Chapter 16: Escaping

124 3 0
                                        

Biglang nanahimik, pero hindi awkward yung atmopshere. Medyo proud si Marcus, makikita mo sa mukha niya na hindi niya pinagsisisi ang sinabi niya kahit hindi makapagsalita si Tiffanie.

"Prince Marcus!" sinigaw ng knight, honking the car.

"Tara na, 20 minutes pa yung biyahe." this time hindi niya kinuha kamay niya at sinundan lang siya ni Tiffanie.

Sumakay sila sa loob at tinaas ni Marcus yung pangblock sa driver's seat at back seat kung saan sila nakaupo para hindi marinig yung conversation nila. Hindi makatingin si Tiffanie sa mga mata niya, kaya ginawa niya ang best niya para umiwas.

"Bakit mo ako iniiwasan?" tinanong ni Marcus sa kanya at nahiya si Tiffanie noong nahalata siya, "Tiff, joke lang yun, huwag ka mag-alala."

"Ah... joke lang yun..." mahina yung boses ni Tiffanie at barely siyang naririnig ni Marcus, "Marcus... magkaibigan tayo, diba?"

"Kung cinoconsider mo akong kaibigan."

"Oo, para sa akin, kaibigan ka."

Nanahimik si Marcus sa sagot ni Tiffanie, pero ngumiti siya ng konti, "Salamat. Ganun na din ang pagtreat ko sa'yo."

Alam ni Tiffanie na mali ang ginagawa niya. As much as possible, dapat cinacapture na niya ang puso ni Marcus, pero ayaw niyang magrush ng things at balak na lang niyang ituloy ang plano ng lasingan at landian sa castle party niya.

"Friends. Oo, friends lang tayo." Tiffanie smiled in response.

Naging awkward ang air, hindi sila nag-usap ng iilang minuto dahil parang ayaw magsimula ng conversation ni Tiffanie.

"So... yung castle party mo." napagtanto ni Tiffanie na dapat ginagrasp na niya ang ganitong oras para makakuha ng information, "Nakita ko lang yung bandang ballroom niyo. Sa mga castle parties na maiinvite kami, feel ko malilito ako sa mga kwarto."

"Oh, tutulungan kita sa directions if you want. All ears naman ako palagi. Magtanong lang kayo sa akin kung may kailangan kayo."

"Although, wala pang confirmed date para sa castle party mo, noh Marcus?"

"No, wala pa."

"Ano palang ginagawa sa castle parties? Anong events, anong susuotin... etc." nagtanong nang nagtanong si Tiffanie.

"I suggest na trial niyo muna yung party ni Dwayne. Magpractice muna kayo doon para makapaginteract kayo nang maayos sa party ko." responded Marcus, "Usually naka-casual lang ang mga tao, and minsan may awards. Yun lang masasabi ko."

"Thank you so much, Marcus."

"Pleasure's all mine, Tiffanie."

Truthfully, kinakabahan si Tiffanie sa plano ni Jaidee. Other than the invasion, mas kinakabahan siya sa confession. Usually confident si Tiffanie, pero ngayon medyo nag-aalala siya.

"I guess hihintayin ko na lang yung final decision, noh?" Tiffanie was lost in thought, napansin ito ni Marcus, pero pinabayaan niya lang itong mag-isip.

"Ma'am, sir, andito na po tayo."

Bumaba silang dalawa at umalis ang sasakyan, informing Marcus na tawagan na lang sila kapag magpapasundo na sila.

"Hindi ko naiintindihan kung bakit sinabi mo masaya akong kausap." pumasok silang dalawa sa hardware habang sinasabi yun ni Tiffanie at nakikinig si Marcus, "Hindi man nga kita kinausap sa sasakyan eh, sorry."

"Okay lang. Kasalanan ko rin naman na hindi ako gumawa ng topic."

"Edi hindi ako masaya kausap." kumuha si Tiffanie ng shopping cart, inuunahan si Marcus, "Ako din naman hindi nakagawa ng topic."

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon