Kabanata - 29

417 25 6
                                    

Ilang sandali pa muli kong nasilayan ang ilang rock formations na malapit sa likod ng bahay nina Mang Esteban. May ilang kabahayan doon na nakita naming nagbukas ng bahagya ng mga bintana. May mga senyasan silang ginagawa sa mga kasamahan namin kaya batid kong kaisa sila ng kilusan.

Sumadsad na ang bangka sa  dalampasigan. Naaninag ko ang ruins sa di kalayuan. Naging mabilis ang galaw ng lahat kung saan humimpil sa magkakaibang lugar ang mga bangka.

Mula sa madilim na mga bahagi ng dalampasigan ay nagsilabasan ang ilang tao. Agad itong sinalubong ni Mang Ignacio at Mang Esteban.

Naglakad-lakad na kami sa dalampasigan at tinungo ang bahagi kung nasaan ang mga ruins at ang bahagi ng lagusan. Dumaan kami sa bahaging marami pang matatayog na halamanan, puno ng niyog mga damo saan sa future ito ay isa ng park. Huminto sa paglalakad ang mga nauna sa amin ni Theo. Hinayaan namin silang mag-usap-usap dahil alam naman na naming dalawa kung ano ang pag-uusapan. Sariwa pa rin naman sa akin ang kung anong partisipasyon namin ng kaibigan ko sa gagawing paglusob.

" Hayan na sila frend same place, same scene, same people. Nalulungkot, natatakot, nakokonsyensya. Iyan ang nararamdaman ko."

" Ako man Theo. Pero ito ang dapat. Hindi tayo dapat magkamali sa kung anong mga pangyayari noon."

" Yun na nga frend. Kaso nakakagawa tayo ng mga simple lamang na bagay na hindi natin namamalayan ay nagkakaroon ng pagbabago sa kung ano ang nagaganap noon."

" Wala naman siguro malaking epekto iyon sa mangyayari mamaya sa pagbalik natin sa future."

" Sana nga frend, sana nga dahil Kung sakaling hindi tayo makabalik ay baka tuluyang na tayong mategi sa pangalawang pagkakataon."

Hindi na ako nakasagot kay Theo dahil biglang may malalakas na kulog at kidlat sa laot. Kung pagmamasdan ay tila umuulan na rin sa laot ngunit sa kinalalagyan namin ay nag-iiba na ang ihip ng hangin. Mabilis kaming lumapit sa karamihan kung saan nagsisimula ng baklasin nila ang tablang kahoy na itinakip doon. Mabilis nila itong natanggal ngunit may bakal na gate pa ang naroon na nahirapan silang buksan dahil kinalawang na ito. Sinipa ito ni Julian ng ilang beses hanggang sa nabuksan na ito.

" Kailangan na nating pumasok sa lagusan! Mukhang uulan at baka mahirapan tayo sa gagawing natin." Saad ni Mang Ignacio.

Samantalang humiwalay naman si Mayo at ilang kalalakihan. Sinabi niya na magkikita sila ng grupo ng kanyang tiyuhin at ang kanilang pakay ay ang bahay nina Julian na inokupa na ng mga hapones. Kumaway pa ito sa amin ni Theo na tinugunan naman namin.

Ng maglaho sa dilim sina Mayo ay nagsimula ng pumasok sa lagusan ang ilang kasama namin. Sa pagpasok ay inilawan ng iba ang dala nilang sulo. Basang buhangin ang nilalakaran namin dahil ilalim ito ng lupa.

Tulad noon ang mga pumasok ay sila din ang mga una, sumusunod at mahuhuli. Gumilid ako kaya nilapitan ako ni Theo.

" Hoy ano ba! Bakit ka humiwalay?!"

" Sandali! Hinahanap ko Yung nadala nating penlight na nasa bag."

" Ah yung sa may sumpang bag ni Julius?!"

" Oo. Magagamit natin yun, madilim kasi kahit may sulo. Ah heto na!"

Agad ko itong inilabas isang penlight na heavy duty na ginagamit in case of emergency. Agad kong isinukbit sa leeg ito ni Theo dahil may cord ito. Nabigla naman ang mga kasamahan naming nasa unahan na at napalingon lahat dahil sa liwanag na taglay ng penlight dahil sa LED light sa case nito.

" Ang gara naman ng ilaw na kuwintas mo Theodorro!" Agad na usisa ni Lando na mabilis nakalapit sa amin.

" Penlight ito noh! Of course kasi bihira lang ang nakakabili nito noh! Doon lang sa amin sa America ito nabibili you know!"
Biro ni Theo sa nakakangangang si Lando na pinagmamasdan ang ilaw.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon