"Tae... one hour na tayo nagbabiyahe pagod na ako."
"Wow, ikaw yung napagod, Jaidee?"
Almost 1 hour ng nagbabiyahe gamit ng teleportation ang apat na hunters, every now and then kailangan maggain ng energy ni Tiffanie para makapagteleport ulit.
"Break time..."
Dumaan sila sa isang convenience store at doon sila bumili ng chips and tubig. Pagdating nila sa counter, binigay nila yung card nila sa cashier.
"An ACSHS card?!"
Napatingin lahat ng mga tao sa store sa kanila, nasa area sila ng mga middle and lower classes na hindi masyadong pinupuntahan ng mga Royals unless may event na nangyayari.
"May Royals dito!"
"Uy oo grabe!"
"Shet!"
"Teka, bakit di sila familiar?"
"Di kaya sila yung Hunters?"
"Tara na." nagbayad sila sa cashier at agad umalis sa store para pumunta sa isang lugar na tago kung saan pwede sila magteleport, "Ang lapit na nun, dapat mas careful tayo. Magcacause ng controversy kung may nakaalam na Hunters tayo." sinabi ni Tiffanie, "Tara, masyadong public dito, alis tayo ulit."
At paulit-ulit itong nangyari, kada magteteleport sila, kapag masyadong madaming tao, maghahanap pa sila ng lugar kung saan walang makakakita sa kanila. Every now and then tumitigil sila para kumain at para makapaggain ng energy si Tiffanie.
"Okay, guys, tatlong oras pa, kaya natin 'to."
Tuloy tuloy 'to: teleport, takbo, tago, kain paminsan-minsan and repeat. And at one time masyadong napagod si Tiffanie na gumawa sila ng boat out of water gamit ng hydrokinesis ni Nigel, medyo nagtagal sila, pero nakapagpahinga si Tiffanie. Afterwards, tinuloy pa rin ni Tiffanie yung pagteleport for one more hour hanggang nakapunta na sila sa Promitium Market.
"Hello." sinabi ng isang matandang babae, "Paano kayo magbabayad?"
"Ah-"
"Paano kaya magbabayad?"
"...Card." binulong ni Chip.
"Hindi kayo puwedeng pumasok, gold and silver lang ang pwedeng pambayad."
"Ugh!"
Pinaalis sila sa pila nang namomroblema kung ano yung gagawin nila, sobra silang nastress dahil sa pagod at dahil sa sinabi ng matanda, especially na card lang yung dala nila. Right now, desperada silang makahanap ng solusyon.
"Excuse me."
May lumapit sa kanilang bata na babae.
"Gusto niyo ba ng gold and silver? Pwede niyong palitan gamit ng card niyo."
"Yes! Oo!" sinigaw ni Chip at binigay niya ang card niya.
"Chip, bobo-"
"Thank you, haha!" kinuha ng batang babae ang card ang tumakbo papunta sa isang gubat na malapit sa market.
"Puta." biglang umilaw ang mga mata ni Jaidee at tumakbo sa gubat kasama ang iba, "Hoy, bata!"
Gamit ng earth bending ni Jaidee, sunod sunod bumagsak ang mga puno sa gubat na hanggang hindi na makatakas ang bata.
"Huh?" tumingin ulit ang bata sa card na binigay ng bobong Chip, "Ah! Royals kayo?! Anong ginagawa niyo dito?!"
"Paki mo." lumapit si Jaidee sa bata, "Ibibigay mo yung card o sa'yo babagsak yung puno?"
"Huwag! Eto, kunin niyo na yung gold ay silver! Huwag niyo lang ako kukunin! Huwag niyo gawin yung ginawa sa kapatid ko!"
"Kapatid mo?" sinabi ni Tiffanie at umiyak yung bata.
"Royal ako dati... pero hindi ko alam bakit tumatakas yung mga magulang ko kasama ang at kapatid ko noon. Doon, kinuha ng mga Royals ang kapatid ko at kinulong yung mga magulang ko... hindi ko alam bakit..."
"Huh?" nagtaka si Jaidee, pero meron siyang naisip bigla, "Tinakas ba nila dahil...?"
"Hindi ko alam bakit kami tumatakas... pero noong ipinanganak ang kapatid ko, sinabi nila meron siyang dalawang Edges at doon na kami nagsimulang umalis... dahil sa pagkulong ng mga magulang ko, hindi na ako Royal at nawala edge ko... ayoko sa inyo! Ayoko sa mga Royals!" agad umalis ang bata na umiiyak habang hawak-hawak nila ang gold at silver ng bata.
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasíaNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...
![Hunters [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/181604434-64-k622406.jpg)