mga Hunters sa first floor at agad silang ginreet ni Kayla na mukhang hindi naman nakita ang nangyari, "Tara! Ang daming floaties sa pool!"
"Uhhh..." nagtinginan ang mga Hunters sa isa't-isa at nagsalita si Tiffanie, "Sige! May beer ba?"
"Yup! Tara na!" sinundan nila si Kayla at bumulong ng mahina sa kanila si Tiffanie, lumayo sila ng konti para hindi sila marinig, "Mamaya na yung plano. 'Magpapalasing' muna ako." tumawa lahat ng Hunters at pumunta sa poolside.
Puno ng tao ang poolside na nag-iinuman, nagsiswimming, at iba pa. Eventually napilitan ng mga lalaking Royal sina Chip at Nigel para sa isang drinking game, pero nagmaintain na sober ang dalawa para sa plano nila mamaya. May karaoke machine sa dulo ng poolside at makikita mo si Jaidee na sinisigaw ang lyrics ng isang BTS song kung saan tinatawanan siya mga kasama niya, including Kayla and Tiffanie.
"Hoy, babae." umupo si Jaidee sa tabi ni Tiffanie at nagshot siya ng isang shot ng pink gin, "Ooh... ang tapang nun, never again. So, 'lasing' ka na ba?"
"Yep... huwag ka magpalasing!" kinuha ni Tiffanie ang shot glass ni Jaidee na may pink gin (umiinom siya kahit sabi niya never again), "Naalala mo pa yung pangalawangplano, diba?"
"Of course!"
"Edi gawin na natin."
Malapit ng umaraw at pakonti ng pakonti na ang mga tao, kaya ito na ang tamang oras para gawin ang kailangan nilang gawin. Tinawag nila ang dalawang lalaking Hunters, giving them a signal at pumunta sila sa exit ng castle.
"Ikaw na bahala dito." nagtago silang dalawa ni Jaidee sa likod ng malaking gate at hinintay nila ang mga lalaki na dumating.
"Haha, thank you sa pagguide Marcus!" narinig nila ang boses ni Chip at pinanood sila ng mga babae, "Ang laki kasi ng bahay mo kaya nalito kami!"
"Okay lang, haha, hindi niyo kasama sina Jaidee at Tiffanie?"
"Hindi, pero paalis na din sila."
"Sige haha, bye guys!"
Noong umalis na ang mga lalaki, tumakbo agad si Tiffanie na nagkukunwaring lasing papunta kay Marcus na nasa gate ng castle.
"Hiiiii, wow pareho tayong andito!" sinabi ni Tiffanie kay Marcus at nanotice niya na lasing ang dalagang nasa harap niya.
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasyNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)