" Huh! Sino kaya ang dumadalaw kay Heneral Sanzumaru?! Alam Kaya niya na Wala talaga dito ang labi ng heneral. Ilang pagkataon na rin ito mula ng dalhin sa Japan ang mga labi niya." Nagtatakang sabi ni Almira.
" Yun din iniisip ko noon pa hon. Hindi kaya may tao pang naging bahagi ng nakaraan ni Heneral o kamag-anak na narito sa bayan na ito. Iniisip ko rin kung may nalalaman din kaya ito sa nakaraan....at sa naging time travel ninyo ni Theo."
" Hindi ko Alam eh. Tanging si Julian lang ang alam ko na nakaalam noon pa man. At noon nga na nakabalik kami saka lang namin nalaman ni Theo base sa mga sulat niya at mga sinabi sayo."
" Ako man sabi ko nga nasa college na ako ng magkuwento sa akin si Lolo ng tungkol sa inyo. Wala siyang nabanggit na ibang tao na nakakaalam. Unless na may iba pang kayong items na naiwan sa past at may nakakuhang iba na tulad ni Lolo ay naniwalang mula kayo sa ibang panahon."
" Hindi ko din alam sa tagal ba naman namin doon halos umabot na ng isang taon ay hindi ko na maalala mga physical things or materials na nadala namin then later naiwan."
" I'm sure meron hon. Remember walang nakakaalam sa inyo ni Theo kung paano at kelan kayo makakabalik. That night na naganap ang labanan, malamang may iba pang bagay kayong naiwan. Then may nakakuhang ibang tao."
Napaisip si Almira sa sinabi ng asawa. Halos limang taon ng nakakalipas ng maganap iyon. Ngunit hindi niya lubos naisip na maaring meron......maliban Kay Julian.
" Mas mabuti pa umuwi na tayo. Ginulo mong isip ko. Napaisip tuloy ako." Tugon ni Almira.
" Natatakot ka ba?" Nakangiting bahagya na tanong ni Julius.
" Heh! Why? May dapat bang ikatakot ako?!"
"Umm wala naman. Baka lang kasi kinakabahan ka sa bagay na ito. Remember there are times dumadalaw tayo dito Kay Lolo at nagkakataon may bulaklak o kandila din sa puntod ni Heneral. It means may taong nakakakila sa kanya na maaring kilala din kayo ni Theo."
" I don't know, Ewan ko. Mabait na Heneral si Sanzumaru hon. Napakabata pa niya ng panahong iyon bagamat may pamilya na siya sa Japan. Hindi nakakapagtakang maliban sa amin ni Theo ay may iba pang tao na naging malapit sa kanya. Hindi ko rin makakalimutan na si Sanzumaru ang dahilan Kung bakit buhay ako at nakabalik sa aking panahon."
Mula sa pagkakaupo sa damuhan ay hinimas ni Almira ang lapida ng puntod ni Sanzumaru. Nakapikit at tila inaala ang mga kaganapan.........
FLASHBACK
Kinabahan si Sanzumaru...agad niyang hinanap si Almira at Theo pati ang iba niyang kasamahan. Agad niyang nakita ang mga ito na nakakubli kasama si Maria na patuloy na nakikipagbarilan. Nang tumakbo sa kinukublihan ang tatlo ay tumayo na din si Sanzumaru....ngunit nakita niyang nakatayo na sa gilid ng barikada ang duguang si Satoshi at itinutok ang baril na hawak nito sa nahuhuling si Almira sa pagtakbo. Mabilis na tumakbo si Sanzumaru na tila lahat ng kanyang lakas ay ginamit na niya. Sunod-sunod na putok at nakitang iniharang nito ang kanyang katawan sa dalaga. Agad namang tumilapon na si Satoshi sa mga tama sa katawan nito at dahil na rin sa pagsabog malapit sa kanya kaya hindi na maaring mabuhay ito.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...