"N-No."
Kinuha ni Marcus ang bote na nasa kamay ni Tiffanie at nakita niya ang luha niya sa loob, "Para saan 'to? Akala ko ba wala kang itatago sa akin?"
"Souvenir siya-"
"Sumagot kang matino, Tiffanie. Para saan 'to?"
"Prince Marcus!" binuksan ng isang knight ang carriage nila at kinuha ni Marcus ang bote, "This way please... ibang knight ang maggaguide kay Tiffanie."
"Yes... Tiffanie." tumingin siya ulit sa kanya bago siya bumaba, "Mag-usap na lang tayo mamaya."
Nagpanic agad si Tiffanie dahil wala ang luha sa kanya at imposibleng gumana ang fireworks dahil dito, not only that, naging suspicious si Marcus sa kanya just before the coronation.
"Um... Miss Tiffanie?" sinabi ng knight sa kanya, "Baba na po kayo diyan, tutulungan na po kita sa upuan niyo."
Noong nakaupo na si Tiffanie, kinuha niya sa kanyang bulsa ang mini magic mirror niya at tinawagan sina Jaidee, "Jaidee, andyan na ba kayo sa upper floor?!"
*
"Ha?!" sumigaw si Jaidee, making people look ate her habang kausap niya pa si Tiffanie sa mini magic mirror, "Bakit niya nakita? Tsaka bakit siya magiging suspicious?"
"Ewan ko! Pero malaking problema 'to, anong gagawin ko?!"
"Mamaya na, ituloy mo lang ang plano, kami na bahala."
"Pero wala yung luha!"
"Kami ng bahala doon! Basta gawin mo lang ang plano!" tinapos ni Jaidee ang call at sinabi niya 'to sa mga Hunters mg pabulong para hindi sila marinig ng mga Royals sa likod, obviously, kinabahan ang mga Hunters.
"Anong gagawin natin, Jaidee?" nagpanic si Nigel.
"Kapag ginawa ni Tiffanie ang kailangan niyang gawin, bababa tayo doon, gets?"
*
Nakaupo lang si Tiffanie doon, katabi si Marcus at hindi nila kinakausap ang isa't-isa. Kinakabahan si Tiffanie, wanting to say something pero hindi niya kaya, masyadong tense ang atmosphere between her and Marcus.
"So..." inilabas ni Marcus ang bote, "Alam mo ba sa lahat ng mga potions na nageexist sa mundo, iisa lang ang may kailangan ng luha- ang luha na galing sa isang Royal dahil sa pagmamahal niya sa isang Hunter."
"At ano yun?" nagkunwaring walang alam si Tiffanie habang hindi naniwala sa kanya si Marcus, "So hindi mo talaga ako pinagkakatiwalaan? Hindi mo pinagkakatiwalaan ang girlfriend mo?"
"Yung tatay ko yung nagsabi nito... sinabi niya may pinaplano na something yung mga Hunters at ayaw kong maniwala dahil masyado kitang minahal." pinakita ulit ni Marcus ang bote at inilapit niya ito sa mukha ni Tiffanie, "Huwag mong sabihin tama yung tatay ko sa fireworks."
"Bakit ka biglang mag-aassume ng ganyan?! Bakit, hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?!"
"Ahem." lumapit sa kanila si Haring Vincent kasama si Queen Claudette sa kanilang dalawa na nag-aaway sa harap ng coronation hall, "May problema ba?"
"Wala, 'tay..." tinago ni Marcus ang bote para hindi ito makita ng kanyang tatay. Noong nakaalis na ito, inilabas niya ito ulit, "Mahal kita, alam mo yun..."
"Mahal din kita... kaya bakit ba hindi mo ako pinagkakatiwalaan?"
"I'm sorry... medyo nagpanic lang ako sa mga sinabi ng tatay ko sa akin."
"So..." sinubukan ni Tiffanie kunin ang bote pero napansin ito ni Marcus.
"Bakit? Bakit mo gusto kunin yung bote?" Tiffanie looked at him and saw na nag-iba siya dahil masyado siyang nakinig sa tatay niya. In fury, tumayo si Tiffanie at pumunta sa coronation hall at kinuha ang mic ni Ravenna na nagbobroadcast.
"That is enough!" lumapit si Haring Vincent kay Tiffanie at kinuha ang mikropono sa kanya, "Sabi ko na nga ba bad news kayong mga Hunters kayo! I declare no freedom for the Hunters!"
Nagulat lahat ng mga tao, walang ginawa ang Hunters kung hindi maging mabait sa kanila for the past months kaya hindi nila maintindihan kung bakit ayaw nilang pakawalan ang mga Hunters.
"Pa, stop, nagalit lang siya sa akin!"
"Tama na , Marcus! Masyado kang nabrainwash sa babae na 'to! Hindi tuloy ang coronation!" itinulak niya si Marcus at nakita na may gumulong palabas sa bulsa ni Marcus. Kinuha niya ito at may nakita siyang bote na may isang patak ng tubig, "I told you, Marcus! May plano ang mga Hunters na 'to!"
"Wala sila, 'tay! Please, ako na ang kakausap kay Tiffanie para maclear up ang misunderstanding-"
"Please shut up, Marcus." nanahimik si Marcus sa sinabi ni Tiffanie at hindi siya makapagsalita. Kinuha niya ulit ang mikropono na nasa kamay ni Haring Vincent at nagsalita dito, "Huwag ka ng magalit, Marcus, tama naman ang tatay mo."
BINABASA MO ANG
Hunters [COMPLETED]
FantasyNote: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prologue, kaya please read that if you want to read the story, thank you! Published and completed in 2018...