Chapter 36: It's Coronation Day

329 6 2
                                    

Lahat ng mga tao nagulat as nag-iba ang expression ni Tiffanie. Ang mukha niyang palaging masaya towards Marcus at sa mga ibang Royal ay naging isang death stare, threatening the King.

"But... why?!" tumayo si Marcus at lumapit kay Tiffanie, "All along gusto niyong saktan ang mga Hunters?!"

"Hahaha! Kami? Sasaktan kayo? Parang baliktad?" tumawa si Tiffanie pero nagalit ito agad sa mukha ni Marcus, nagugulo si Marcus dahil hindi niya alam kung ano ang sinasabi niya.

"Hunters, kailangan nating bumaba!" nagmadali ang tatlong Hunters papunta sa harap ng coronation hall para pumunta kay Tiffanie. Tumingin lang sila kay Tiffanie, pero parang sila din ay natakot sa kanya.

"Tama na yan! Kung sanang nagpakatino lang kayo, ay sanang nakawala na kayo sa islang yun!" kinuha ni Tiffanie ang kamay ng Hari at itinulak siya papunta sa floor. Kinabahan lahat ng tao noong tinapakan siya ni Tiffanie sa tiyan at nagsimulang magsalita sa mikropono.

"Gusto po kitang paniwalaan... kaso hindi totoo..."

"Knights!" nagsitakbuhan ang mga knights papunta kay Tiffanie noong tinawag sila ng Hari na nakahiga at hindi makagalaw, pero inattack sila ng mga Hunters bago sila nakalapit kay Tiffanie.

"Now... eto na yung totoong show." kinuha ni Tiffanie ang mini magic mirror niya at ipinroject lahat ng mga screenshots ng chat ng Hari at isang unknown na babae, "Wala kaming ginagawa sa'yo..." ang paa ni Tiffanie na nakatapak sa tiyan ng Hari ay unti-unting pumupunta sa leeg niya, "...Tapos sasaktan niyo kami?!"

Hindi makapagsalita ang mga tao noong nakita nilang mga screenshots, pero hindi nila maramdaman ang lungkot para sa mga Hunters.

"Tama naman ang ginagawa ng Hari!" sinigaw ni Cayna sa crowd, "Kasi ngayon, ipinakita niyo na talaga kung ano kayo- lahat kayo ay kriminal!"

Sumigaw lahat ng mga tao ng "KRIMINAL!", kinabahan lahat ng mga Hunters kung gaano sila kaloyal sa Hari, kahit alam nilang may masamang plano ang Hari sa kanila at may kabit siya, hindi sila naawa sa kanila at mas naawa sila sa Hari.

"Tiffanie..." tumingin sa kanya si Marcus, galit na galit ang mukha, "I loved you... but you disappointed me... inexpose mo ang pamilya ko..." lumuha si Marcus ng tears of hatred.

"Pero... Marcus..." tumingin lang siya sa mukha ni Marcus, pero ang nakita niya lang ay galit- walang pagmamahal. Minahal niya ng sobra si Marcus, pero ngayon ganito lang siya tinetreat ni Marcus, "Marcus.... minahal kita... minahal kita..." tumakbo siya papunta kay Marcus at kinuha ang luha niya at linagay sa box na hawak-hawak ni Chip kung saan linagay ng mga Hunters ang mga ingredients ng fireworks.

BOOM
BOOM
BOOM

"Tiffanie, anong ginagawa mo?!" nagpanic lahat ng tao noong biglang dumilim ang buong coronation hall at hindi sila makalabas. Nabuo ang galit ng mga Hunters para sa mga Royals at natakot si Marcus sa mga expression sa mukha nila.

"Marcus..." tinanggal ni Tiffanie ang singsing na ibinigay sa kanya ni Marcus, "Walang kwenta lang ba lahat nito sa'yo? Walang kwenta ba yung fact na minahal kita? Mas mahal mo pa yung kupal mong tatay?"

"Tiffanie, tama na!" gumuho ang lupa at nakita nila ang barrier ng isla na nasisira, "Minahal din kita, at mahal pa rin kita! Sobra mo lang akong sinasaktan ngayon dahil ipinapakita mo lang sa lahat na isa kang kriminal!"

"Pero kriminal naman talaga kami." ibinulong ni Nigel sa kanya, "Kriminal kami kasi itinaksil niyo kami."

"Nigel!" sinigaw ni Kayla sa crowd, umiiyak siya ng umiiyak pero walang expression sa mukha ni Nigel, "Please, hindi ka ganito dati-"

"Hohoho, late ba ako sa party?" bumukas ang mga pintuan ng coronation hall at doon may nakita silang tatlong silhouette, "I am Tyler Caderin, at nalaman kong ikaw..." tumakbo siya papunta sa kanya, "Sinaktan mo mga kaibigan ko...?"

"Royals, attack!"

Lumapit lahat ng mga Royals sa kanila, pero nalaman nilang hindi sila makagalaw, nakafreeze lang sila sa mga pwesto nila, unable to move.

"Uy, diba coronation ngayon?" kinuha ni Tyler ang korona na nakadisplay at ilinagay niya ito sa ulo niya, "Mga Hunters, lahat kayo ay magiging knights ko!"

Tumango lahat ng mga Hunters sa kanya, okay lang na maging under sila kay Tyler, basta hindi sila makakabalik sa islang yun.

"Hoy, ikaw!" sinigaw ni Marcus kay Tyler, "Anong ginawa mo?! Bakit hindi kami makagalaw?!"

"Oh dear..." lumapit siya sa mukha ni Marcus at bumulong sa kanya, "Have you ever heard of a Hunter with three Edges?"

-End-

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon