Chapter 20: Back At The Island

113 3 0
                                    

"Hi, Tiffanie!"
"Hi."

Madaming naging kaibigan si Tiffanie sa party kaya madaming nagha-hi sa kanya sa hallway noong lumabas na siya sa banyo. Lasing na lasing nun si Jaidee sa party kaya hindi niya siya mautusan na basahin ang mga utak ng mga naging kaibigan niya sa party kung totoo ba ang mga sinasabi nila.

Right now, sinusubukang hanapin ni Tiffanie si Hana dahil naramdaman niya na hindi niya maayos na sinabi ang sorry sa kanya. Nag-alala si Tiffanie, pero hindi na niya makita si Hana simula noong lumabas na siya ng banyo kaya bumalik na lang siya sa park para tumulong sa booth.

"Okay ka lang, Tiffanie?" tinanong ng mag kagrupo niya dahil mukhang wala siya sa sarili niya.

"Oo... okay lang." sinabi ni Tiffanie habang pininturahan niya ang wood na gagamitin sa decoration ng booth nila.

"Tiff... red yung ginagamit mong paint dapat white yan." binulong ni Hana sa kanya.

"Ay shet, oo nga, I'm sorry... hihintayin ko pa 'tong matuyo..."

"Tiffanie." kinuha ni Marcus ang paint at paintbrush na hawak-hawak ni Tiffanie, "Ayaw mo magpahinga ka muna? Mukhang pagod ka pa."

"No, Marcus, okay lang ako."

"Balik ka muna sa dorm mo, I insist."

Nahihiya lang si Tiffanie kaso totoo naman na kailangan niya ng time para sa sarili niya para mag-isip. Hindi naman siya nagcacare para kay Hana, or even the other Royals, pero nagkathought lang siya na maghohold si Hana ng galit sa kanya na posibleng maging threat sa kanilang Hunters. Winish niya na andito si Tyler, magandang magrant kay Jaidee, pero mas magandang magrant kay Tyler in things na nasa topic na ito. Palaging tinuturo sa kanila ni Tyler na "lahat ay possible threats" and "trust no one."

Habang nag-aalala yung mga Hunters para sa kanya, nanahimik na lang si Tiffanie at tinanggap yung offer ni Marcus para magpahinga muna sa dorm. Pagkapasok niya sa room, kinumotan niya ang sarili niya at natulog agad para wala siyang iniisip.

*

"Hoy, Tiffanie."

Nagising si Tiffanie sa isang familiar na lugar. Iba yung kama na pinagtutulugan niya, black yung sheets at may graffiti all over the wall.

Merong hindi tama.
Tumayo si Tiffanie at bumaba sa stairs at doon nakita niya ang mga tao na hindi niya expect makita. Doon niya nalaman na andoon siya sa isla kasama si Rile, Jared, at Tyler.

"Anong nangyari?!" nasa state of panic si Tiffanie, alam niyang nasa dorm lang siya kanina, pero medyo satisfied siya na andiyan si Tyler.

"Punta ka sa taas, may pag-uusapan tayo." dinemanda ni Tyler at sumunod siya. Kanina niya pa hinihintay na makausap si Tyler kaya medyo kinakabahan siya.

"Okay ba ang lahat ng nangyayari sa Trinitium? Nakukuha niyo na ba lahat ng ingredients para sa fireworks?" tinanong niya.

"Oo, nakuha na namin lahat at hinihintay na lang namin silang maferment."

"At yung luha? Nakukuha na ba?"

"No, Tyler... hindi pa namin nakukuha." umapoy yung mga mata ni Tyler as if disappointed siya kay Tiffanie, trusting her and all, "Malapit na ang 3rd month niyo at hindi niyo pa nakukuha. You do realize na 2 months na lang ang natitira niyo?"

"Oo, alam namin, we're doing our best."

"Good, gusto ko ng makawala dito nakakainis. Haha! In about 7 months magagawa ko na din yun... I'm excited and I'm hoping for the best."

Tumingin si Tyler kay Tiffanie, gazing at her habang ngumingiti siya, biglang kinabahan si Tiffanie.

"Reminder lang..." binulong niya sa kanya, "Dapat lahat ng tao nasa side mo, especially yung mga kalaban mo... huwag mo sabihin na may nagalit ka sa isa sa mga Royals?"

Hunters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon