Chapter 7: The Truth

194 6 0
                                        

Nanahimik, pero may konting palakpak.

Agad kinabahan si Tiffanie, hindi niya pa master yung Edges niya dahil ngayon niya palang ito nagamit, kaya natatakot siyang mapapahiya siya sa harap ng mga Royals.

"Dalawa Edges niya noh? Ahh, excited ako!"
"Pero di pa naman niya ginagamit! Haha, excited akong magfail siya."

Pumunta siya sa harap at doon pinikit niya ang kanyang mga mata, hoping na magawa niya ang best niya especially madaming nanonood sa kanyang Royals.

"One, two, three!"

Lumabas yung demon pig at nagteleport si Tiffanie sa likod nito, doon sinubukan siya atakihin ulit ng baboy, pero sinunog niya ito bago ito napunta sa kanya.

"Buhay pa ang baboy!"

Biglang mas naging nakakatakot ang baboy dahil nasusunog ang mga mata nito at tumatakbo siya papunta sa harap ni Tiffanie, pero nakapagteleport siya bago siya saktan ng baboy. Gamit ng apoy, itinulak niya ang baboy papunta sa pader at doon sinunog niya ang tiyan nito, ang parte sa katawan niyang hindi protektado.

"Teleportation and Pyrokinesis! Excellent Edges and excellent strategy! Everyone, clap for our Hunter, Tiffanie Regina!"

Pumalakpak ang mga tao, sobra silang nagulat sa ability ni Tiffanie since ngayon niya pa lang nagagamit Edges niya, and of course naging excited yung iba dahil dalawa yung ginamit niya.

"You were better than the other three Hunters earlier... especially sa boy Hunters..." sinabi ni Professor Jannah at ngumiti si Tiffanie sa kany at nagpasalamat. After that, bumalik rin si Tiffanie sa kanyang upuan.

"Ang galing mo! Hindi ko expect!"
"Totoo bang first time mo gamiting Edges mo?!"
"I love what you did!"

First day na first day, nakakareceive na siya ng appraisal sa mga Royals.

*
ACSHS Cafeteria: Break Time

"Nagalingan sila sa akin, ang proud ko hehe. Pero natawa sila kina Chip at Nigel, di naman sa pinagtawanan pero madami silang naging kaibigan dahil doon. Sobra silang natawa nung naging baboy rin si Chip."

Kinwento ni Jaidee ang experience nila sa Strategy class, it was obvious na lahat ng mga students naenjoy nila ang Strategy class.

"Pero, mostly kayo ni Marcus yung naririnig ko sa klase niyo, kaya yung mga nasa klase namin gusto kayo makilala, since talk of the town kayo." sinabi ni Jaidee.
"Yieee, bagay silaaa." sinabi ni Chip.

"Uy, Chip! Nigel!" sinigaw ng isang lalaki.
"Uy tara, Nigel, tinatawag tayo nina Dwayne." umalis agad sina Chip pagkatapos nilang kainin yung ulam nila.

"Wow, new friends agad?" sinabi ni Tiffanie, "Gagana pa ba plano natin kung naattach tayo sa mga Royals?"
"Yun nga eh. Expect ko na plastikan lang tayo, pero looks like nagkakakaibigan na sila. Hayyy, sobrang madidisappoint si Tyler sa atin." sinabi ni Jaidee habang kumagat siya sa ulam niya, "Huwag na lang natin kaya sundan si Tyler? Papakawalan naman tayong mga Hunters kung pinatunayan natin na mabait tayo eh."

Nanahimik lang si Tiffanie, gusto niya talagang tumuloy sa plano, pero mukhang maaattach talaga sila sa Royals.

"We'll think about it."
"Bilisan mo Tiff, pipili pa tayo ng klase natin. Oh tsaka yung mga mandatory classes, araw-araw nagiiba ng schedule, kaya excited akong makita ka sa Strategy!"
"Sige, sige. Tara, punta na tayo sa subjects."

Inayos nila yung mga plato nila at pumunta sa labas para mamili ng mga subjects na gusto nila.

Non-Mandatory Classes:
* Plants in the Botany
* Weapons Advanced
* Magic 101
* Rise of Modern Magical Technology
* Beasts in Kingdoms

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon