" Kuya Theodorro! Ate Almira! Gising po! Binabangungot po kayo!"
Kandahingal ang dalawa ng magising. Agad nilang kinuha ang tubig na nasa baso na iniabot sa kanila ng dalawang kamay. Matapos nilang mainom ito ay saka lang nila napagtanto ang may hawak ng baso.
" So, So? SOCORRO?!"
" Ako nga po, bakit kayo nagulat?"
" NA, NASAAN TAYO?!" Agad na tanong ni Almira.
" Nasa kuweba po?!"
" ANO?!"
" Frend...ano ito? Panaginip? Bakit nandito tayo?!"
Siyang pagdating ng isang lalaki at pumasok sa kinaroroonan ng dalawa.
" Kayo rinig ko sigaw. May nangyari ba? Bakit?"
" SANZUMARU?!!!"
" Ako nga."
Sa sagot ni Sanzumaru ay sabay na nahimatay ang magkaibigan at muling nahiga sa kawayang sahig.
Nagtatakang nagkatinginan ang batang si Socorro at si Sanzumaru.
Agad muling nagsalin ng tubig si Socorro at inasikaso naman ni Sanzumaru ang nahimatay na dalawang magkaibigan. Ilang minuto lamang ay muling nagising si Theo kasunod si Almira. May pagtataka at pagkalitong pinagmasdan ng dalawa ang lugar na kinaroroonan nila.
" Oh noooo! Frend bakettt?! Ano ito bakit tayo nandito ulit?!"
Hindi sumagot si Almira mataman niyang pinagmasdan ang sarili, ang kanyang kasuotan, hinawakan ang kanyang buhok, mukha at sinipat-sipat ang katawan.
" Anong nangyari?!!!" Nalilitong tanong ni Theo kay Socorro at Sanzumaru.
" Ha? Hindi po namin alam. Naglalaro po kasi ako diyan sa may harapan ng kubol ninyo ng marinig kung sumigaw kayo. Binabangungot po kayo Kaya agad akong kumuha ng tubig." Sagot ni Socorro.
" Ako punta dito kanina mga isa oras na nakaraan. Ngunit hindi ko kayo kita dito. Kaya ako barik akin kubo. Ako taka bakit dito pala kayo higa?" Pahayag ni Sanzumaru.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...