Konnichiwa!:)
Sa lahat ng sumusubaybay sa kuwentong ito maraming salamat. Aasahan nyo pong pagagandahin ko din ang kuwento ni Lolo Mayo at ano nga ba ang magiging kaugnayan ng magkaibigan Almira at Theo sa kanya sa nakaraang panahon.
============================" Magandang hapon po, Tiya Minda?
" Sino Yan?"
Isang tinig mula sa loob ng nakasarang pintuan ng bahay.
" Si Mayo po. Tugang (kapatid) ni...Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agusto, Septyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre...Lubi-Lubiiiiiii!"
Sabay bukas ng pintuan.
" Bua-bua (luko-luko) ka talagang Bata ka! Bakit ka naparito?"
" May pinabibigay po kasi si Mamay, galing po sila ng kambal sa Sorsogon."
" Tuloy-tuloy, dumating na pala agad sila. Akala ko magtatagal sila doon.
" May eskuela po kasi ang kambal."
" Oo nga pala. Pakisabi na lang sa mamay mo na maraming salamat."
" Sige po Tiya Minda. Si Karlota po pala?"
" Hindi mo ba Alam?!"
" Hindi po."
" Pastidyo talagang batang iyon! Sinabi ko ng magpaalam muna sayo kahapon bago umalis!"
" Saan po ba siya Nagpunta?"
" Sumama sa Tiya niya sa Maynila. Kahapon ng hapon sumakay ng tren!"
" Ano po ang gagawin niya Doon?"
" Doon daw muna siya, bago magpasko ay babalik din."
" Ganun po ba. Baka po susulat na lang iyon kaya hindi na nakapagpaalam."
" Noy....Alam ko na mahal mo si Karlota. Kahit hindi mo pa nagiging nobya ang anak ko ay botong-boto kami ng papay niya sayo."
Sa narinig ay nasiyahan si Mayo. Ngunit hindi ito lubos sa dahilang hindi siya sigurado kung may pagtingin din sa kanya ang kababatang matagal na niyang gusto at nililigawan. Batid niyang matagal ng gusto ni Karlota na makapagtrabaho sa Maynila dahil ayaw nitong matulad sa mga magulang at kaanak na habambuhay na manatili sa lugar nila at pagsasaka lamang ang magiging hanapbuhay.
" Huwag ninyo po akong alalahanin Tiya, malaya naman po si Karlota sa mga nais niya sa buhay lalo pa at hindi naman po kami magkarelasyon."
" Iyan ang gusto ko sayo noy, kahit maloko ka ay malawak ang pangunawa. Alam ko na kahit laging nangungunsumi ang mamay mo sayo ay batid ko na masipag ka naman talaga. May pagka-isip bata ka lang kasi." Nangingiting turan ni Aling Minda.
" Pinuri mo nga ako Tiya sa huli ibinagsak din." Nakangusong saad ni Mayo.
" Aba'y totoo ang sinasabi ko noy. Matanong nga kita ikaw ba ay Wala ng balak magpatuloy ng kolehiyo? Puwede ka namang mag-aral dito sa ating lalawigan o kaya sa Maynila."
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...